Chapter 2 - CUPID'S SECRET

51 2 4
                                    


♪♪♪ I really wanna love somebody


I really wanna dance the night away


I know we're only half way there


But take me all the way, take me all the way


I really wanna touch somebody


I think about you every single day


I know we're only half way there


But take me all the way ♪♪♪

Dinismiss ko kaagad yung alarm ng cellphone ko at bumangon na. Malayo pa kasi yung byahe ko, nakakapagod. Actually, ang totoo nyan, nagpaalam na ako sa mama ko na kukuha ako ng sarili kong apartment na malapit sa university pero hindi pa nya ako binibigyan ng sagot about me moving.


Since malaki naman yung sweldo ko sa part time, hindi na ako humihingi sa parents ko
ng allowance at mga pansariling gastos. Kaya siguro naman papayagan na nila ako na mag-apartment. And sa kanila na mismo nanggaling na pinagkakatiwalaan nila ako.

Ah, by the way, alam din ng magulang ko yung part time ko sa radio station. Nung una ko sa kanilang sinabi, ayaw pa nila maniwala kasi ibang-iba talaga yung boses ko dahil sa voice modulator.

Grabe na talaga nagagawa ng technology ngayon, nakakamangha.So, anyway, same routine ako ngayon. Ligo, bihis, almusal, sakay ng jeep at pupunta ng school. Ganito talaga kasi ang buhay estudyante, medyo boring at nakakapagod.


Sa loob ng university:

♪♪♪ You set it again, my heart's in motion


Every word feels like a shooting star


I'm at the edge of my emotions


Watching the shadows burning in the dark♪♪♪

"Oh, ma? Ba't ka po napatawag?"

"Gusto ko lang icheck anak if nakarating ka ng maayos sa school mo and also kasi napag-usapan na namin ng papa mo tungkol sa request mo na mag-apartment and sa tingin naman nya, magandang idea naman. He thinks that it's the best way for you to learn how to be independent. But, I'm still having second thoughts about it. I mean, how are you going to eat?"

"Mama, marunong naman po ako magluto. "

"Pero anak, you can't blame me if I'm worrying. I can't just let my baby girl walk away from the house, let alone live in a different house."

"Maaaaa, sige na po. Hindi naman po kayo ang magbabayad sa apartment. Ako naman po eh."

"Anak, kung sa payment lang naman, I can cover it, hindi mo na kailangan magbayad pero hindi yun yung pinag-aalala ko. I mean, what if something happens to you and we're not there, sino yung tutulong sayo? You, of all people, should know."

"Mama, alam ko naman po yung limitations ng katawan ko. At alam na alam ko rin po kung ano ang pwedeng mangyari sa akin once "that" happens. Pero, ma, I promise, I'll take good care of myself. At tsaka, uuwi naman ako tuwing weekends eh."

"I'm still not sure. I'll ask your kuya's opinion. Your little brother strongly disagree with you moving out of the house. He's just 13 and he is already aware of the risks you are putting yourself in. I mean, sa pagtanggi mo na magpahatid everyday sa school mo at ang pagtatrabaho mo na lang sa radio station na yun, I still don't understand why. Dapat nga, anak, hindi ka naeexpose sa usok and about dun sa part-time mo, hindi naman tayo gipit pero you still insisted that you want to earn your own money. I don't get you, anak, although I appreciate the fact that you want to be independent pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mag-alala."

"Ma, alam ko naman po yung mga pwedeng mangyari sakin kapag nagpabaya ako. Pero mama, kung uubusin ko yung oras ko na parating takot na baka bukas mamatay ako, para na rin pong patay ako nun. At tsaka, gusto ko po talaga maayos etong puso ko pero hindi pa po ako ready magpa-heart surgery."

"Anak, hindi mo naman sa akin maaalis yung pag-aalala. Kung gusto mo...."

"Ma, sorry po pero I have to go na. May klase pa po ako eh."

"Haay..Okay. We'll talk later. I love you anak"

"Mhm, I love you din po."

Haaaays...ano ba yan...hindi naman din ako bata, 20 na kaya ako ....although....hindi ko naman masisisi si mama, eh talagang nag-aalala sya.

Hmmm...siguro po, naguguluhan kayo no? Ganito po yan kasi...kaya po ganun na lang mag-react si mama, kasi po may deperensya ako sa puso ko. Meron kasing butas ang puso ko. Hindi sya sumara nung baby pa ako. Eh yung butas medyo malaki kaya kadalasan nahihirapan ako huminga. One time nga, nung 2nd year high school pa lang ako, akala nila mamamatay na ako kasi nung sinukat yung heart rate ko, masyadong mababa.

Sabi nga ng mama ko, kulay blue na daw ako nung time na yun. Yung sakit ko rin yung dahilan kung bakit nag-sspecialize yung kuya ko sa cardiology. Yung mama at papa ko kasi parehas pediatrician, hindi naman nila specialization yung tungkol sa mga heart issues.

Yung tungkol sa sakit ko, walang nakakaalam kahit yung tatlo kong kaibigan. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanila. Yung tanging nakakaalam lang na labas sa pamilya ko ay yung mga prof ko. Pero kahit ganun, buti na lang at walang special treatment na nangyayari. Ayoko ko kasi ng ganun. Nakakairita.

Matapos ang ilang minuto, nakarating na rin ako sa classroom ng iniisip pa rin yung pinag-usapan namin ni mama.

Pagpasok ko ng classroom, nakita ko si Jake na nasa likod nakaupo kasama sina Red at Carl. Kalungkot naman.

"Clydeee!" masayang pagtawag sakin ni Brielle.

"Oi, Brielle...." natatawang sabi ko sa kanya.

"Nag-aral ka na ba?" tanong nya sa akin

"Yup!" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Waaaah, ikaw na nag-aral. Sige na nga tatapusin ko na tong inaaral ko", sagot ni Brielle sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya, habang nakikita ko sa peripheral view ko si Jake na nakikipag-usap sa mga kaibigan nya sa likod at sinabi ko kay Brielle, "Sige".

~to be continued~

Cupid's CrushDonde viven las historias. Descúbrelo ahora