Dew Villary points of view:"Dew anak, this is Denisse, ang anak ni manang Silvia. Siya na muna ang magiging katulong natin dahil maysakit daw ang ina niya." pakilala ni mommy sa babaeng sa tantiya ko ay kaedaran ko lang din.
Tumango lang ako dito bago pa balingan ng tingin ang ina ko.
"Kumusta naman po si nanay Silvia, mommy? Okay lang po ba siya?" tanong ko tungkol sa katulong. Mabait naman kasi si nanay Silvia sa akin. Halos ituring pa nga ako ng totoong anak niyon.
"Okay lang naman daw siya, hayun, salamat naman at nagpapagaling na lang siya." saad naman ni mommy.
Napadako naman ang tingin ko kay Denisse dahil hindi ko maalalang kinwento siya sa akin ni nanay Silvia. Ang akala ko nga ay matandang dalaga lang iyon. Ni pamilya niya kasi ay hindi namin alam kung sino. Matagal ng nagtatrabaho si Nanay Silvia sa amin bilang tagaluto at paminsan-minsan ay kahit ang ibang gawain ay siya na din ang gumagawa. Mabait naman kasi ang mga magulang ko kaya hindi din naman siya pinapabayaan at nabibigay naman ang nararapat na sahod niya.
Ngumiti ng bahagya sa akin si Denisse kaya ginantihan ko na din ito ng bahagya ding ngiti. Hindi niya kamukha ang ina niya pero sana kahit ang magandang ugali na lang nito ang mamana niya.
Kinaumagahan naabutan ko siyang naglilinis sa gilid ng bahay.
"Hindi ka ba nag-aaral Denisse?" tanong ko dito kaya napatingin ito sa akin.
"Hindi po muna." magiliw niyang sagot. Bahagya lang akong tumango sa kanya.
"Eh bakit ka huminto?" tanong kong muli sa kanya. Ayoko kasing mabagot sa paghihintay kay Kuya Isaac.
"Wala pa pong pang-aral." maikli na naman niyang sagot.
Napaisip tuloy ako kung saan napupunta ang sinasahod ni nanay Silvia kung ganoong wala siyang ipon para pampaaral sa anak niya. Tsk. Siguro ay pinambili niya ng gamot dahil may sakit siya.
Hindi din nagtagal ay dumating na din si Kuya Isaac kaya hanggang doon na lang ang naging pag-uusap namin ni Denisse.
"Villary, let's go." yaya ni Kuya kaya napasunod naman ako sa kanya. Kagaya ng lagi niyang ginagawa ay pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Nang balingan ko ng tingin si Denisse na nakatayo pa rin sa gilid ng bahay ay nakatanaw din ito sa amin. Ngumiti pa siya bago pa tuluyang umalis ang sasakyan namin.
"I can't pitched you later, Villary." automatikong sumimangot ang hitsura ko sa sinabi ni kuya Isaac.
"May kailangan kaming gawin after ng class namin." malumanay niyang paliwanag na hindi ko pa rin inimikan. Patuloy lang akong nakasimangot habang nasa harap ang paningin ko.
"Tsk, spoiled brat." suko din niya kapagkuwan. Alam na alam niya kasing ayokong hindi niya ako nasusundo o nahahatid sa skwela.
I kissed him bago pa ako lumabas ng sasakyan ng makarating na kami sa Montella High. "Bye kuya, I love you." paalam ko pa na malalim niya lang na ikinabuntong hininga.
"Why?" tanong ko naman tungkol sa ginawa niya.
"Tsk, alright. I love you too. . susunduin kita mamaya, huwag ka ng sumimangot." sambit niya na matamis ko namang nginitian.
"Okay, see you later." paalam kong muli bago ko siya muling hinalikan sa kabilang pisnge niya.
Napailing niya akong bahagyang tinawanan tsaka ako pinaalis.
Pagkalabas ko naman ng sasakyan niya ay sumalubong sa akin ang isang lalakeng kausap ko lang kahapon.
"Hi Dew." magiliw nitong bati habang matamis pa akong nginitian.
Gaganti na sana ako ng bati sa kanya ngunit nagulat na lang ako sa pagbosena na nanggagaling sa sasakyan ni kuya Isaac kaya napabalik naman ang paningin ko sa kanya.
Tsk. Selos?
