Chapter 4

4 1 0
                                    


"Ano bang gusto mong inumin? Uhm, Brandy? Martini? Lindeman's or what? O baka naman hindi ka umiinom?" tanong ni Charles sakin. Pero hindi ko iyon pinansin. "Pau?" saad niyang muli doon lang ako nakabalik sa aking diwa.

"H-ha? I mean ano nga yung sinasabi mo? Sorry!" tanging naisagot ko. Ba't ba kasi lumilipad itong utak ko? Pota, hindi ko tuloy masyadong narinig ang sinasabi ni Charles.

"Sabi ko, gusto mo bang uminom?"

"Like what?"

"Like Brandy, Martini or Lindeman's. Or maybe you want some glass of water?"

"Uh, mas bet ko yung Martini!"

"Ok just wait me here. Kukuha lang ako doon sa counter. Okay?" saad niya. Tinanguan ko lang siya at nagtungo na siya sa counter.

Tiningnan ko lang siya papunta doon habang may naramdaman akong umupo sa kina-uupuan namin kanina. Nilingon ko ito. Isang lalaking sakto lang ang katangkaran pero mas matangkad pa rin siya sakin.

Humilig ito sa upuan at ipinatong ang kanyang ulo. Yung parang hihiga na siya. Magulo pa ang kanyang buhok at mapupungay na ang mga mata, halatang naka-inom na rin ito.

"Ba't ba tingin ka ng tingin miss? May gusto ka bang sabihin?" tanong niya. Aba ngayon nga lang tayo nagkita ang feeling mo na agad! Di ba pwedeng tinitingnan lang kita?

"Eh, bakit? Ano naman sayo kung tingin lang ako ng tingin sayo? Tsaka ako kaya ang nauna dito sa upuan. Ikaw lang itong nakiki-upo na wala man lang pasabi!" pabulong ko na sabi sa last sentence.

"Eh, akala ko naman walang tao, tsaka madilim rin kasi kanina nung nag tungo ako kaya hindi kita nakita." aba akalain mo yun narinig pa pala niya.

Maya-maya pa ay nakita kong papalapit na rin si Charles sa kinaroroonan ko. May dala na itong dalwang maliit na baso at isang Martini bottle. Hindi ko na rin pinansin ang lalaki sa di kalayuan sa kinauupuan ko. Hindi ko na rin siya tinitingnan.

"Here!" saad ni Charles sabay abot ng isang baso at sa kanya naman ang isang baso.

Nilagay ko sa mesa ang baso at sinalinan niya na rin ito pagkatapos ay nagsalin na rin siya ng para sa kanya. Itinaas niya ang baso at nakipag-cheers na ito sa akin at tsaka ininom.

"Ang tagal na nating di nagkita ah!" pasiunang saad niya.

"Ah, oo nga noh! Kailan nga tayo last nagkita noon?" tanong ko rin.

"Siguro, noong 2nd year natin?" saad niyang sa tonong hindi siya sigurado. Napa-isip pa ito kaya napa-isip na rin ako.

Oo nga naman nong highschool pa kami last nagkita ah. Tsaka nong nag 3rd year na kami ay nag-transfer na siya. Yun din yung last na balita ko tungkol sa kanya.

"Oo nga noong 2nd year highschool. Tas nung nag 3rd year ka na nag-transfer ka na non eh." sagot ko sa kanya.

"Oo tama ka nga! Nag-transfer ako nun eh. Ayaw ko pa nga, kasi gusto kong tapusin na lang ang 4th year kaso ayaw din nila mama eh. Kaya ayun, napilitan nalang akong mag-transfer." saad niya na halatang nanghihinayang nga siya. "It's been 4 years na muli tayong nagkita ah." saad niyang muli. Natawa pa ako. Totoo nga naman.

"Oo nga eh at talagang ang pangit pa ng muli nating pagkikita." saad ko ng naka-ngiti

"HAHAHA! Ba't naman nasabi mong pangit?"

"Eh kasi.... Kasi napagkamalan pa kitang baliw... Yung kanina? Yung nangyari satin? Akala ko kasi kung sino!"

"Ah HAHAHA yun lang naman pala, naku, wala yon ano ka ba, hindi rin naman kasi ako nagpakilala agad sayo kanina eh" tawang sagot niyang muli.

Nagsalin na naman siyang muli ng inumin sa aming mga baso. Pangatlong salin na niya ito at nakaramdam na rin ako ng pagkahilo. Ba't ba ang hina-hina ko pagdating dito? Pang-ilan ko pa ito ah tapos ito na agad? Mahihilo na agad?

