Chapter 6

2 0 0
                                    


"Oo nga naman!" sang-ayon ni Coleen.

"Teka, anong oras na ba?" saad ko at tiningnan ang wrist watch. 11:12 na at uuwi na ako ngayon.

Sinabihan ko na si Coleen na uuwi na ako at uuwi na rin siya. Nakapag-paalam na rin kami kina James at sa iba pa naming kasama. Mukhang mauuna na kaming umuwi ni Coleen kesa sa mga kasama namin.

Pumayag na man si James na uuwi na kami kaya hindi na kami nag-atubili pa.

"Wait... Hindi ka ba mag-papaalam diyan?" turo ni Coleen kay Charles. Naka-ilang steps na kami ng umurong kamk sa tapat ni Charles sa di kalayuan.

Oo nga pala. Ako nga pala ang nag-yaya sa kanya na pumunta dito kina James tapos nakalimutan kong magpaalam sa kanya. Nawala kasi sa isip ko amg magpaaalam sa kamya at muntikan na talaga kaming maka-uwi nang hindi nagpapaalam sa kanya.

"Uh... Wait lang ah? Pupuntahan ko muna iyon." paalam ko kay Coleen ng sa ganon ay pormal na akong maka-pagpaalam. Tumango naman si Coleen kaya nagsula na akong humakbang papunta kay Charles. May kausap na naman iyon kaya hindi niya ako napansin sa gilid niya.

"Uh... Charles... Excuse me!" panimula ko. At unang lumingon ang kausap niyang lalaki. "Uh... Uuwi na kami. Salamat pala kanina ah. Ahm, sige mauna na kami" pormal na paalam ko kay Charles. Itinuro ko pa sa kanya si Coleen.

"Ah ganon ba? Sinong maghahatid sa inyo?" tanong niya.

"Ahm, wala naman at tsaka marunong naman kaming mag drive at kay Coleen lang ako sasakay." saad ko. Umiling lang siya. Alam kong hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.

"No, Pau! Ako na ang maghahatid sa inyo." aniya. Natawa ako sa sinabi niya. Para naman itong si Daddy kung maka asta. Over-protective. Kita sa mga mata niya kung gaano siya ka concern.

"Naku! Wag na talaga! Wala ka bang tiwala sa akin? Marunong na akong mag-drive kaya wag ka nang mag-alala!" saad ko sa kanya para naman maging kampante na siya.

"Ok fine! Heto oh!" aniya sabay abot sa cellphone niya.

"Ano to?" tanong ko sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Huh? Really? Hindi mo alam? Ang slow mo naman Pau!" saad niya. Natatawa pa siya sa sinabi niya. "Akin na nga iyang cellphone mo!" aniya at hinablot ang cellphone ko sa aking kamay. Pagkatapos ng kung ano mang ginawa niya sa cellphone ko ay inabot niya iyong muli sa akin.

"Uhm, sige ulit ha? Aalis na kami! Bye.." paalam ko sa kanya at nag wave na. Bumalik na ako kay Coleen kung saan siya nakatayo kanina. "Let's go?" tumango naman siya sa sinabi ko at nagsimula na kaming maglakad.

Siya nalang daw ang mag-drive sa kotse niya dahil mukhang nakainom daw ako. Well, totoo naman pero hindi naman iyon napadami. Hindi nalang din ako nagmatigas at hinayaan ko nalang na siya na ang magmaneho.

Nakauwi kami ng safe sa bahay namin.

Unkown Number:

How are you? Nakauwi ka na ba?

Binasa ko lang ito kasi hindi ko alam kung sino ito. Hindi ako nag reply at magbihis na sana ako para matulog pero tumawag itong unkown number.

"Hello? Who are you?" ito ang pambungad ko sa kabilang linya.

"Ang bilis mo naman makalimot!" pabirong saad ng lalaking boses sa kabilang linya tumawa pa ito. Oh my ghad! Nakilala ko na ang boses nito.

"Oh I'm sorry Charles. Hindi kasi nakalagay ang pangalan mo dito. Kaya akala ko kung sino."

"No prob. Nagmamadali ka kasi kanina kaya hindi ko na nailagay ang pangalan ko."

"Oo nga naman noh?" patanong kong sabi. Hayy naku! Minsan makalimutin talaga ako.

"Yeah. Buti naman at safe kayong nakauwi. Mga babae pa naman kayo, and hindi maganda kapag babae ang nag da-drive!" nag-aalalang tanong niya. Hanggang ngayon nag-aalala pa rin siya? My ghad! Sabagay, noon pa naman minamaliit ang mga kababaihan eh.

