"Hey, dude ...ano nang plano mo?" pagtatanong ni Carl sakin.
''Plano saan?" tanong ko sa kanya.
"Kung itutuloy mo pa ba yung panliligaw mo kay Angel?" pagpapatuloy ni Carl.
Natigilan ako sa tanong ni Carl. Napaisip ako. Hindi ko kasi alam kung ano yung isasagot ko sa kanya. Habang iniisip ko yung tanong nya, napansin ko si Clyde na papasok ng classroom pero hindi man lang sya tumingin sakin.
Kainis naman ...ba't hindi na naman nya ako pinansin ...badtrip ...teka nga, ba't ba ako naiinis, eh ganun naman talaga sya. Hay, ang hirap..
"Siguro", sagot ko kay Carl na kanina pa pala naghihintay sa isasagot ko.
"Anong siguro?" Hindi ka na ba sigurado kung itutuloy mo?", pangungulit ni Carl.
"Ewan ko pre", sagot ko sa kanya.
Napansin kong nakangiti si Clyde.
Dapat parati ka na lang nakangiti ...mas bagay sa'yo. Ang galing talaga ni Brielle ...kayang kaya nyang pangitiin si Clyde ...pero bakit ganun, parang may hindi okay sa kanya ...hmm, tama na nga ang pag-iisip.
"Anong ewan???" Panong ewan!?", makulit pa rin na pagtatanong ni Carl sakin."Ewan, as in ewan. Hindi ko alam dude. Kaya wag mo akong kulitin", sagot ko sa kanya ng nakita kong papaalis ng classroom si Clyde.
Saan naman kaya pupunta yun..?
"Jake, hindi pwedeng ewan. Eto ngang si Red, pursigido eh", sabi ni Carl habang tinatapik nya yung likod ni Red.
Nagulat ako sa sinabi ni Carl at napangiti. "Aba, Red, ba't ngayon ko lang yan nalaman?", sabi ko.
"Hala, hindi pa pala sayo nakukwento ni Red??", tanong ni Carl.
"Hala na. Oi Jake, nakwento ko na sayo yan eh", sagot ni Red.
"Oi Red, wala akong alam", sagot ko sa kanya at nagpatuloy ako, "Teka nga, kanino ka ba pursigido?"
"Ehhhh nasabi ko na sayo yun eh. Ikaw talaga, ang ulyanin mo o sadyang di ka lang nakikinig nung kinukwento ko sa inyong dalawa yung about kay Clyde", sagot ni Red.
Nagulat ako sa sinabi ni Red, "Clyde?"
"Seryoso ako kay Clyde. Gusto ko syang ligawan pero hindi ako makahanap ng magandang timing", matapang na sagot ni Red.
Talagang gulat na gulat ako sa confession ni Red. At hindi ko maintindihan kung bakit parang pakiramdam ko ay nababadtrip ako. Alam kong malapit na akong mainis kaya tumayo ako at sinabi sa kanilang dalawa, "uhm ...labas muna ako".
Napansin kong may pagtataka sa mukha nilang dalawa pero wala na akong pakialam. Pag hindi ako umalis, sigurado mababadtrip ako sa kanilang dalawa at ayoko mangyari yun.
Saan kaya nagpunta si Clyde....?
Papunta na ako sa may fire exit para magpalamig ng may narinig akong nagbubuntong-hininga.
"Hays, bakit ganun?" sabi ng tao dun sa may fire exit.
Nung pagtingin ko ...si Clyde pala. Di ko napigilang gayahin yung sinabi nya.
"Hays, bakit ganun..?" sabi ko.
Medyo natatawa na ako sa reaksyon nya.
Hahaha, ang epic talaga ng reactions ni Clyde ...ang cute ...teka...anong sinasabi kong cute. Dude ...erase, erase the thought.
Ngumiti na lang ako sa kanya at lumapit banda dun sa kinakatayuan nya at sinabi, "Anong ginagawa mo dito?"
Nung pag-lapit ko banda dun sa pwesto nya, lumayo rin naman sya.
ESTÁS LEYENDO
Cupid's Crush
Ficción GeneralHow can you take something back If it wasn't never yours in the first place The moment when you feel like you're in daze Trying to figure out and finding ways How can someone hurt you so bad If you don't even have the right to be hurt To avoid and t...