Malawak lang akong napangiti sa direksyon ni Kuya Isaac na kahit tented ang salamin ng sasakyan niya ay alam kong nakakunot noo siya ngayon.
Hindi pala ako susunduin, huh.
Nag-wave ako sa kanya upang paalisin na siya at ng makapasok na siya sa klase niya. Bago pa man siya umalis ay bumusena muna siya na muli ko na namang tinawanan.
"Hey Dew, sabay na tayong pumasok sa loob." sambit ni Wind na nasa gilid ko na pala. Tumango lang ako sa kanya at nagpatiuna ng pumasok.
"Can I get your number Dew?" tanong ni Wind habang naglalakad kami sa hallway. Bahagya lang akong tumingin sa kanya at nakangiting umiling.
"Invite na lang kita sa vacant mamaya, libre kita." muli na naman niyang saad kaya napahinto na ako sa paglalakad.
"No. I can buy my own food, Wind." nakangiti kong sagot sa kanya na ginantihan niya naman ng pilit na ngiti.
"A-ah, ganoon ba?" nahihiya niyang saad. "C-can I join you na lang later? Pwede na 'yun di ba?" dagdag niya pa.
"Sure." sagot ko. Muli namang nabuhayan ang hitsura niya sa pagpayag ko kaya ngumiti siya ulit sa akin.
"You're beautiful, did you know that?" nakangiting sambit niya.
"Yeah. I already know."kaagad ko ring sagot na ilang segundo ding nagpanganga sa kanya.
"Haha. Anyway, that's obvious. I know you really knew na maganda ka. Haha." tawa niya. Kamuntikan ng umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Sige, see you later Dew, andito na pala ang room mo." paalam niya ng marating na namin ang room ko. Ngumiti pa siya sa akin bago magpaalam gamit ang kamay niya.
"Hey Dew, si Wind yun ah, bakit kayo magkasama?" tanong naman ng kaibigan kong si Athena.
"I don't know." kibit-balikat ko lang na sagot sa kanya.
"Akala ko ba si kuya Isaac ang gusto mo, bakit si Wind ang kasama mo ngayon?" mahina niya pang bulong. Athena knows about my obsession for kuya Isaac. Alam niya din kung ano talaga ang totoo kong ugali dahil matagal-tagal na din kaming magkaibigan.
"What the heck girl, anong relasyon mo kay Wind?" sabat naman ni Lixie sa usapan. Silang dalawa ni Athena ang matatawag kong kaibigan dito sa Montella High. And just like Athena, alam din ni Lixie ang tungkol sa buhay ko.
"Wala. Nagkabatian lang kami sa labas kaya nagkasabay kaming pumasok. Tsk. No big deal no." napaikot ang mata kong paliwanag sa kanila.
"But girl, Wind Villaflor is a good catch, ayaw mo ba doon if ever?" ngumiwi naman ako kay Athena sa sinabi nito. Duh, as if naman mapapantayan niyon ang pagiging good catch ni Kuya Isaac ko. Wind is handsome too, a varsity player and an achiever. Pero wala pa rin siya sa kalingkingan ng pagkagusto ko kay kuya Isaac.
"Sayo na lang siya Then, I'm not interested sa iba. I'm very very loyal to my ideal man." sagot ko na kibit-balikat niya lang na nginitian. Tsk. Gustong-gusto naman niya, if I know crush niya ang Wind na iyon.
"Tsk, may development naman na ba between you and your ideal man, huh?" tanong ni Lixie na ikinatingin ko na lang sa labas ng bintana.
"Matigas siya Lixie, hindi katulad mo na marupok." saad ko patungkol sa ginagawa kong hakbang upang lumevel-up man lang ang relasyon namin ni kuya Isaac.
"Girl naman kasi, alam mo namang bawal talaga ang inaasam mong relasyon na mangyayari sa inyo ni Isaac, magpinsan kayo, remember?" si Athena naman ang nagsalita. Hinagod pa nito ang likod ko upang aluin ako ngunit mahina na lang akong napatawa sa sinabi niya.
Tsk. I don't care. As long as I love him kaya kong baluktutin ang matuwid.
And besides, we're not cousins.
***
night-firefly 💙
Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
General FictionDew Villary Montella Little DeVil🔞 ⚠️R-18. Slightly Matured Contents ‼️scenes and use of words.🚫