Chapter 1

21 4 0
                                    

Walang lakas na napatingin ako sa cellphone ko habang nakahiga, ansakit sakit talaga sa puso punyeta bakit ba kasi ako nagseryuso nang ganun? Hays.

Hindi sinasadyang nabitawan ko yung cellphone dahilan para mahulog sa mukha ko. Ansakit!! Sobrang sakit!!! Potangina ansarap manuntok ng wala sa oras! Bakit ba sinalo mo lahat ng katangahan sa mundo Asrel?

Napabuntong-hininga ako habang nakangiwi pa rin sa sakit sa mukha ko. Noon tinatawanan ko lang si kuya nung magjiwalay sila ng ex niya, ayaw niya kasing kumain at puro lang siya iyak. Wala ring ligo at walang ahit, laging nagkukulong sa kwarto at laging walang gana. Ngayon gawain ko na---pero naliligo naman ako---hindi nga lang nag-aahit ng bigote wala na namang dahilan para magpapogi, iniwan na ako ng glennize waaaah!! Watlog.

Mag-iisang buwan na pero hindi pa rin ako makamove-on. Inis kong kinuha ang cellphone ko at bumangon, mahirap na baka madaganan ulit at tuluyan na akong mapango. Tinry kong iopen yung nasunog kong Role Play Account pero ayaw na talaga bumukas. Punyetang mga kaibigan ko naman kasi sinunog account ko yawa talaga.

Napagdesisyunan kong gumawa na lang ulit nng bagong account, kailangan ko nang bumangon sa pagkakabulok ko sa kwartong 'to. Hindi ko pa kayang lumandi at makipaghalubilo sa mga tao sa labas kaya sa pekeng mundo muna tayo kikilos.

Sugeest name dali, utak gumana ka. Ay meron ako nun? Syempre meron, wala nga lang laman. Ano ba magandang pangalan kasi? Starts with letter Z, kapag K kasi masyado nang common napakapanget. Zori? Maikli at parang pambabae.

Ahh alam ko na!!

Tinype ko yung pangalan na naisip ko.

Zorien Clyford

At ting!! Nakapasok na welcome to my new account. At syempre inuna kong iadd yung accounts ng mga kaibigan ko sa rp pagkatapos nag random adds na ako. Nag-fill up na rin ako sa form ng sbh na ginawa naming apat pero hindi muna ako nagpakilala.

Hindi naman nagtagal inadd agad ako sa gc matapos ko i-set ang mga requirements. Nag-ingay muna ako roon bago nag-recruit. At dahil nagrandom add ako, random message rin dapat. Halos lahat ng umaaksep sa 'kin chinachat ko nang 'hi sali ka sbh?'. May ayaw at meron namang gusto.

Mothergodyam: hi welcome zorien

Natawa ako, walang kaide-ideya ang isang 'to na ako lang rin pala ang kausap niya. Pagtitripan ko muna sana bago magpakilala kaso naisip ko baka sunugin na naman ulit ang account ko pikunin pa naman ng isang 'to.

[Jai 'to gago]

Mothergodyam: ay depota ikw pla yn.

Ayun nagsunod-sunod na rin ang maraming tanong ng ilang members pero hindi ko masyadong narereplyan kasi abala ako sa pagrereply sa mga nirerecruit ko.

To: Raine Stevens
Message: hi teh sali ka sbh? Maingay.

From: Raine Stevens
Message: pilitin mo muna ako

Ay teh wag na, wala ako sa mood makipagbiruan.

To: Raine Stevens
Message: ayoko rin, pilitin mo rin muna ako

From: Raine Stevens
Message: tsh bakla

Aba anong bakla? Lapit ka teh batukam lang kita dalawang beses gigil mo 'ko.

To: Raine Stevens
Message: Manahimik ka panget na pandak!

From: Raine Stevens
Message: tsh bakla bakla bakla!!

Bahala ka sa buhay mo wag kana sumali naiinis na ako

From: sige pasali bakla

They say whenever a girl calls you 'bakla' means that girl has a crush on you. Hala teh legit bang babae 'to? Baka crp.

Restoration Of Yesterday (Fake World Series #2)Where stories live. Discover now