Chapter 21

0 0 0
                                    


KINABUKASAN, pangatlong araw na namin dito at ito na ang pang huling makikita ko ang Cebu dahil uuwi na kami. Binalikan ulit namin ni Coleen ang orphanage at binigyan ulit sila ng mga pagkain at kung ano-ano pa. Mababait din ang mga bata doon kaya'y napamahal na rin ako.

Pagkatapos naming bumisita doon ay pumunta ulit kami sa mall at bumili ng mga pasalubong na ibibigay ko kila mommy and daddy. Pati na rin sila manang ay binilhan ko rin. May mga masasarap rin silang delicacies na natikman ko na katulad ng Lechon de Cebu, Bingka, Dried Mangoes, Rosquillos, at Chicharon.

Masarap ang mga iyon sobra kaya nga binilhan ko sila manang para makatikim rin sila. Pati rin si Coleen ay bumili ng pasalubong para din raw sa parents niya.

Pagkatapos naming bumili ay bumalik ulit kami sa hotel. Sa may pinto pa lang ng hotel ay natanaw ko na si kuya na parang hinihintay talaga kami. Nang nakarating na kami sa kanya nagsalita agad siya.

"Mabuti at naka-uwi kayo! Akala ko magagabihan na naman kayo!" aniya na parang naiinip sa kahihintay.

"Bakit naman?" tanong ni Coleen sa kanya. Nanatili ang titig ko kay kuya.

"Aalis kaya tayo! Nakalimutan niyo na naman ba?" tanong niya.

Napaisip ako. Oo nga pala sabi ni kuya ay pupunta kami sa Moalboal. Maganda raw doon at tiyak na magugustuhan ko. May sardine tou raw doon at iba pa. Pagkatapos ay pupunta kami ng Oslob dahil doon daw namin makikita ang mga naglalakihang Whale Shark.

Maraming magagandang tourist spot ang Cebu at iilan pa iyan sa mga napuntahan ko. Siguro marami pang nakakubling tanawin na hindi pa masyadong kilala at wala pa masyadong mga turista.

"Ready na ba kayong lahat?" tanong ni kuya Carl. Sumagot naman kami.

Iyong van kahapon ay siya rin ang ginamit namin ngayon. Hindi na sila nagdala mg mga inumin dahil baka ma-late pa raw kami sa byahe pauwi bukas. At medyo malayo-layo raw ang byahe namin ngayon kaya hindi muna sila iinom at maglasing.

Patungo na kami doon. Iidlip na rin muna ako nang sa ganon ay may energy ako mamaya. Nakakapagod kasi ang mag-swimming katulad kahapon. Sa sobrang pagod ko ay agad akong nakatulog na nakalimutan kong magpalit ng damit.

Nagising ako sa ingay ng mga barkada ni kuya. Sabi nila malapit na kami. Hindi na rin ulit ako natulog. Pati si Coleen ay gising na rin.

Ang nangyari sa amin ngayon ay katulad din kahapon na may dala kaming mga softdrinks, junk foods and foods for lunch and maybe dinner kung maabutan man kami ng gabi pero may restaurant naman dito.

Inilapag na namin ang mga gamit na dinala namin at kanya-kanya kami ng mga dinadala. Lalong-lalo na ang mga lalaki, sila ang nagdala ng mga mabibigat na bagay.

Binaybay na namin ang patungo sa parang beach ng Moalboal. Ako ang nasa pinakahuli samantalang ang iba ay nauna na sakin. Cellphone kasi ako ng cellphone kaya medyo nasa malayo na sila pero natatanaw ko pa man.

Pero bago ko pa man nahabol sila kuya ay may nakabangga ako.

"Danghag!" ani ng isang boses ng lalaki.

Pota hindi man lang ako tinulungan. Ako lang mag-isa ang pumulot sa mga gamit ko. Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Hindi ko man maintindihan pero feeling ko ay minumura niya ako. Anong sabi niya? Danhan? Danhag? Ah basta yun na iyon!