Tiningnan ko muna siya bago sumagot.

"Oo nga naman. Alam mo ikaw mag-pakilala ka naman muna bago ka manghila ng kung sino ano ka ba naman. Talagang galit ako kanina, literal! Kaya sa susunod magpakilala ka naman! Okay?" sunod-sunod kong paalala sa kanya.

"Okay po maam! Noted!" sagot niya sabay saludo. Ano bang nangyari nito? Parang tingin niya sakin sundalo? HAHAHA para nga siyang baliw! Tumango na lang ako sa kanya.

Natahimik na rin kami kaya napatingin din ako sa ibang upuan. Sa kaninang inupuan namin ni Coleen at ang mga barkada ni James. Sa kanilang lahat isang babae pa ang naka-upo doon.

Nakatingin lang din siya sa mga kasamahan namin kanina at maya-maya pa ay nagsi-datingan na rin sila.

Nakita ko pang inilibot agad ni Coleen ang kanyang mga mata sa paligid. Alam kong hinahanap niya na ako. Alam ko ring hindi niya ako gaanong makikita kasi nasa madilim kami na sulok dito sa bar.

"Nakaka-miss yung nasa 2nd year pa tayo noh?" basag niya sa katahimikan.

"Oo eh kaso ito talaga. Alam mo na, umuusad ang panahon kaya lahat ng mga kagagawan natin noon ay mananatili nalang iyong alaala!" sagot ko rin sa kanya.

"Tama ka! Kaya nakaka-miss lang yong dati eh, yung tipong kapag lunch natin noon eh pupunta tayo sa ground para magbasa ng mga libro lalong-lalo na't may assignment tayo noon. Alam mo humahanga ako sayo kasi napakasipag mo talaga at tsaka matalino pa!" ngiti niyang sabi.

"Ano ka ba! Talagang nagsipag ako doon at minabuti kong mag-aral para naman mas magiging proud pa sina mommy at daddy. Tsaka nasa sipag yun kaya ako naging matalino!" sagot kong muli, nginitian ko na rin siya.

"Yeah, kaya nga ako humanga sayo eh! Ok wait! Kuha lang muna ulit ako doon ng isa pang bottle, ubos na kasi ito oh" saad niya at itinaas pa ng konti ang Martini bottle. Tiningnan ko iyon at talagang wala nang laman. Tumango na rin ako at umalis na siya.

Hindi pa man nakaka-layo si Charles ay may nagsalita na nanggagaling sa di kalayuan sa tabi ko. Konting distansya lang ang layo namin. Siguro hindi rin siya nakita ni Charles kanina dahil madilim ang pwesto niya. Nilingon ko siya at nanatili pa rin siya sa pwesto niya kanina hanggang doon.

"Ano mo yun? Boyfriend?" tanong niya. Akala ko ba umalis na ito? At tsaka kung hindi siya umalis, hindi rin siya nakatulog?

"Eh bakit ba? Akala ko ba umalis kana?" pagtataray ko sa kanya. Naka-angat na rin ang kaliwa kong kilay. Alam kong hindi niya ito makikita pero I don't care. Mataray siya kung makipag-salita pwes ako rin. Hindi ako papatalo noh!

"Ito naman, nagtatanong lang naman ako eh" pagsagot niya. Bumangon na siya sa kinauupuan at lumapit sakin ng konti. Tiningnan ko kung nasaan si Charles pero nasa counter pa rin siya. May kausap pa ito.

Tiningnan kong muli ang lalaki na ngayon ay palapit siya ng palapit.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang! Gusto ko lang tumabi sayo para naman makita ako ng mga kasamahan ko. Madilim kasi dito sa pwesto ko kaya tatabi ako sayo!" pagpapaliwanag niya. May pangiti-ngiti pa. Kinabahan tuloy ako.

Pota! Sino ba 'to? Uusog nalang kaya ako. Baka makita pa ako nito ni Charles baka kung ano ang iisipin niya. Hindi ko pa man kilala itong lalaking 'to.

Kaya ang ginawa ko ay umusog ako ng konti. Napunta ako sa kinauupuan kanina ni Charles habang siya naman ay nasa kinauupuan ko na. Pa-L kasi ang shape ng sofa at nasa footstool na ako naka-upo.

Train To LoveWhere stories live. Discover now