II

297 20 16
                                    

Seeing her cry is the last thing I wanna see pero heto siya ngayon, umiiyak, sa harapan ko pa.

She just showed up to my doorstep with thick tears rolling down on her cheeks, her hair thrown up to a messy bun.

I, then, immediately let her in and asked her what's got her down but she's still bawling her eyes out.

“Rei tahan na” sabi ko sabay tapik sa likod niya. Di ako marunong mangcomfort but atleast I'm trying. I'm trying as a bestfriend that she ever has.

At nung tumahan na siya ng konti, kumuha ako ng tubig at inabot 'yun sakanya.

“Thank you” she murmured softly that made my heart clench a little. She's in her fragile state and I know why.

Only a dumb person can do this to her and that's her asshole boyfriend.

Wala saamin ang umimik, ang kanyang paghikbi lang ang maririnig dito sa loob ng kwarto niya.

I hate it.

Tumayo ako mula sa kina-uupuan ko at tumabi kay Rei, niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya din naman ako pabalik.

“Mukha ka na'ng si rudolph reindeer niyan pag nagpatuloy kapa sa pag-iyak” biro ko.

Sana naman gagaan na pakiramdam niya.

I expected a laugh from her or even just a smile but to no avail, she's still sobbing with her head low.

Sigh.

“Liz—” Tumingin siya sakin ng hinawakan ko mga kamay niya. Mga mata niya'y namumula at yung ilong—naging si rudolph na nga. Syempre diko sasabihin sakanya 'yun baka diko na masilayan ang araw bukas.

Amazonian pa naman 'tong si Rei makasuntok.

Binitawan ko ang isang kamay niya at pinunasan ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.

Her eyes screams sadness yet ang ganda niya padin kahit kagagaling niya lang sa pag-iyak.

Nakakainggit, pre.

“Just follow me” hinigpitan ko pa lalo ang pagkahawak sa kamay niya.

Sasaya ka ulit Rei. Promise yan.

——

“Andito na tayo”

“Woah” ang una niyang nasabi ng matanaw niya ang night view sa harap namin.

Dinala ko siya dito sa isa pang safe place ko bukod 'dun sa rooftop ng storage room ng pier.

Dito sa cliff kung saan nakikita ang lungsod sa malayong distansya. Maaliwalas ang paligid at kitang kita pa ang buwan pati bituin sa kalangitan.

This was the first place that came into my mind because i knew Rei likes this kind of place.

It makes her feel at ease.

Para naman makalimutan niya ang kung ano man ang ginawa ng lalaking 'yun.

“Woahh” she said with her mouth slightly open, amused by the sight she's seeing.
Ang cute niya.

Ofcourse, Japanese people are kawaiii.

“Welcome to my secret haven” sabi ko at inilapag ang blanket na dala pagpunta dito.

Umupo siya tsaka sinamaan ako ng tingin.

What?

“Kala ko ba magbestfriends tayo?” tanong niya habang naningkit ang kanyang mga mata.

Aray, na-bestfriend zoned. Kunwari di masakit.

Pinilit 'kong ngumiti, “Oo naman”

“Then, how could you hide this spectacular place from me??” saka niya hinampas braso ko.

Aray.#2

“Di 'ko tinago sayo 'no. I just happened to find this place when I'm thinking of where should I take you” I replied which earned a scoff from her.

A little lie wouldn't hurt.

“Bakit tinawag mo'ng secret haven 'to?”

“Kasi secret?”

“...”

“Fine, this isn't but a secluded place”

“Trespassing is a major offense” si Rei.

“I'm not a responsible citizen Rei”sabay smirk.

Nagpout lang siya. #UwU

“Nag-away na naman kami” lungkot niyang sabi.

Tumikhim ako, “Tungkol saan?”

“Hmm, same reasons ” Ahh.

“Alam mo Rei, napakahalaga mo para ganyanin lang. Ikaw nalang palagi ang umiintindi tapos siya walang ginawa kundi pinapaiyak ka. Di mo siya deserve at mas lalong di niya deserve ang tulad mo. You deserve someone better you know?” pagkatapos 'kong sinabi yan, pinilit 'kong wag lumingon kay rei kasi alam ko na kung ano isasagot niya.

Ang sagot na ikadudurog ng puso ko.

Mahal ko siya eh. Di ba pag mahal mo yung tao kaya mo'ng tiisin ang lahat?”

“Kaya ko tiisin ang lahat liz kahit wala akong mapala sa huli” dagdag pa niya.

Here we are again with her 'unconditional' love for that guy.

Nakakabingi na marinig ang salitang 'mahal' galing sa bibig niya.

Sobrang bitter pero konting silip naman sa aking nararamdaman sayo—Arthur Nery yan?—okay na.

pansamantala | lizreiWhere stories live. Discover now