Chapter 17

0 0 0
                                    


NASAAN na kaya talaga iyong babaeng yun? Ayoko namang maglibot muna dito na ako lang mag-isa dahil baka maligaw ako.

"Kuya Carl? Nasaan ho ba si Coleen?" tanong ko sa kanya. Lumingon naman ito sa akin. Na interrupt ko pa yata ang usapan nila.

"Uhm, nasa sasakyan pa siguro. Yun ang paalam niya sakin kanina eh!" aniya. Ah okay! Mamaya na siguro kami mamasyal ni Coleen at sa ngayon, magpapahinga muna kami. Ang haba rin kasi ng binyahe namin kanina.

Oww! I remember! May pagkain pa pala ako dito! Kakain na rin muna ako pagkatapos ay iidlip na muna. Boring naman nito kasi ako lang sa room na ito. I mean hindi pa kasi dumating si Coleen hanggang ngayon at kaming dalawa ang matutulog sa room na ito.

Binuksan ko na ang mga binili ni kuya kanina sa fast food. Alam na alam talaga ni kuya ang mga favorite food ko. Kahit hindi na mainit masarap pa rin.

Napadako ang tingin ko sa pinto dahil may kumatok. Napahinto pa ako sa pag kain. Tumayo na rin ako at binuksan na ang pinto.

"Anak ng putspa! Wala namang tao?!" saad ko na tanging sarili ko lang ang kausap. Muli ko itong sinarado at naglakad pabalik sa pwesto ko kanina.

Maya-maya pa ay kumatok ulit. Puta! Tinatakot pa ako! Sino ba kasi ito? Ano bang nasa utak ng taong ito at ang lakas mang-trip?!

Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba ulit? Baka nagtago lang ito at talagang mang-trip nga ito sa akin? Wala pa naman si kuya dito! Ok, fine! Ito na bubuksan ko na.

"Bulagaaa!!! HAHAHAHA!!" pabiglang saad nito at sumulpot pa ito sa harapan ko.

"Anak ng tikbalang!! Hindi ako mamatay sa inggit kundi mamamatay ako sa bigla nito KUYA! Puta! Bigla-bigla ka na lang susulpot! Akala ko pa naman kung ano na yun pala ikaw?" sermon ko sa kanya.

Habol-habol ko pa ang paghinga ko. Talagang natakot ako ng sobra dahil sa ginawa niya. E kung kayo ang nasa kalagayan ko? Hindi ba kayo mabibigla at matatakot? Hindi kaya magandang biro iyang takutin ka tapos biglain.

Talagang nag init ang ulo ko! Parang yung mga dugo ko ay nasa ulo lahat ni walang natira sa paa ko kundi nasa ulo ko na. Hays! Kung hindi ko lang napigalan ang sarili ko baka nahimatay ako kanina. And worst baka matuluyan na nga ako! Puta!

Naiinis ako! Habang siya ay tawa pa rin ng tawa. Tiningnan ko lang siya ng matalim. Natutuwa pa talaga siya sa ginawa niya. Ewan ko sayo diyan kuya pero sa ngayon? Hindi na muna kita papansinin. Bahala ka diyan.

Nagtungo ulit ako sa pwesto ko kanina habang siya ay umupo sa kama ko. Nagsimula na akong hindi pansinin siya. Nakakairita siya. Ayoko na lang din munang makita siya.

"Pasyal tayo mamaya Pau!" aniya. Nagsimula na siyang mag chika pero hindi ko siya sinagot at mas lalong hindi ko siya papansinin.

"Maganda raw dito sabi nila. Ilang beses na rin palang nakapunta dito sila Carl at kaya ipinasyal rin nila tayo ngayon!" aniya.

Bahala ka diyan! Basta ako concentrate ako sa kinakain ko.

Narinig kong pumuhit ang pinto at doon na rin ang paningin ko. Pagkabukas ay iniluwa si Coleen sa pintuan.

Napatakbo ako sa saya dahil sa wakas may makaka-usap na ako. Niyakap ko rin siya na tila ilang taon kaming hindi nagkita dahil sa sobrang galak.

"Uy! Hinay-hinay naman! Parang ngayon mo lang ako nakita! OA mo!" aniya sa tunog na may pag-iinarte. Napatawa naman ako sa inasta niya.

Tinanong ko siya kung kumain na ba siya at oo naman daw. Nag-chika pa kami at pagkatapos ay napagdesisyonan kong matulog na muna since ala-una pa naman.

Train To LoveWhere stories live. Discover now