Chapter One : Lhiara

15 1 0
                                    

"Sopas!" sigaw ng isang babaeng nasa-trenta ang edad.

Luminga-linga ang isang babaeng naka-hood. Hindi maiwasang mapatingin sa kanya ang mga tao. Nakakapagtakang balot ito kahit gabi na't wala namang araw. Kakaiba ba rin ang mga ikinikilos nito.

Napadaan s'ya sa babaeng nag-aalok ng sopas.

"Ning," napatingin naman sa kan'ya ang babae na may pag-aalinlangan.

Inilahad ng babae ang sopas dito. Nag-aalinlangan n'ya itong kinuha pagkatapos nag-patuloy na sa pag-lalakad at hindi pa muling lumingon.

Kailangan na n'yang maka-alis tatak n'ya sa isipan.

"Napaka-tigas talaga ng ulo mo, Asyra." iling nito habang pinagmamasdan ang likod ng babae na humahalo na sa dami ng tao.

Nagtatakha n'yang pinagmasdan ang basong gawa sa malambot na kakaibang baso at sa loob no'n may kulubot na hinihawang bituka. May napansin rin s'yang gulay do'n, kulay green, orange at may itim na maliit na alam n'ya dahil 'yun ang paminta.

Nadidiri n'yang itatapon iyon ng mapansin ang isang batang halatang nagugutom. Nilapitan n'ya ito't ibinigay ang baso.

Hindi na n'ya pa hinintay pa ang sasabihin nito't agad na lumisan sa lugar na 'yon.

***


"Ayan na si Mr. Troy." sabi ng isang empliyado sa mga kasamahan.

Hindi mapigilan ang pagtili ng mga ito dahil, sino nga naman ang hindi kikiligin sa isang Troy Castro. Isang batang bilyonaryo, nag-iisang anak, at taga-pagmana ng Castro Company and Corporation. Isa rin s'ya sa may-ari ng sikat na racing company sa buong russia.

Tumigil ang higit sa limang black car sa entrance ng Castro Company.

Sa isang Black Bugatti Voiture Noire naroroon ang CEO.

Agad na pinagbuksan ni Bryan ang amo. Iniluwa no'n ang isang lalaking maputi't matangkad. Tinanggal nito ang shade at nagdire-diretso sa loob ng kan'yang kompanya.

Agad s'yang pinagbuksan ng mga ito't nagsiyuko. Dumiretsyo ito sa kan'yang private elevator at naka-sunod na si Bryan at ang dalawang iba pa bago magsara ang pinto.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator na s'yang floor ng kan'yang opisina. Agad na nataranta ang mga empliyado at natatarantang bumati't nagsiyuko.

"Sir." kinakabahang tawag nito kay Troy at tila nalimutan ang kasamang babaeng halos mapunit ang bibig sa sobrang lawak ng ngiti.

Lumingon si Troy sa kan'ya. Nawalan s'ya ng hangin ng tumama ang mata nito sa kaniya.

Tinabig s'ya ng babae sa gilid n'ya at lumapit sa harap ni Troy.

"Hi!" bati ng babae sa kaniya.

Tiningnan s'ya ni Troy mula ulo hanggang paa pagkatapos ngumiti. Nagliwanag ang mukha ng babae't lalo pang-ngumiti.

Nilapitan s'ya ni Troy, naka-ngiti pa rin.

"'Di ako inform, welcome ang animal dito." sarkastikong sabi nito't sinangga ang balikat ng babae. Naiwan ang babaeng tulala ng lagpasan lang ito ng binata.

Hindi mapigilan ng mga empliyadong palihim na matawa.

Inis silang tiningan ng babae.

"Ano! Mga bwisit!" sabi nito't lumabas na sa opisina.

"Nakakainis!" sabi nito sa loob ng elevator.

***

Luminga-linga si Asyra sa paligid. Agad s'yang nagtungo sa isang eskinitang 'di na dadaanan ng tao.

Holding on the HappinessWhere stories live. Discover now