Chapter 2

3 1 0
                                    

"Ayaw mo talaga sumama?" Tanong sa 'kin ni Kuya abang kinakain yung chocolate na para sa 'kin.

Hindi ako nagsalita, gusto kong sumama sa outing nila kaso walang magbabantay kila Mama wala pa namang lalake rito kundi kami. Yung Papa ko? Ayun patay na yun wala namang ambag yun sa buhay ko. Walang respeto pakinggan pero sobra-sobra yung galit ko sa kaniya, alam kong wala akong karapatang bastusin siya kasi sino ba naman ako 'di ba? Anak niya lang naman ako at alam ko naman ang limitasyon ko. Kahit anong mangyare at kahit anong gawin ko hindi naman magbabago ang katotohanang anak niya ako at Ama ko siya.

Na sana hindi na lang.

"Ayoko nga" sagot ko ulit, napakakulit naman nito kanina pa sinabihang ayoko eh.

"Ayaw mo talaga?"

"Isa na lang talaga" inis na banta ko. Bigla na lang siyang tumawa ng malakas, pumapalakpak pa. Abnoy.

Buang

"Sige sabi mo eh" aniyang natatawa saka pumasok sa loob.

Napabuntong-hininga ako at nag-angat ng tingin sa mga ulap. Malapit na lumubig ang araw kaya dali-dali akong pumuntang pantalan---yung tambayan naming tatlo---saka pinicture-an ang sunset. Napakaganda niya talagang tingnan. Araw-araw maganda, hindi nakakasawang tingnan.

Nanatili ako roon ng ilang minuto saka umuwi kaagad baka hanapin ako bigla ni Mama talakan pa ako nun pagkarating. Nakasalubong ko pa pauwi si Kyle na may kasamang babae, nung biniro ko bigla akong sinenyasang wag maingay. Babaero talaga.

"~~Hmm hmm~~" kanta ko habang pauwi, ayokong lagyan ng lyrics baka mabingi bigla yung makarinig ng boses ko.

"'Di ba sabi ko babalik ako?! Pati ba 'yan hindi mapasok sa utak mo?!!" Maayos na sana araw ko pero yung naabutan ko si Papa na dinuduro si Mama. Parang biglang umakyat lahat ng dugo ko sa utak at bigla na lang siyang sinugod.

"Wala nga rito yung hinahanap mo!" Ani Mama, bigla na lang siyang sinakal ni Papa pero hinawakan ko yung kamay niya at mabilis na tinulak.

Galit siyang napatingin sa 'kin, si Mama naman nagulat nang makita ako habang yung mga Marites rito na mga kapitbahay namin nanonood na sa 'min. Gumagawa ng eskandalo hindi na nahiya lalake pa naman.

"Hoy, wag na wag mong gaganyanin nanay ko!! Umalis kana rito ano bang ginagawa mo rito ba't ka pa nagpakita?!!" Sigaw ko, hinawakan niya naman bigla ang kwelyo ng damit ko.

"Wag kang makialam rito Jaile wala kang alam!" Sigaw niya rin sa pagmumukha ko.

Hinigit ko yung kamay niya. "Walang alam?! Ganun na ba kabobo tingin mo sa 'kin?!" Sigaw ko ulit. Akma namang sasapakin niya ako pero kusa ring hindi tinuloy. "Sige ituloy mo!!" Hinawakan ko kamao niya at tinapat sa mismong mukha ko "Dito oh, lakasan mo yung tipong hindi na ako magigising kasi potangina!!" Hindi ko namalayang may tumulong luha galing sa mata ko.

"Jai tama na yan, Ama mo pa rin yan ano ba?!" Sigaw ni Mama saka ako hinila.

"Akala mo ba hindi ko alam na may anak ka sa labas?! Akala mo ba hindi ko alam na may bago ka nang pamilya?!! Potangina tama na, Pa. Tatlong taon!! Tatlong taon oh, hindi mo pa rin sinasabi at hanggang kailan mo itatago? Hanggang kailan?! Tangina naman!" Sigaw ko, kita ko naman yung pinaghalong gulat at pagtataka sa ekspresyon ng mukha niya.

"Paano.." napatingin siya kay Mama.

Nabalot ng katahimikan ang paligid, tanging bulong-bulungan ng mga kapitbahay namin ang naririnig ko. Nakatungo si Papa habang si Mama iyak ng iyak. Pinipilit ko ring ikalma ang sarili ko pero kumukulo talaga ang dugo ko kahit anong kalma ang gawin ko.

"Pinalampas ko yun eh" kalmado kong sabi. "Pero yung makita kong duro-duruin at sakalin mo yung Nanay ko aba!!" Sigaw ko bigla. "Swerte mo naman! Bakit? Sino ka ba?! Nakasakit kana nga ng emosyonal pati b---"

Restoration Of Yesterday (Fake World Series #2)Where stories live. Discover now