Dun sa loob ng classroom, dun ako nakaupo sa harap. Pagkatapos ng conversation namin ni Brielle, pumunta na ako sa pwesto ko.
Inayos ko muna yung bag ko at nagpahinga ng konti at tumayo na para lumabas.
Nahihirapan kasi ako huminga eh.
"Oh, san ka pupunta?" nagtatakang tanong sakin ni Brielle.
"Sa labas. Maaga pa naman eh"
"Anong gagawin mo sa labas?"
"Wala lang" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Wala ka naman pa lang gagawin sa labas eh. Dito ka na lang. Samahan mo ako habang nag-aaral"
"Nge." natatawa na ako.
"Ehhh sige na nga, punta ka na sa labas. Everyday routine mo naman yan, baka umiyak ka pa pag pinilit kita dito sa loob eh"
"Haha, ikaw talaga."
Pagkatapos ng maiksing pag-uusap namin, lumabas na din ako ng classroom pero yung sa harap na na pinto yung ginamit ko.
Pumunta ako dun sa may fire exit. Pag wala ako sa classroom, alam na ng mga kaibigan ko kung nasan ako, sa may fire exit lang.
Maaliwalas kasi dito. Mahangin. Nakakarelax.
Bakit kaya hindi sya nakaupo dun sa tabi ko? Nakakalugkot naman...
Oops wait...anong nakakalungkot? Teka teka nga, baliw na ata ako eh. It's only natural na dun sya uupo kasi andun din si Angel.
Si Angel dela Rosa yung last year nyang niligawan pero I heard na hindi neto sinagot si boy. Pero I think, gusto pa rin nya si Angel. Nakakalungkot.
"Hays. Bakit ganun?", pagtatanong ko sa sarili ko.
"Hays, bakit ganun?"
Nagulat ako ng biglang may nagsalita mula sa likod ko. Nung pagharap ko, si Jake pala. Nakangiti na sya sakin ngayon habang ako gulat na gulat pa."Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sa akin na ngayon ay nakatingin na rin sa hinahanging mga dahon ng puno.
"Ah..ano..uhm...wala lang. Nagpapahangin lang naman", kinakabahang sumagot ako sa tanong nya."Ah", sabi nya habang pinagmamasdan na ngayon ang mga bata na naglalaro sa baba.
Napansin kong nakangiti sya habang nakatingin sa mga bata.
Wag kang ngumiti....baka matuluyan ako neto dito sa harapan mo pa mismo.
Tumingin na rin ako sa baba para makita kung ano ang nagpapangiti sa kanya.Ngayon, magkatabi na ulit kami, magkalapit yung mga braso namin.
Thank you fire exit. Maraming maraming salamat. Thank you po Jesus. Thank you po God. I'm so happy right now.
"Ayun! Sa wakas, ngumiti ka rin!" bigla nyang sinabi na para bang tuwang-tuwa sya.
Nagulat ako sa kanya kaya hindi ako nakaimik kaagad.
"Para kasing ang lungkot mo eh. May problema ka ba?" pagtatanong nya.
Nabigla ako sa sinabi nya. Hindi ko aakalaing mababasa nya ako ng ganun. Kaya napaatras ako mula dun sa kinakatayuan ko kanina at sinabing, "hindi ako malungkot...tsaka....wala akong problema".
"Ganun ba?" tanong nya habang nakatalikod pa rin sa akin at nakatingin pa rin sa mga bata.
"Mhm...wala talaga".
Humarap sya sakin pero andun pa rin sya sa kinakatayuan nya at sinabing, "You're such a bad liar.""Huh??? Hindi ako sinung...."
Bigla syang tumalikod sakin at sinabi....
"Wooow! Ang ganda talaga dito sa fire exit. Kaya naman pala, andito ka parati. Nakakarelax dito eh", biglang nyang sinabi na ngayon ay para bang iniiwasan nya yung una naming napag-usapan.Napangiti na rin ako sa kanya at sinabi, "maganda ang lugar na to kapag gusto mong mag-isip."
Habang nakatalikod pa rin sya,nagpatuloy ako sa pagsasalita...
"Actually, hindi naman talaga problema....masyado lang talaga akong nabibilisan sa oras...sa mga nangyayari...Alam mo yung may gusto akong gawin pero hindi ko magawa kasi ....kasi....natatakot ako..."
Nagsalita na ulit sya, "Lahat naman nakakatakot....pag hindi mo alam kung ano ang mangyayari, kadalasan, nauunahan ng takot ang isang tao kaya sa huli, hindi nila magawa gawa yung gusto nilang gawin."
Pinagmasdan ko sya kahit na nakatalikod pa rin sya sa akin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita...
"Duwag kasi ako eh. Kahit gustong gusto ko man gawin yun,alam ko na kung ano ang mangyayari sa akin pag ginawa ko...." sabi ko sa kanya habang nakatingin na rin ako sa mga puno na ngayon ay tumigil na ang mga dahon sa paggalaw na para bang biglang nawalan ng hangin.
"Kung ganun, parehas lang pala tayo..." sabi nya.
"Hm? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Tulad mo, nakakulong din ako sa takot ko na baka hindi ko magawa yung gusto kong gawin bago pa mahuli ang lahat."
"Ano naman yun?" Nagulat ako sa tinanong ko at agad agad ko ring binawi ang tanong, "ay! Pasensya ka na....masyado na akong nagiging chismosa.." natatawa tawa ko pang sabi sa kanya.
Bigla syang humarap sakin. Nagulat ako sa reaksyon ng mukha nya. Nakita ko yung halo-halong emosyon sa mga mata nya at nagsimula na syang magsalita habang pinagmamasdan ko pa rin ang mukha nya na para bang naguguluhan....
"Hindi ko alam kung tama bang magustuhan ko yung taong alam kong gustong-gusto ng kaibigan ko....hindi ko nga rin sigurado kung talaga bang gusto ko na yung taong yun ...pero ang sigurado ako, gusto kong parati ko syang nakikita..." bigla nyang sinabi.Ouch naman
"Uhm...alam mo, wala naman talaga akong alam pagdating sa mga ganyang bagay...kaya pasensya ka na, mukhang hindi kita matutulungan dyan sa aspeto ng buhay."
Natawa sya sa sinabi ko."Haha, pasensya ka na rin. Masyado lang akong nagdadrama." sabi nya.
Nanatiling tahimik kaming dalawa hanggang sa....
"Oi, Jake...ba't andyan ka?" tanong ni Red kasama si Carl.Lumapit silang dalawa hanggang sa napansin nilang andun din ako, nakaupo sa hagdanan ng fire exit.
"Wala lang", sagot ni Jake.Tumingin sakin si Red at sinabing, "Hi Clyde", sabay ngiti.
Ngumiti rin ako sa kanya at tumayo na mula dun sa pagkakaupo ko.
"Hmmm..sige, balik na ako sa classroom", sabi ko sa kanilang tatlo
Sumagot si Jake, "okay".
Pagkatapos nun, naglakad na ako pabalik ng classroom.
~to be continued~
YOU ARE READING
Cupid's Crush
General FictionHow can you take something back If it wasn't never yours in the first place The moment when you feel like you're in daze Trying to figure out and finding ways How can someone hurt you so bad If you don't even have the right to be hurt To avoid and t...