Special Chapter

8 4 0
                                    

KINUHA ni Jamie ang lahat ng alahas na maaari niyang maibenta sa magandang halaga pati na rin ang pera sa table drawer ng kanilang superior.  Mabagal ang bawat paggalaw niya upang hindi magising si Doktora Laura na natutulog sa maliit ng higaan sa opisina.

Nang makuha ang lahat ng kailangan ay isinilid niya ito sa backpack na dala niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa higaan ng Doctor at tahimik na pinagmasdan ito.

Sinong mag-aakalang sa kabila ng maamong mukha nito ay nagtatago ang isang halimaw. Hindi maayos ang pagtrato sa kanila rito. Sayang ang perang ginamit niya para makapag-aral.

Kinuha ni jamie ang isang unan sa tabi nito at sinakal ang babaeng doktor gamit ito. Napabitaw siya nang malakas siyang sipain nito. Halos tumalsik siya nang malayo.

"Jamie!" Nginisian lang niya ang doktor at muling sinunggaban. "Tu—"

Walang tunog na napangiti si Jamie nang makitang unti-unting binabawian ng buhay ito. Muli niya pinaulanan ng saksak ang kawawang Doktor bago umalis dala ang mga pera.

Tahimik na naglakad si Jamie palabas ng rehabilitation center na tinutuluyan niya. Hawak ang susi ng back gate at isang patalim sa kaniyang kanang kamay ay nagmamasid siya sa bawat gilid. Nag-iwan siya ng note sa ibabaw ng walang buhay na katawan ng doktor. Nakalagay doon ang lugar kung saan nila matatagpuan ang mga nawawalang katawan sa mga nagdaang taon.

Nakalugay ang mahabang buhok at walang sapin sa paa. Minsan pala talaga nakakapagod magpanggap na baliw na unti-unting gumagaling, pero naenjoy naman niya ang stay kahit papaano.

Nababalot ng dugo ang puting bestida na kaniyang suot. Dumadaloy paibaba sa kaniyang braso ang dugo at paisa-isang pumapatak sa kaniyang dinaraanan. Bahagyang siyang nadaplisan pero hindi naman gaanong masakit, para nga siyang hindi nasugtan.

Hindi niya alintana ang malakas na ulan ang nais lang niya ay ang makalayo sa lugar na ito. Hindi siya nababagay rito. At kahit kailan ay hindi siya babagay sa lugar na ito. . . kahit kailan.

Mabilis niyang sinunggaban ang guwardiya na nagmamasid mula sa sinisilungan nito, nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi siya nito nakita. Pilit na kumakawala ang matandang guwardiya sa kaniya ngunit naunahan na niya ito, mas malakas ito sa kaniya pero hindi siya papayag na maungasan siya. Ginilitan niya ang leeg nito at tuwang-tuwang pinanood na mag-agaw buhay ang kawawang guwardiya.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay ngumisi siya at muling tinignan ang lugar na itinuring niyang impyerno. Para sa kaniya ay mas malala pa ang mga dinanas niya rito kaysa sa bahay ng walang kwenta niyang tiyuhin.

"Papa!"  I cried when I saw him slowly kneeling on the floor. Holding the right side of his tummy, his hand, full of blood.

"J-Jamie," hirap na hirap na saad nito. Bahagyang ngumiwi si papa, paniguradong kumirot ang kaniyang sugat.

Umupo ako sa tuhod ko habang hawak ang kutsilyong may mantsa ng dugo ni papa. Hindi ko magawang makapagsalita bukod sa pagtawag sa kaniya.

Hindi ko sinasadya na masaksak siya, wala akong intensyon na saktan siya. Natatakot ako, natatakot ako sa maaaring mangyari.

Tatlong beses akong umiling dahil sa aking naisip. Mas lalong hindi ko kakayanin na mawala si papa.

"He's not your papa!"  Lumingon ako sa magkabilang gilid. Hindi totoo ang sinasabi niya, ang papa ko ang nasa harapan ko. "Patayin mo na siya!" saad ng boses kasabay nito ay mahihinang pagtawa.

Ilang beses niyang ibinulong ang katagang iyon. Umiling lang ako nang umiling, walang planong pakinggan at sundin ang mga sinasabi niya. Ngunit ganoong na lang ang pagtataka ko nang may bumulong sa akin dahilan upang mabitawan ko ang aking hawak na patalim.

Pumintig ang aking puso kasabay nang pagdaan ng isang pantay na linyang tunog. Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko dahil nakakabingi at masakit sa tenga ang tunog ngunit hindi iyon naging sapat.

Tatlong putok ng baril ang aking narinig kasabay niyon ay ang pagbagsak ng katawan ni papa sa sahig. Halos madaganan na ako nito dahil hindi rin naman kalayuan ang aking puwesto sa kaniya.

Sa harapan ko ay may isang lalaking nakatayo. Hindi ko maaninag ng kaniyang mukha dahil nasisilaw ako sa liwanag ng ilaw sa aming sala. 

"Layuan mo na kami!" Malakas na hinampas ni mama ang lalaki sa ulo ng makapal na kahoy kaya ito nawalan ng malay. Binuhat ako ni mama pasakay sa likod ng isang kotse at minaneho niya ito.

I keep on calling my mom but she's not paying attention to me. Habang mabilis na nagmamaneho ay wala rin siyang tigil sa kakainom sa isang bote ng alak na hindi ko man lang namalayan na hawak niya pasakay.

Pilit kong inagaw sa kaniya ang alak sa takot na maaksidente kami ngunit malakas niya akong itinulak. Tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay sa loob ng kotse.

It didn't stop there. I called her thrice and beg her to slowdown but she keeps on driving the car. Napayuko ako nang makarinig ng sunod-sunod na pagputok ng baril. I looked back but I was shocked when the bullet slide 1 inch apart from my ears. 

I saw a car fast approaching us. The driver keeps on firing his gun at us. Sa takot ay hindi namin namalayan na may makakasalubong kami kaya mabilis na kinabig ni mama ang manibela pakanan.

"Mama!" I shouted when the car falling down the hill.

The wan who was following them walked closely to their car. He kneeled using his one knee. He looks intimidating with his top knot hair and a badge on his police uniform. . . Casiano. That's all I see before I close my eyes.

Totoo nga siguro iyong sinabi nila na hindi agad namamatay ang masamang damo. Jamie manage to survived first and second death without making any sweat.

Hindi pa siya tapos maningil. Nagsisimula pa lang siyang maningil sa mga taong nagpahirap sa buhay niya. Hindi pa rito natatapos ang lahat.

Pumara si Jamie ng taxi at tahimik na sumakay rito. Hindi na siya nag-abalang magsalita kung saan siya pupunta. She smiled as she looks at the rearview mirror. The man who is driving the car smiled back before he start the engine.

"Papa."

Happy 3rd Monthsary to me, as a lazy writer!

The Sound Of Christmas CarolWhere stories live. Discover now