Chapter 1

20 1 2
                                    

"Ayaw mo pa ba talagang umuwi? Lasing ka na ahhh?" saad ng isa kong kasamahan na babae. Hindi pa ako lasing sadyang nakainom lang!

"Ayoko" malimit na sagot ko sa kanya. Ayoko! Ayoko ko pang umuwi! Hindi ako uuwi hangga't hindi pa ako nalalasing.

"Bakit ayaw mong umuwi? Lasing ka na Pau!" giit ni Coleen. Ayoko pa talagang umuwi sa ayaw at sa gusto nila! Imbes na sagutin ko si Coleen ay lumihis ako sa mga salita.

"Kuya! One more please!" nagsalin agad ng brandy ang bartender sa baso ko. Nilagok ko iyon ng hindi tumigil. Gusto kong magpakalasing! Gustong-gusto ko iyon! Habang umiinom pa rin ng ilang shot ng brandy ay tuluyan na talaga akong nahilo. Nakaramdam agad ako ng panlambot ng aking mga tuhod. Gusto ko nang humiga sa kama. Gusto ko nang matulog. Sumasakit na rin ang ulo ko dala na rin siguro sa iniinom ko.

Hindi talaga ako palaging umiinom talagang ngayon lang ako nagpakalasing ng ganito. Umiinom lang kasi ako kapag may okasyon na gaganapin hindi rin ako gaano naglalasing to the point na ganito ang mangyayari sa akin ngayon. Ginusto ko ito at wala akong pagsisisihan.

Ang mga kaibigan ko rin kaya? Lasing na rin ba? Ang sakit na talaga ng ulo ko! Hindi ko na rin sila masyadong makilala kasi nag-aalon na ang paningin ko!

Para na rin silang umiikot lalo na't sinasabayan ng disco music na sobrang ingay. Nanatili pa rin akong naka-upo dito sa high chair na katapat ko ay ang bartender na busy dahil duma-dami na ang mga customer na nagsipasukan at naki-join na rin. Agad akong napalingon dahil may humila sa akin. Pag tingin ko ay si Kyla. Isa rin sa mga kasama ko ngayon.

"Uuwi na tayo Pau-" pagputol ko sa sinabi niya.

"Ayoko! Ayoko pa! Gusto ko pang uminom!" sa oras na ito tanging boses ko lang ang narinig, parang tumigil lahat ng mga background music na naririnig ko dahil nangingibaw ang boses ko. Hindi naman masyadong maingay sa pwesto ko kumpara doon sa harap ng stage.

"Pero Pau hindi na kaya ng katawan mo! Alam kong ilang minuto ay makakatulog ka! Alam ko ring hindi ka sanay na malasing ng ganito! Kaya Pau please?!" pagmamaka-awa ni Kyla. Hindi naman mahirap umuwi dahil may sasakyan naman itong mga kaibigan ko at tsaka ako. Pero hindi ko dinala ang sasakyan ko dahil plano ko na talagang magpaka-lasing. "Mabuti nga at hindi mo dinala ang sasakyan mo dahil baka walang mag da-drive sayo papuntang condo mo" pabulong na saad niya.

"Ok! Pero hintayin mo nalang ako!"

"Ok, sige hihintayin kita" agad siyang tumingin sa wrist watch niya na tila ba inoorasan ang pag-inom ko.

"Wait? Anong oras na ba?"

"9:35 Pau... So, kailangan na talaga nating umuwi dahil kapag alam ito ng daddy mo na ganyan ang ginagawa mo talagang maha-highblood iyon."

"Ayyy sos, ano ka ba hindi niya malalaman kapag walang magsusumbong di ba? (pagtuturo ko sa kanya na tila ba binibigyan ko ng leksyon. Tumango naman siya.) At tsaka palagi naman iyong busy kaya kampante akong hindi niya ito malalaman!" pagkatapos kong magsalita ay padabog kong inilagay sa mesa ang baso. Nagsalin na naman ng inumin sa baso ko ang bartender. Bago pa man magsalita ulit si Kyla ay naunahan ko siya. "At tsaka ano ka mo? 8:35? Naku! Ang aga-aga pa Ky, para umuwi kaya kung gusto mong umuwi? Mag-isa ka! Ayoko pang umuwi dahil umiinom pa ako." malasing-lasing na saad ko.

"Pau, tara na! Umuwi na tayo! Bukas nalang natin ipagpatuloy iyan, please? At tsaka hindi ka ba inaantok ha? Sa lasing mong yan? Hindi ka pa dinadapuan ng antok? My ghad, Pau!" saad ni Kyla sa akin. Tama nga naman siya inaantok na ako at sumasakit na talaga ang ulo ko. Pero ayoko pa talagang umuwi gusto ko ring magpakalasing hanggang sa makalimutan ko ang mga nangyari sa akin ngayong araw. Gusto ko nalang talagang magpakalunod ng inumin.

