“I waiting this for so- so long, Bliss. Bakit ngayon mo lang pinasa?!” inis na bulalas sa babaeng ngayon ay naka-yuko na’t nahihiya.
Pabagsak na inilapag ni Tristan ang folder.
“S-sorry po.” hinging tawad naman ni Bliss.
Natawa naman si Troy sa kaibigang si Tristan. Kung makapag-react ito, kala naman pagmamay-ari nito ang kompanya.
Naka-upo lang ito sa sofa habang hawak ang basong may laman ng whiskey.
“Go out, Bliss.” sabi nito na kaagad sinunod ni Bliss.
Tumayo ito’t lumapit kay Tristan.
Isinandal nito ang likod sa mesa. At inikot-ikot ang laman ng baso.
“Xein?” matawa-tawang tanong nito.
Tumingin sa kaniya si Tristan pagkatapos lumapit. Inagaw nito kay Troy ang baso at inasang lagok ang alak.
“Wala kang pake do’n, dude.”
Napa-iling si Troy. “Stranded ka pa rin hanggang ngayon sa kan’ya? Kung ako sa ’yo, humanap ka ng iba.”
Umiling si Tristan. “Give me, some.. more years?”
Binato ni Troy ng ballpen si Tristan. Nasalag n’ya ito. Pagkatapos pumunta si Troy sa mini room n’ya sa office. May isang kama, study table, mini ref, comfort room na kagaya ng normal na kwarto.
Agad s’yang dumapa pagkarating n’ya sa kan’yang kama.
Biglang sumagi sa kan’yang isipan ang imahe ng isang babae no’ng labingwalong taong gulang pa lamang s’ya.
Ang maliit nitong muka, maliit at matangos na ilong, hugis pusong labi at maputing balat.
Napangiti na lang s’ya sa alalang ’yon.
***
“Asyra!” sigaw ni Robert — ang matandang alalay ko.
I’m old enough, kaya ko ang sarili and beside and’yan naman si Carter eh.
Nag-invicible muna ako at pumikit. Ayoko muna ng maingat. Masakit sa tenga.
Napa-dilat ako ng may pumitik sa noo ko. Inis ko s’yang tiningan.
Naka-ngiting mukha ang bumungad sa ’kin.
“Asyra! Ginugulo na naman ako ng matandang hukluban na ’yon.” sabi nito. Nakikinig lang naman ako.
Walang emosyon ko s’yang tiningan. “Gawin natin ulit!”
yaya ko kan’ya na kaagad nagpalawak sa kan’yang ngiti.Ang alam ko na lang ay nandito na ulit kami sa isang paborito kong lugar. Pawisan at hingal na hingal.
“Ahh, Carter! Dahan dahan naman!” nakaka-bwisit naman ’to eh.
“Malapit na nga, ’di makapag-hintay?” hingal na hingal pa ring sabi nito.
Forget what I’d said na kaya ko ang sarili ko. Oo na, napaka-lampa ko.
“’Yan! Niyaya mo pa kase ako.” sisi sa ’kin ng lalaki na ’to.
“Ano gusto mong sabihin, ha? Eh, baka abutin pa ako ng s’yam s’yam kakapilit sa ’yo dito.”
Totoo naman eh. Ewan ko ba, kahit ayaw n’ya dito sa mall, lagi n’ya pa akong sinasamahan. Laging sa arcade naman ang direstyo namin.
Favorite ko ang basketball do’n!
“Tsk, umuwi na tayo. Papa-umaga na!”
Napanguso naman ako. Ang damot n’ya! Sa kanila ’tong mall tapos napaka-kuripot!