"Yeah, di ba sabi ko don't worry? Marunong na kaming mag drive, kahit pa nga biglaan kang tatawid hindi kita masasagasaan kasi nga marunong na kaming mag-drive no." sarcastic na sabi ko. Wala talaga siyang tiwala.

"Hoy! Hindi iyan magandang biro ha? Naku! Eh pano kung mangyayari nga iyan!" tanong niya sa akin.

"Ano ka ba naman hindi din kaya noh? At tsaka ibababa ko na ito maliligo pa ako Charles at pagkatapos ay matutulog na ako. Nangangamoy alak na kasi ako. Sige bye!" paalam ko sa kanya. Pinutol ko na ang linya kahit na hindi pa siya nakasagot.

Kating-kati na kasi akong maligo. Agad akong nagbabad sa bathroom. Pagkatapos ng ilang minuto ay ni-blower ko na ang buhok ko. Nang hindi na ito basa ay natulog na ako. Hayy, ang ganda ng tulog ko!

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng ring phone ko. Bago ko pa kinuha ang cellphone ko ay na decline na ang tawag. Nakita ko sa screen ang name ni daddy. 14 missed calls? Gosh! Ano kayang sadya niya? Tumawag ulit siya at nasagot ko na.

"Morning dad! What's up?" matamlay kong tanong sa kanya. Inaantok pa kasi ako. Kulang pa ako sa tulog.

"Paulinne Vanna Lopez! Di ba mag-eenroll ka na ngayon?!" ani dad sa mataas na boses. Kaya nawala ang antok ko.

"Ay! Oo nga dad, sorry! Maliligo na po ako ngayon para magtungo na sa school!" saad ko at ibababa ko na sana pero nagsalita pa si dad.

"Ok. Pagkatapos pumunta ka dito sa bahay, pumasyal ka naman dito." aniya.

"Sige po dad mamaya. Bye.. I love you!"

"Bye.. Love you too. See you!" aniya at siya na ang nagbaba ng phone.

Nag-cellphone pa muna ako dahil masyado pang maaga. Ni-click ko ang message inbox at nakita ko ang text ni Coleen. Magsama daw kami mamaya na mag-enroll. Nag reply ako sa kanya ng 'ok' at tsaka nag-order na rin ng food. Tinatamad kasi akong mag-luto at kapag nagluluto ako tanging pritong itlog lang at canton ang kaya ko. Kaya palagi na lang akong nag o-order. Wala kasi akong maaasahan sa sarili.

Mga 40 minutes pa darating ang food kaya napagpasyahan kong maligo na lang muna.

Makalipas ang 40 minutes ay ay nakarating na ang food at siya ring pagkatapos ko. Nagbihis na ako at kumain.

Nag text ulit ako kay Coleen na papunta na ako sa kanila. Sumang-ayon naman siya at ang sabi pa niya na ipasok ko nalang din ang sasakyan ko. Makikisakay nalang daw din siya sa akin kasi iisa lang naman ang pupuntahan namin.

Pumasok na ako sa bahay nila matapos kong i-park ang sasakyan ko.

"Hello po tita, good morning!" bati ko kay tita na papunta sa kusina.

"Hello din hija. Naku! Umupo ka na muna diyan. Teka lang ah gagawa muna ako ng fresh lemon juice." bumati rin siya akin. Nagpaalam din siya na pupunta muna sa kusina. Tumango lang din ako at umupo na sa sofa.

Maya-maya pa ay lumabas na si Coleen sa kwarto niya at nakabihis na siya. Nakita niya agad ako sa sofa kaya nagtungo siya kung nasaan ako.

"Kumain ka na ba?" aniya.

"Uhm yes. I'm done. Ikaw ba?"

"Actually wala pa. Tara sumabay ka na sa akin" aniya at hinila niya ako papuntang kusina.

"Naku wag na! Kumain na kaya ako. Ikaw na lang. Mag-aantay na lang ako sayo doon." saad ko at binawi ko ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak.

"No Pau! Tara na kaya!" hila niya ulit sa akin at hindi ako nagpatinag. "Tingnan mo nga si Paulinne mom ayaw makisabay sa atin!" saad niya. Tingnan mo nga itong lukaret. Sinasama pa ang mom niya sa ka-lukaret niya. Hayss! Sumunod na lang ako sa kanya papuntang kusina. "Si mom lang pala katapat mo! HAHAHA! Akala ko hindi ka pa rin magpapatinag!" aniya. Naka-upo na kami sa upuan at may plato na sa harapan ko. Naka-ngiti pa rin itong lukaret.

Train To LoveWhere stories live. Discover now