MULI siyang bumulong, kuhanin ko raw ang puso at tikman. Tulad kanina ay walang pagdadalawang isip kong sinunod ang kagustuhan niya. Malansa ang bawat kagat ko ngunit talagang malinamnam ang lasa dahil sariwang-sariwa.
"Ang sarap naman nito." Isinilid ko sa isang jar ang natirang puso. Binutas ko rin ang sikmura niya at kinuha ang laman loob niya.
Paano kaya kung ibenta ko ito? Or kaya gawin kong isaw ang intestines niya, may maniniwala kayang may ganoong kalaking isaw? Nagkibit balikat na lang ako at ipinagkasya ang lahat sa isang jar.
Ngayon ang iniisip ko kung paano ko lilinisin ang kalat ko ngayon. Nagkalat kasi ang dugo hindi lang sa lapag kung hindi pati na rin sa dingding. Kumuha ako ng sako sa mga tambak. Ang saya pala sa pakiramdam ang makaganti, umaapaw ang tuwa ko.
"La la la la lalala la la la. . ." I hymn. "Merry Christmas!" Tumawa ako na parang baliw, pero hindi ako baliw. Sakto lang, saktong pagkabaliw lang. Natutuwa talaga ako sa tuwing nakikita ko ang paghihirap nila, sayang nga lang si Ericka masyado akong ginutom.
Nag-iwan ako ng isang note sa loob ng plastic bag. Tahimik ko itong hinila palabas ng building, alas-diyes na ng gabi kaya malabong magkaroon ng tao rito. Sabagay hindi naman nila alam kung ano ang laman nito, wait paano nga ba nila malalaman? Hindi ko naman sasabihin.
Pakanta-kanta pa ako habang hinihila ang basura papunta sa basurahan. Dito naman talaga sila bagay, hayaan niyo sa susunod maghuhukay ako nang malalim at doon sila lahat itatapon. Para libre na lang ang libing nila. Pinagpagan ko pa ang kamay ko na parang may alikabok pagkatapos kong ihulog sa basurahan ang plastic bag.
Kaagad akong umuwi sa bahay na may ngiti sa mga labi. Ang saya-saya talagang maglaro. Dumiretso ako sa likod upang linisin ang sapatos ko na punong-puno ng dugo.
Pinatugtog ko ang isang Christmas song sa isang vinyl player sa kwarto ko bago naligo. Nilinis ko nang mabuti ang katawan ko para mawala ang malansang amoy ng dugo ng impaktang si Ericka— sa tuwing naaalala ko kung gaano kasarap ang lasa niya ay nawawala ang galit na nararamdaman ko sa kaniya.
Sinabayan ko ng pag-indayog ang tugog ng musika, sobrang nakaka-relax talaga. Buti na lang pala talaga maganda ang taste ko sa musika. Ibinabad ko ang sarili ko sa bathub na may sabon, nakita ko lang ito sa isang commercial sa tv kaya naengganyo akong bumili ng body wash na ito. Mukhang hindi naman ako magsisisi, mabango naman siya.
Tinuyo ko ang buhok ko at ibinagsak ang sarili ko sa higaan. Nakakainis naman, nangangati na naman ang palad ko. Hindi bale babawi na lang ako bukas.
Inilabas ko ang jar na may lamang loob ni Ericka at maingat na inilipat ang intestines at kidney sa magkaibang jar na may tubig at inilagay ko ito sa isang baul sa loob ng cabinet. Bawas na ang puso kaya hindi ko pwedeng gawing collection.
Ano kayang masarap na luto? Sinigang, adobo. Kare-kare o pinaksiw? Wait, masarap naman siguro siya hindi ba? Pwede namang adobo na lang para medyo malasa at magmukhang atay. Wala naman kasing sinigang lalo na paksiw na puso. Kapag nasarapan siguro ako ay pwede na.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng agahan, Biyernes na pala ngayon. Ano kayang magandang activities tuwing Sabado at Linggo?
Hiking or Blood hunting? Pero mas maganda yata ngayon iyong collection hunting. Bahala na nga mamaya.
"Ano sa tingin mo ang magandang gawin bukas?" Kaagad siyang nagbigay ng suhestiyon na agad kong sinang-ayunan. Sabagay malapit na nga pala talaga ang pasko at last day na ng pasok namin ngayon.
Mag-e-explore daw kami ng bago. Hindi ko nga lang alam kung ano iyon. Pero syempre dapat palaging excited
Hinugasan ko nang mabuti ang puso para tuluyang matanggal ang dulas at dugong nakabalot dito. Pagkatapos ay hiniwa-hiwa ko siya sa katamtamang laki at inilipat sa isang bowl at ibinabad ito sa tubig. Naghiwa na rin ako ng bawang at sibuyas, pagkatapos kong ihanda ang lulutuin ay ang paglulutuan naman.
YOU ARE READING
The Sound Of Christmas Carol
Mystery / ThrillerJamie Casiano, a psychopath. She was diagnosed with a mental disorder when she was a kid. Harassed by her uncle, disowned by her parents, and she even experienced bullying in high school. Her life was a living hell ever since she was born. Pinagsam...