Chapter 1 - CUPID'S EARPHONES

53 3 0
                                    

"Naku po! Patay na naman ako!" mainip na iniisip ko habang nasa jeep.

"Bakit ba kasi trending parati ang trapik dito sa Edsa? Malilintikan na naman ako nito eh. Please po Lord, sana po wala pa po yung prof at sana rin po, mawala na po itong traffic. Please po please."


Habang nakasakay sa jeep, naramdaman kong nag-vavibrate yung cp ko pero hindi ko eto pinansin kasi hindi ko ugaling mag-cellphone pag nasa labas ng university o ng bahay. Takot ako mahold-up syempre! Tsaka eto kasi yung first cellphone ko mula nung first year college ako.

Opo, mga friends, nung nag-college po ako, dun lang ako nagka-cellphone kaya medyo bopols po ako pagdating sa mga cellphone. Hindi naman kasi ako masyadong interesado sa mga gadgets eh. Tsaka napapagod ako magtext. Tamad ako eh. Hindi ko nga alam kung ano ang unit unit na yan eh. So, syempre, sayang naman kung makukuha lang sa akin yong cp ko na to di ba? 4th anniversary pa naman namin ngayon ng cp ko.

Minuto pa lang ang nakalipas, nag-vibrate na naman ang cp ko kaya parang kinakabahan na ako kasi feeling ko andun na ang prof. namin. Tulad ng ginawa ko kanina, hindi ko ulit ito pinansin at hinayaan ko na lang na kusang mag-end call.

Ay sya nga pala, kanina pa ako daldal ng daldal, hindi ko pa pinapakilala sarili ko, ako nga po pala si Clyde Ann Garcia. And yes, babae po ako. Panlalaki lang po talaga ang first name ko pero 100% girl po ako. I am currently in my fourth year of college taking up Pharmacy as my course.

So, syempre, fourth year ako kaya busy dito busy doon. Busy sa extra-curricular activities. Busy sa pag-complete ng requirements.

Haaay buhay fourth year, nakakalaglag kaluluwa at nakakaitim ng dati ng maitim na eyebags. Not to mention, yung mala-bacteria kung mag-multiply na pimples. Oh, pimples, lubayan nyo ako. Mahal ang renta sa mukha ko. Pero, my goodness, mukhang mayayaman etong mga pimples na to, ginawang subdivision ang forehead ko. My gosh, my golly. Hindi magtatagal, pwede ng maglaro sa mukha ko ng connect the dots.

Oh well, enough of the pimples na nga, hindi naman tungkol sa pimples tong story na to eh. Dahil nga sa busy ako kausapin ang pimples ko, muntik ko nang hindi mamalayan na malapit na ako sa school ko. Kaya imbes na mag-isip ng pimples, mas nag-focus na lang ako sa pagtingin sa labas ng jeep.

"Para po!", sigaw ko kay manong driver.

At sa wakas, nakarating din school ko, ang East Pacific University.

Pagkababa ko ng jeep, dali dali akong naglakad papunta sa classroom namin.

"Gosh, 15 minutes late na ako".

Binilisan ko pa kaagad ang lakad ko hanggang sa nakarating na ako sa classroom ko. Pag dating ko dun, kapag sinuswerte ka nga naman, wala pa si prof. Kaya pala sa labas, rinig ko na yung ingay ng mga classmates ko. Akala ko nga nung una, may riot. Buti naman, wala. Sadyang ganun lang talaga sila kaiingay.

Dun sa loob ng classroom, iba-iba yung ginagawa ng mga classmates ko. Napakagulo nila. Merong mga nagtatawanan ng sobrang lakas. Meron din sa isang sulok, grupo ng kaklase ko na nag-gigitara at nagkakantahan. Pero karamihan sa kanila, nagdadaldalan.

Pumasok na ako ng classroom kahit na magulo para lang makapagpahinga kasi sa totoo lang, nanginginig na ang mga paa ko sa sobrang pagmamadali kanina. Pagkapasok ko, pumunta ako agad sa pwesto ko para umupo.


So, yun umuupo na nga ako di ba ng biglang nag-greet sa akin yung "seatmate" ko, "Hi, Clyde. Good morning" sabi nya habang nakangiti.


At dahil nga sa mongoloid ako pag dating sa kanya, wala akong nasabi sa kanya at tumango na lang tulad ng maangas na tambay dyan sa tabi tabi. Haaaay naku, pwede bang pakilibing na lang ako sa kailaliman ng lupa?

Cupid's CrushTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang