Chapter Two

99 6 20
                                    

Jimin


I looked at the mirror for one last time, I smiled in satisfaction. Hinawi ko 'yung buhok ko at kininditan ang salamin, bago ako lumabas ng kwarto.


Nakarating ako sa lobby, binati ko 'yung guard na nakabantay bago ako lumabas ng building. Tinignan ko ang relo ko bago pumwesto, para mag abang ng Taxi. May huminto namang motorsiklo sa pwesto ko kaya umatras ako, sinamaan ko ng tingin 'yung driver, ang lawak ng kanto oh!, dito pa sa harapan ko nagdecide na maghintay.


Inalis niya ang helmet niya, shaking his head, para ayusin ang buhok niya. Na-surprse ako sa nakita ko, from being upset, gulat na lang 'yung nararamdaman ko, then he shifted his gaze at me. Napalunok ako sa titig niya, putangina, papaanong alam niya kung saan ako nakatira? Oh shoot, hinatid nga pala niya ako kagabi.


"Hi." Bati niya saakin habang nakangiti. I know I already said this and I'm going to say it again, he's a visual at hindi ko alam kung bakit inaaksaya niya 'yung oras saakin. Nagising ang ulirat ko nang makita kong lumawak ang ngiti niya, he's looking at me with amusement.


"H-hey," Nag-aalinlangan kong sagot sakanya.


Kinuha niya ang spare helmet niya at inabot saakin, tinignan ko ang helmet na hawak-hawak ko ngayon. Kumurap-kurap ako, I wasn't expecting this at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko.

"Suotin mo na yan, male-late kana." Aniya habang nakangiti parin.


"Goodnight, Jimin."

"Free kaba bukas?"

"No, may work ako."

"Anong oras?"

"7 am wait why are you asking?"


Ngiti lang ang sinagot niya saakin. Napasapo ako ng noo ko, bakit kasi ang daldal ko kagabi? Hinigpitan ko ang hawak ko sa helmet.


"Jimin?" Tawag niya sa pangalan ko, napa-flinch ako dahil duon.


"Hop in." Utos niya.


Gusto kong i-reject itong offer niya, seriously but then, it was decided last night, boyfriend ko na siya and this is what boyfriends does. Bigla akong namula dahil duon. I don't even know anything about him but his name at ganun rin siya saakin yet this gorgeous man is my boyfriend now.


"I know you're smitten baby pero male-late kana." Pakiramdam ko biglang nag-init 'yung leeg ko paakyat sa pisngi ko, he called me, baby.


Ni hindi ko nga pinapayagan si Yoongi na tawagin ako ng ganun, kasi napaka-cringe, pero bakit? Bakit tila nagugustuhan ko 'yung endearment na 'yon ngayon? Is this because I said he has a good voice? Gago ka, Jimin!


He suddenly pulled my forearm, now I'm much closer than earlier bringing me back to reality. He motioned me to sit already, iniwas ko ang tingin ko at agad na isinuot ang helmet.


Umangkas na ako sa motorbike niya, "Humawak ka saakin." Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa balikat niya, narinig kong tumawa siya kaya inalis ko agad ang mga kamay ko. Kinuha niya ang isang kamay ko and guide it to his hip, I swallowed.

Second Love [ Jikook/Kookmin ] || TaglishWhere stories live. Discover now