5 years since last kaming mag-usap through net, nasa manila kami---nasa cavite to be exact---ngayon, sumama kami sa family outing nila Theo. New year na, parang kahapon lang christmas pa ambilis talaga ng panahon. Nasa labas kami ng isang bukas na store, may binili sa loob si Yam habang si Theo naghihintay kay Kaia. Si Kyle kasama si Sharxie at ako? Ito hindi makatingin sa kaniya.
Kanina pa ako nagtataka kung bakit siya narito, hindi naman siya taga-cavite. Kanina ko pa siya gustong kausapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. I know she's totally healed kaya as long as napipigilan ko ang sarili ko hindi ko siya kikibuin. Alam kong siya pa rin hanggang ngayon pero sa kaniya, hindi na ako. Nao-awkward na ako sa atmosphere at bakit ba antagal ni Yam sa loob?
Natabunan na ba siya ng mga pinamili niya kaya antagal?
Nararamdaman kong napapasulyap rin siya sa 'kin, mas lalo lang nakadagdag sa awkwardness ng atmosphere. Mga 80 percent na siguro.
"Hoy ano? Hindi na ba kayo magkikibuang dalawa?" Singit ni Kyle na ikinagulat ko.
Lintik kang gago ka dinagdagan mo pa.
Totally 100 percent level of awkwardness na ang naramdaman ko, sabay kaming napatingin sa isa't-isa saka ngumiti, ngiting aso at parang natatae. Sabay rin kaming mabilis na nag-iwas ng tingin. Sakto namang dumating si Kaia, humihingal pa. Sa kaniya napatingin ang lahat.
"Oy teyo sorry natagalan hindi kasi ako pinayagan ag---" hindi niya natapos ang sinabi nang bigla siyang yakapin ng isa.
Napatingin siya sa 'min at nagsenyas na 'anong nangyare rito?' pero kaniya-kaniyang kibit-balikat lang kami. Niyakap niya naman pabalik.
"I missed you" rinig ko pang bulong ni Theo pero narinig ko naman. Nice joke walang natawa.
Hays ang sweet, when?
Bigla akong napatingin sa kaniya dahilan para mahuli kong nakatitig rin pala siya sa 'kin, bigla na lang siyang umiwas ng tingin. Nasa may likuran ko siya. Binalik ko na lang ang tingin kay Theo at Kaia. Hays makasampal nga naman sila ng salitang 'single' sa mukha ko, idagdag pa ang lablayp ni Kyle. Kami na lang yata ni Yam ang wala pa.
Siguro Yam tayo talaga ang para sa isa't-isa.
Dejk lang panigurado kapag narinig ni Yam yun bigla na lang akong batukan. Hindi rin naman kami talo para magjowaan yaks.
Napakatagal mo naman Yam makiramdam ko sa atmosphere please please.
Nag-cross fingers pa ako, sakto namang lumabas si Yam dala ang mga binili niya. Halatang nabibigatan. Sabi sainyo eh malakas ako sa taas, konting dasal lang tupad agad.
"Wala man lang tumulong at nangamusta sainyo kung ayus lang ba ako sa loob o buhay pa ba?" Singit niya agad. Bibig talaga neto walang takip.
"May ambulansiya sa gilid incase namatay ka dun" singit ko rin, nagtawanan naman sila pati siya.
Ay whew nice joke natawa siya.
Bigyan ng jacket yan! Dejk unang beses kong marinig at makita siyang natawa. Yung bilis na tibok ng pulso ko mas bumilis pa yata. Mas may ibibilis pa ba 'to?
"Ay waw nahiya ako sa mga lablayp ninyo sana talaga hindi na lang ako sumama rito sabi ko na nga ba alikabok na lang ako sa ert. Sana hindi na lang ako nabuhay, sana sinaksak n'yo na lang ako, sana pinutok na lang ako sa pader" sunod-sunod niyang reklamo.
Kalma Jai kaibigan mo yan
Ansarap batukan nito, ang ingay gagi. Nagpasalamat ako nung una dahil kahit papaano nabawasan ang awkwardness pero dinagdagan naman. Ampotek kaming tatlo pa tinukoy niya. Tas siya walang pares.
"Onis 'to mga tea?" Tea as in tea ang pronounciation nya.
"Yam" nagsalita siya, palibhasa kasi nakaface mask kaya hindi niya makilala, isa pa gabi na rin.