"Ahm, kuya one whisky please?" bigla akong napalingon sa boses na ito. Nasa tabi kasi siya sa akin at may tinatanaw sa kabilang table. Nag salin naman ng whisky ang bartender sa baso niya. Ang lambot ng boses niya. Parang..... Parang bakla! Mukhang makakasundo ko siya.

"Ang gwapo mo naman, beh!" malandi kong saad. Talagang sinadya kong painitin ang ulo niya. At pinalandas ko ang mga kamay ko sa mukha niya na para bang ini-eksamin ang bawat sulok ng mukha niya.

"Ewww! I'm a gay, bitch!" nandidiri niyang saad. Totoo namang gwapo siya pero hindi naman natin mapipilit kung pusong babae ang sa kanya. Hindi ko na talaga ma-klaro ang mukha niya. Pero bawat sulok ng mukha niya ay alam ko na. Medyo ma-panga siya pero di naman gaanong malaki. Makapal din medyo ang kilay niya. Matangos ang ilong! Manipis na labi at korteng hugis puso ang labi. For me, perfect na sa akin ang iyan. Tumawa ako sa inasal niya. Bakit ba nandidiri siya e, alam ko namang may mga barkada siyang mga babae kaya alam kong sanay na siyang maki-tungo sa mga ito.

"I don't care if you're a gay! All I can say is you're a handsome, sweetie!" malandi ko pa ring saad sa kanya.

"Gosh! Aalis na nga ako dito! Maghahanap nalang ako ng boylet at hindi gaya nito. For your information, again, I'm a gay, bitch so hindi ako kailanman mai-inlove sa mga babaeng katulad ko! Now you know!" saad niya at tsaka nag flip sa maiksi niyang hair sa harapan ko bago siya umalis. Natatawa ako sa inasal ng baklang 'to! Gusto ko siya. I mean gusto ko siyang makasama. Ang saya kaya kapag may inasar kang tao! HAHAHAHA! Balang araw makikita ko ulit siya. Hindi ko man masyadong naaninag ang mukha niya alam ko naman ang bawat sulok ng mukha niya.

Gwapo na nga siya kahit na masungit, yun pa kayang naka-ngiti. Kaasar! Ang landi-landi ko naman! HAHAHAHA! Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na alam kung saan na siya pumwesto. Samantalang.....

"Pau, tara na umuwi na tayo, please?!" pagmamaka-awang saad ni Mark. Kasama ko pala siya? Ay, oo nga pala marami-rami pala kami dito. Ang iba ay mga kaibigan na ng kaibigan ko. Kaya ang iba ay hindi ko na sila gaanong kilala, ang ilan naman ay nakita ko na noon. Hinila na ako ni Mark kaya hindi na ako nakapalag pa sa kanya. Uuwi nalang din siguro ako! Tutal, inaantok na ako at masakit na talaga ang ulo ko. Ngayon lang talaga ako nagpaka-lasing ng ganito.

Talagang ginusto ko ito para makalimutan ko ang break namin ni Jack. Pero talagang tumatak na sa isipan ko. Ang sakit! Eh, paano ba kasi, ipagpalit ka pa naman! Ano namang wala sa akin na nasa kanya ng babaeng iyon? Maganda naman ako! Maputi! Basta parang nasa akin na ang lahat! Pero bakit ganoon? Bakit pinagpalit ako?

Hays, bakit ko pa inaalala ang ganito? Sabagay minahal ko naman siya pero ang tanong minahal niya rin kaya ako? O baka peke lang iyong pinakita niya. O di kaya, siguro'y hindi kasi may nakita siyang iba eh. Kung tutuusin mas lamang pa nga ako sa babaeng 'yon eh! Talagang sasabog na ang utak ko kaka-iisip kanina at idagdag pa ang pagka-lasing ko ngayon.

Pangalawa ko pa lang siya na naging boyfriend at, oo, minahal ko siya. Ang naging una ko naman ay minahal ko rin pero hindi katulad ng pagmamahal ko ni Jack na halos wala nang matira sa sarili ko. Naghiwalay kami ng una kong boyfriend dahil siguro'y mga bata pa kami at kung tutusin ay matatawag pa iyon na puppy love. 3rd year highschool na kami noon nung sinagot ko siya. We grew up! At talagang nag-ma-matured ang isang tao.

Train To LoveWhere stories live. Discover now