Nilingon ko siya pagkatapos kong pulutin ang mga dinala ko pero ang tanging magandang likod niya nalang ang nakita ko. Infairness ah sexy siya. Pero suplado naman! Ano namang saysay ng maganda niyang katawan kung suplado naman.

Ni hindi nga humingi ng sorry. Minumura pa ako. Ni hindi nga ako tinulungan sa mga nalaglag na gamit. Parang walang pakialam sa paligid niya.

"Pauleen! Tara na! Ang bagal mo!" tawag ni kuya Paul. Putek tinatawag pa ako kita niya naman siguro na nililigpit ko pa ang mga gamit na nalagalag!

"Opo! Papunta na!" pasigaw kong sagot.

Tumalikod na si kuya at tumayo na rin ako. At the last time, nilingon ko ulit ang lalaki kanina. Buti at wala na siya. Buti at hindi niya alam ang pangalan ko.

Nakahabol ako kila kuya at nakakita na sila ng magandang pwesto. Maganda din ang view dito. Ang lamig ng simoy ng hangin.

Sinubukan namin ang mga iba't ibang activities dito. Nakaka-enjoy at nakakawala siya ng stress. Though nakakapagod pero worth it at nakakapag-enjoy pa kami ng sobra.

"Hayss! Mami-miss ko ang lugar na ito!" ani Coleen. Nasa tabi na siya sa akin. Nasa may buhangin kami ngayon.

"Oo nga! Mami-miss ko rin ito!" saad ko rin. Tumango siya at napa-isip.

Tumayo siya at bumalik ulit sa dagat. Naka two piece siya samantalang ako ay naka two piece rin pero may short sa ibabaw. Ayaw kasi ni kuya na mag suot ako ng ganun dahil baka mabastos ako. Sabi niya na ok lang naman pero dapat may short.

Napaka-protective talaga ng kuya ko sobra. Pero minsan nakakainis dahil hindi ko masyadong nae-enjoy. Minsan kj kasi ito.

Dumating ang hapon at kailangan na naming babalik sa hotel para mag impake na sa mga gamit namin para pauwi na. Kaming dalawa ni Coleen ang nauna sa kotse ni kuya. Sila na lang kasi ang nagbitbit ng mga gamit namin at sabi niya ay mauna na lang raw kami.

"Beh! Ano ba ang danhag? Danhan? Ano nga yun? Mura ba yun beh" lito kong tanong sa kanya. Kanina a kasi iyang nasa isip ko at hindi mawala-wala. Kinausap ko siya at siya naman ay nakatutok lang sa cellphone.

Pagkatapos kong sabihin ang last sentence na iyon ay nakuha ko ang atensiyon niya. Natawa pa siya. Bakit? Anong nakakatawa?

"Beh! Hindi 'yun mura ano? At tsaka mali yung sinabi mo. Sino ba may sabi sayo niyan?" natawa niyang sabi. Nalilito ako.

"E ano naman? Hindi ba danhag? Ano ba talaga Coleen pinapakaba mo ako!" saad kom

"Hindi naman yun danhag kundi danghag! In tagalog ng danghag ay tanga at tsaka hindi yun mura ano!" natawa pa rin niyang sabi.

"E kasi yung tono niya kanina parang minumura niya ako kaya nainis ako dun!" saad ko. Natawa na rin ako sa sinabi ko. Yun pala yun akala ko minura na ako. Putek! Namali lang pala ako ng pagkakaintindi.

Ni-judge ko pa naman ang lalaking yun. Pero kahit na, may rason pa rin yung pag judge ko sa kanya dahil hindi niya man lang ako tinulungan sa mga nalaglag na gamit ko.

Natahimik na ulit kami dahil nasa kotse na rin si kuya. Tapos na rin pala silang magligpit doon. Ayoko na lang pag-usapan ang napag-usapan namin kanina ni Coleen. Sinabihan ko na rin si Coleen na huwag na lang sabihan si kuya dahil wala namang dapat ikabahala sa kanya.

Train To LoveWhere stories live. Discover now