Warning : This chapters contains Violence, Harrasment, and Strong language. Read at your own risk.
—
MABILIS akong tumayo mula sa kama ko nang makarinig ako ng mabibigat na yabag papunta sa kwarto ko. Walang kasing lakas at kasing bilis ang tibok ng puso ko sa tuwing lumalakas ang mga yabag.
Napapikit ako sa takot nang biglang kumulog nang malakas kasabay ng isang malakas na puwersa na pilit binibuksan ang pinto ng kwarto. Ipinalibot ko ang mata ko sa buong silid, tanging ang cabinet ko lamang ang nakikita kong maaari kong taguan ngunit mapo-protektahan lang ako nito ng ilang minuto.
"Jamie!" Kumatok nang tatlong beses si Tito Marco sa pinto kasabay ng marahang pagtawag sa pangalan ko.
Pilit kong tinulak ang isang mabigat na lamesa paharang sa pinto, pagkatapos ay mabilis akong nagtago sa loob ng aking banyo. Bahagya pa akong nagigitla sa tuwing kumukulog at kumikidlat nang malakas.
Sabay-sabay sa pagtulo ang luha ko sa sobrang takot. Hindi lang ito ang unang beses na nangyari ang bagay na ito. Ilang beses kong sinubukang tumakas at iligtas ang sarili ko ngunit kahit isa rito ay walang naging matagumpay.
Kahit itago ko ang sarili ko hanggang sa pinakasulok ng kwartong kinaroroonan ko ay nahahanap at pinagsasamantalahan pa rin niya ako.
Bata pa lamang ako nang iwanan ako ng aking mga magulang sa isang kumbento. Pinalaki, binihisan at minahal ako ng mga madre doon. Nawalay lamang ako sa kanila nang kunin ako ng isang taong nagpakilalang 'tito' ko na kapatid ng aking tunay na ina.
May pagdududa man noong una ay sumama pa rin ako dahil ipinangako niyang dadalihin niya ako kay mama. Noong mga nagdaan buwan ay naging maayos ang buhay ko kasama si Tito Marco ngunit nito ko lang napagtanto na kahit one forth lang ng dugo niya ay wala ako—hindi ko siya kaano-ano.
Simula rin noong gabing iyon ay madalas akong makaramdam ng isang palad na humahaplos mula sa paa ko hanggang sa may hita ko. Akala ko ay panaginip lamang ito ngunit sa mga dumaang araw, may nararamdaman akong kakaiba sa tuwing malapit siya sa akin.
"Jamie, buksan mo ang pinto!"
Sumiksik ako sa tabi ng maliit cabinet sa loob ng banyo. Tinakpan ko ang tenga ko upang hindi ko marinig ang pagkatok at pagtawag niya sa akin.
Natatakot ako, sobrang natatakot. Gusto ko lang naman ay makita si mama!
Sinubukan kong magsumbong sa pulis, but it turns out na matalik na kaibigan ni Tito Marco ang hepe at isa siyang pulis. Sa tuwing hihingi ako ng tulong sa mga kapitbahay namin ay hindi ko magawa sapagkat inuunahan na niya ng pananakot.
Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang pagdaraanan ko para lang makita at makilala ang nanay ko.
Napasigaw ako sa takot nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at pumasok rito si Tito Marco. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko at tumawa nang malakas na parang isang mangkukulam nang makita niya akong nakasiksik sa dulong parte sa tabi ng cabinet. Marahas niya akong hinila patayo.
Pilit akong tumatakas sa kaniya ngunit hindi sapat ang lakas na mayroon ako. Nagsisigaw-sigaw ako, ilang beses akong nagmakaawa ngunit hindi niya ako pinakinggan.
Hinila niya ako palabas ng banyo at itinulak pahiga sa kama ko. Takot na takot akong umatras hanggang sa tumama ang likod ko sa headboard ng kama.
Demonyo! Isa siyang demonyo.
Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya, diniinan niya ang pagkakahawak sa mga braso ko at pilit akong inihiga sa kama.
"Maawa ka po!" I pleaded but he just smiled at me.
YOU ARE READING
The Sound Of Christmas Carol
Misteri / ThrillerJamie Casiano, a psychopath. She was diagnosed with a mental disorder when she was a kid. Harassed by her uncle, disowned by her parents, and she even experienced bullying in high school. Her life was a living hell ever since she was born. Pinagsam...