"Oh may nagpapabigay sa 'yo" napababa ang tingin ko sa tubig na nasa tabi ko saka nagtatakang napatingin kay Kyle.
Isang buwan na rin ang lumipas simula nang ihatid ko si Glennize sa bahay nila at sinunog yung pictures namin, kinabukasan nun nakipagkita siya sa 'kin kasi gusto niya nang maayos na closure kaya pinagbigyan ko. Ngayon wala na namang bigdeal sa aming dalawa, nakikita na lang namin sarili namin bilang magkaibigan pero hindi na rin masyadong naglalapit. Hindi ko alam kung sign of maturity ang kausapin pa ang ex na parang walang nangyare o sadyang tanga lang talaga ako.
"Kanino galing 'to?" Tanong ko, nasa court kami malapit sa malaking bahay nila Theo naglalaro ng basketball.
Pamsamantala kaming nagwater break, umalis kanina si Kyle para bumili ng tubig kasi nakalimutan niyabg magdala pero pagbalik niya dalawang tubig ang hawak niya at yung malaki raw ang sa 'kin, may nagpapabigay nga.
"Ewan ko basta may lumapit sa 'king babae kanina na hindi ko naman kilala. Ang sabi ibigay ko raw sa 'yo." Explain niya.
"Creepy naman baka may gayuma o poison 'to ah" depensa ko agad saka kinuha ang tubig at sinuri. Wala namang kakaiba, hindi rin madumi, malamig oo pero walang bakas ng kung ano-anong nilagay.
Pero kailangan ko pa rin makasiguro kaya hindi ko ininom. Baka mamaya bigla na lang ako bumulagta rito dahil riyan sa tubig na 'yan saka isa pa may dala naman akong sariling tubig.
"Baka naman may secret admirer ka na pre" ani Yam na nagsusulat ng hindi ko maintindihang lenggwahe.
Si Theo naman tahimik lang na nagpupunas ng pawis, mukhang seryuso talaga siya dun sa Kaia na sinasabi niya. Pakiramdam ko yun ang iniisip niya ngayon kaya ang seryuso---seryuso rin naman talaga siya araw-araw---pero iba ngayon, minsan ngumingiwi na lang siya mag-isa.
Creepy
"Sino naman?" Takang-tanong ko.
"Aba ewan ko, secret nga 'di ba?!" Biglang sigaw ni Yam.
"Ano ba wag ka ngang manigaw!! Yang boses mo boses kalabaw!" Inis na sabi ko saka siya hinampas na gumanti naman kaya naghampasan kami. Tumigil na lang rin ako sa huli kasi alam kong hindi talaga siya nagpapatalo.
"Baka may taong galit sa 'yo tapos gusto ka na niya matigok pre kaya binigyan ka niyan" pananakot ni Kyle, dahil tanga ako nakombinsi naman agad.
"Oo nga, antalino mo naman. Hindi lang halata" ani ko, nakakuha ako ng batok galing sa kaniya.
Nagpatuloy ang laro hanggang maghapon, nagpahinga ulit muna kami sa bench bago bumalik sa bahay nila Theo para maglinis ng katawan baka mamaya amoy pawis na ako nakakahiya. Isang buwan rin akong hindi nag-gym kaya naisipan naming magpapawis.
Nauna na yung dalawa kaya kami ni Yam ang nahuli, hinihintay ko siyang magligpit ng gamit niya nang may lumapit na babae sa 'kin. Maganda siya, maputi, makinis ang balat at mukhang mayaman. Matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay at pilikmata niya at may katangkaran pero hindi kasintangkad ko. Nakaliptint nga lang kaya hindi ko mahulaan ang kulay ng labi.
"Hi" nahihiyang sabi niya, kita ko namang napalingon si Yam sa gawi namin "I'm Tiffy" aniya na nilahad ang kamay, nakakahiya man pero tinanggap ko na lang at magpapakilala sana kaso bigla ulit siyang nagsalita "No need, kilala na kita. Actually ako yung lumapit kay Kyle para ipabigay sa 'yo yung tubig" turo niya dun sa tubig na hindi ko ininom kanina.
Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya at binawi ang kamay ko saka napakamot ng batok.
"Pasensiya ka na hindi ko ininom, baka kasi may gayuma 'yan o poison. Nag-iingat lang" nahihiya kong sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/298315146-288-k720733.jpg)
YOU ARE READING
Restoration Of Yesterday (Fake World Series #2)
RomantizmTraumatize ang dahilan kung bakit takot na ulit na magmahal ang isang Asrel Jai. Maraming nagkakagusto sa kaniya dahil all pack na kumbaga pero wala siyang matipuhan, sumubok ulit makipagrelasyon sa iba pero wala pa rin. Hanggang sa may makilala siy...