"Lah creepy gago kilala ako" Bigla siyang nagtago sa likuran ko dahilan para mapatingin siya sa 'kin.
Ang ilap talaga ng tingin niya.
"Chupi ka nga nagugusot damit ko" nakasimangot kong sabi, nakaface mask kaming lahat except kay Kaia at Theo.
"Wag kang makul--"
"Baby dre" tawag niya na tinanggal ang mask niya at ngumiti, ang tingin nakay Yam syempre.
"Waaaah ikaw pala hezeq" ani Yam na mabilis lumapit at niyakap siya.
Sanaol
Ako kaya when? Paano ba naman napakailap parang hindi lang kami magkaibigan noon para iwasan niya ako ng ganito. Well, ako rin naman ang naunang umiwas kaya anong karapatan kong magalit o magdemand?
"Tara na nagugutom na ako" salita ni Theo dahilan para maghiwalay sa pagyayakapan ang dalawa.
Ako rin payakap, dejk.
Masama siyang tiningnan ni Yam saka hinila si Adriana palapit sa kaniya, bali nasa gitna namin siya. Ano ba 'yan anlaki laki ng kalsada nasasagi mga balat namin. Kaya ang ginawa ko nagpahuli ako sa kanila, ang sarap nilang pag-uuntuging lahat may partner sila samantalang ako wala.
Speaking of wala, tumatawag si Glennize at dahil malakas ng sound ng ringtone ko sabay-sabay silang tumingin sa 'kin. Nag-peace sign ako at lalong nagpahuling maglakad saka sinagot ang tawag.
"Happy newyear Jaiski!!" Sigaw niya sa kabilang linya.
"Yan lang itinawag mo?" Tanong ko na kunwaring hindi nasiyahan, wala pa sa kanila ang bumati sa 'kin ng happy new year.
"Aray ha, wala man lang bumalik na greetings sa 'kin. Batiin mo na ako para mapatay ko na ang tawag istorbo ka" aniya saka malakas na tumawa sa kabilang linya.
"Ulol ka!" Natawa rin ako. "Happy newyear Gle!!" Masigla kong bati na napalakas yata ng kaunti ang boses dahilan para sabay ulit silang lahat na lumingon sa 'kin.
Pinatay agad ni Glennize ang tawag kaya binulsa ko ulit ang cellphone ko saka nag-peace sign sa kanila. Yung mga tingin nila sabay-sabay na nagsingkit ang mga mata pati si Kaia pero siya? Siya lang yung walang emosyong nakatingin sa 'kin saka mabilis na nag-iwas.
"Kinakausap pa rin ang ex no?" Rinig kong sabi ni Sharxie, girlfriend ni Kyle.
"Si theo nga eh" napapakamot ng batok na turo ko kay Theo na sinamaan agad ako ng tingin pero hinampas ni Kaia sa braso kaya tumigil.
Under pa rin ang kaibigan namin.
Pagpasok namin sa restaurant agad kaming umorder ng makakain. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit nandito yung tatlo babae ngayon. Anlalayo ng mga bahay nila rito paano silang nakabyahe? At siya? Pinayagan siya eh sobrang layo nitong cative sa kanila.
"Order from Asrel Jaile, here's the food, Sir" tawag ng babae. Tumayo kaagad ako at lumapit para kunin. "Order from Adriana, here's the food, Ma'am." Tumayo rin siya at kinuha ang order niya. "Here's your latte, Ma'am" rinig kong patuloy ng babae.
Hindi kaagad ako nakaalis kasi may tao pa sa harapan ng bigla akong makaramdam ng init sa braso ko.
"Ops sorry" aniya, mabilis akong napalingon.
"No, It's okay" sabi ko na tiniis ang init sa napaso kong braso. Sobrang init sa balat pero hindi ko pinahalata baka bigla siyang maguilty hindi rin naman niya sinasadya.
Napatingin lang siya sa 'kin saka binigyan ako ng ngiting nag-aapologize saka siya naunang umalis.
Kung gaano kainit ang kape ganun rin siya kalamig.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Deserve Jai.
Woshoo happy reading:))
YOU ARE READING
Restoration Of Yesterday (Fake World Series #2)
RomanceTraumatize ang dahilan kung bakit takot na ulit na magmahal ang isang Asrel Jai. Maraming nagkakagusto sa kaniya dahil all pack na kumbaga pero wala siyang matipuhan, sumubok ulit makipagrelasyon sa iba pero wala pa rin. Hanggang sa may makilala siy...