SBP 1

35 8 0
                                    


Dew Villary points of view:

"Villary baby wake up."

"Ummm.. M-mom I'm still sleepy." nakapikit ko pang sagot kay mommy at binalak kong matulog ulit.

"Sweetheart the sun is already shining." si daddy naman ang nagsalita ngayon.

Unti-unti akong nagmulat at kinusot kusot ko ang mga mata.

"Awww.. my baby is so cute. Come here mommy wants a morning kisses and hugs." napangiti ako sa paglalambing ni mommy. It's their morning ritual with dad, kahit pa ilang taon na ako ngayon ay tinuturing pa rin nila akong baby.

Dahan-dahan na akong bumangon at niyakap siya tsaka ko hinalikan ang pisnge niya.

"How about me sweetheart. Where's my hugs and kisses?" sambit din ni dad.

Mabilis ko din naman siyang niyakap at katulad ng ginawa ko kay mommy ay hinalikan ko din ang pisnge niya. My parents are the sweetest parents of all.

"Your so sweet sweetheart. I love you." nakangiting sabi ni daddy.

"I love you too daddy. I love you mommy. Good morning." malambing ko ding sabi sa kanilang dalawa.

"Happy birthday princess." Sabay nilang bati sa akin bago nila ako sabay na hinalikan din sa pisnge ko.

"Thank you mommy, daddy." masayang sabi ko. It's my 15th birthday today.

"Your welcome princess. Now get up kelangan mo nang mag-ayos. Today is your day sweetheart." ani daddy.

Yumakap muna ulit ako sa kanilang dalawa bago tumayo at pumasok sa banyo para makapaghanda na nga ako.

May munting salo-salo na imbitado lang ang kamag-anak namin dahil na din sa request ko na kaming mag-anak lang ang gusto kong makasama. I don't like big parties.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay tumungo na ako sa labas ng bahay. Nakasuot lang ako ng kulay biege na off shoulder dress na haba hanggang sa ibabaw ng tuhod ko. Nasa garden na ang mga bisita kaya nakangiti ko naman silang binati.

'Happy birthday Villary.' halos sabay-sabay na bati ng mga kamag-anak ko.

"Thank you po." masaya kong pasalamat sa kanila.

"Happy birthday princess." bati naman ni Kuya Isaac sa akin. Sa lahat ng pinsan ko ay siya ang pinakamalapit sa akin.

"Thank you kuya." nakangiti kong saad.

"Here's my gift for you princess." abot niya sa isang maliit na kulay berdeng box.

"What's this kuya?" tanong ko naman. Ngumiti lang din siya sa akin bago sumagot.

"Open it later princess." sabi niya. Pinagkibit balikat ko na lang iyon at masayang hinawakan na lang ang regalo niya.

"Thank you kuya. Your so mabait." masayang sabi ko pa sabay halik sa pisnge niya. Ginantihan naman niya iyon ng yakap at hinalikan din ako sa noo. Lahat ng taong nakapaligid at malapit sa akin ay ganito ka-sweet pagdating sa akin. Pero si Kuya Isaac ang pinakagusto ko sa lahat maliban kay mommy at daddy.

"Basta ikaw princess. Malakas ka sa akin." natatawang sabi naman niya kapagkuwan. Dapat lang iyon.

Limang taon ang agwat ni Kuya Isaac sa akin. He's a protective kuya towards me. Gustong-gusto ko siyang lageng kasama kaya I'm a bit spoiled sa kanya.

"Happy birthday my beautiful cousin." bati naman ng bagong dating na si Kuya Gavin. He's my cousins too. Magkaedad lang sila ni Kuya Isaac kaya pareho silang nasa college na ngayon.

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon