Kabanata 5

3 0 0
                                    

Rai's POV

All those times I've wondered if Love is really enough to brighten someone's day everytime they feel like the world is against them.  If Love can truly transform into a person that can save you from your miseries and heartbreaks.

Napaisip ako habang nakatingin sa mga magulang ni Inej na nag-uusap ngayon sa harapan namin. They seem too engrossed in their own worlds na parang hindi na nila makita ang iba at sila lang ang tao sa mundo.

Tsk! That's ridiculous! An exaggeration at its finest. Surely no one can see a person more clearly and blur out the others.

Pero parang sa nakikita ko ngayon I am starting to doubt my own belief.

After classes ended, naisipan ni Inej na doon nalang kami maghahapunan sa bahay nila para na rin matapos namin ang project na deadline na rin the day after tomorrow so we need to work double time.  So here we are silently eating while her parents chat about anything.

" That was quite a blast back in the days dear" Mrs. Herrera laughed at what her husband said and then looked at me,  Dito ka ba matutulog iha?"

"Ah hindi po tita, susunduin po ako ng driver namin mamaya. I tetext ko lang po raw siya kung kailan" she nodded.

" Well I heard Ben and her daughter are back. He had quite a famous scandal before with your mother" agad naman siyang pinagalitan ni Inej. 

"Mom! Tama na yan. We don't speak of that affair here" Nej looked at me apologetically.

"Ayos lang Inej, hindi naman bago sakin ito" sabi ko naman sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

"Oh sanay naman pala siya, iha you do know how frowned upon their relationship was. Even Senyora Esmeralda was about to disown her only  daughter dahil don. Kung hindi lang pumayag si Lenore na magpakasal kay Osiris. Tsk! I don't even know what'll happen" Mrs. Herrera said as she ate her pasta na parang wala lang ako sa harapan niya. Like it was just a normal conversation to have infront of her guest.

Hindi ko nalang siya pinansin at dali daling tinapos ang aking pagkain. Parang naramdaman naman ni Inej na gusto ko ng umalis sa dining nila kaya tinapos na rin niya ang kaniyang pagkain saka kami umakyat sa taas para gumawa ng project namin. I went to her room emotionless and drained.

"HEY sorry about my mom, she doesn't have a filter on her mouth. Kung may gusto siyang sabihin, sasabihin niya without considering kung anu ang mararamdaman ng iba" sabi sakin ni Inej habang hinahatid niya ako sa labas.

" Ayos lang Nej, alam ko naman na prangka talaga si Tita Yelena kaya hindi na ako nagtaka nung napag-uusapan na naman ang pagdating ng mga Salvacion dito sa Cappa Sierra" Niyakap ako ni Inej.

" Well, see you tomorrow Rai and I'm sorry"

Pumasok nako sa sasakyan namin at lumabas na sa mahabang walkway ng mga Herrera palabas ng gate nila.

Pagkarating ko ng bahay. I don't even have the energy to greet my parents anymore kaya dumiretso na lamang ako sa kwarto at nagpahinga na.

" OMG Zoya sino yung nakita kong kasama mong lalaki sa may garden kahapon?" Chismis agad ang bumungad sakin pagkarating ko ng classroom namin.

Dumiretso na ako sa upuan ko at pinaalis ang kaklase kong nakaupo para na rin siguro makakalap ng chismis.

" Anu ba naman yan Rai, gusto ko pang malaman kung sino ang kasamang lalaki ni Zoya kahapon eh. Gwapo raw sabi nitong si Marites" sabi sakin ni Karen at naghanap ng ibang mauupuan malapit kay Zoya.

" Kaibigan ko lang iyon. Kayo talaga" sabi naman ni Zoya sa mga mapangusisa kong mga kaklase. She then looked at me.

" Hi Rai, sama ako sainyo mamaya ha" tumango lang ako, not in the mood to explain kapag humindi ako.

Narinig ko naman ang mga munting tilian ng mga kaklase ko at nakita kong pumasok si Alek habang naka earphones. Agad naman siyang dumiretso sa likod ko at inayos ang bag niya kaya napatuwid ako ng upo.

Damn! Heto na naman at na coconscious ako sa bawat galaw niya sa likod ko. I unconsciously pat my chest to stop it from beating so darn fast.

"I'm just anxious, yes that's it Rai. You're just anxious" pangungumbinsi ko at hindi na iisipan pa ng ibang pahiwatig ang nararamdaman ko.

" Anxious about what?" Napatayo ako sa gulat kaya napatingin bigla si Zoya at Alek sa akin. 

" Uh what?" Tanong ko kay Inej slightly out of breath.

" Sabi mo kasi you're anxious. May mangyayari ba?" Tanong niya habang nililigpit ang bag niya at inilagay iyon sa harapan niya. Umiling lang ako at dahan dahang umupo pilit na kinakalma ang sarili ko.

" Uy Zoya anu ba itong naririnig ko galing kay Marites nakita ka raw na may kasamang gwapo sa garden dito. Yun lamang hindi nakita kung sino" Napasinghap si Inej na parang may napagtanto. " Huwag mong sabihin siya yung pinuntahan mo kahapon nung break time natin?" Tumawa lang si Zoya at hindi na sinagot pa ang tanong ni Inej.

" Anu ba naman itong si Zoya, pa mysterious pa eh" bulong sakin ni Inej.

" Anu ka ba? Hayaan mo nga siya kung sino man yung kinikita niya. It's none of our business" sabi ko naman. Ipinagpatuloy lang ni Inej ang pakikipag-usap sa akin habang ako nama'y nakikiramdam sa mga mata na parang nakatutok sakin sa likod. Alek.

BREAK time namin ngayon at kasama namin ni Inej si Zoya. Gumawi ang tingin ko sa isang bench at nakita ko si Alek na kausap ang iba naming kaklase.

I sighed as my heart began to thump loudly.

" By the way, Rai, Nej, iniimbitahan ko kayo sa bahay namin bukas. Birthday kasi ni dad at may munting salo-salo lang and I am hoping na makadalo kayo if okay lang naman" nagulat naman ako sa sinabi ni Zoya. Isn't she aware of our families' unresolved problem?

" Ayos lang naman sa akin, hindi ko lang alam kung papayagan si Rai" sabi naman ni Inej. Tiningnan ako ni Zoya na parang nangungusap.

" Hindi ko alam kung makakapunta ako Zoya" bigla niyang hinawakan ang kamay ko, " That's too bad pero gusto ko sana na pati ikaw ay makapunta rin" I looked at her feeling sorry.

Realization dawned on her, " Oh is this about our families' feud? Rai alam mo naman na wala tayong kinalaman sa kung ano man ang nangyari." Well she does have a point pero alam ko naman na hindi ako papayagan because an Alvarado seen with a Salvacion is almost like a reminder of what happened before.

Maliit lang ang bayan na ito so news comes around easier than other cities. Kaya nga never hide your secret here in Cappa Sierra kasi bukas na bukas lantad na lantad na ito.

" Umm..... Well, I'll just inform you kung makakapunta ako pero for the mean time si Inej pa lang siguro ang papayagan talaga" tumango naman si Zoya.

AND as expected hindi ako pinayagan ng mga magulang ko na makapunta sa birthday ni Tito Ben bukas.

" Are you out of your mind Hiraya?!" My mom scolded me. Kitang kita ko na unti unti ng nawawala ang composure niya.

" Hiraya, you're smart enough to even ask that stupid question!" Napayuko ako bigla. Damn! I shouldn't have asked.

" That's enough dear, Rai pumunta kana muna sa kwarto mo. Pero magkaliwanagan tayo, hinding hindi ka pupunta sa party na iyon bukas. Understood?" I nodded at my dad at umakyat na sa taas habang  pinapakalma niya si mom na parang gusto pa yatang batuhin ako ng stilleto niya para matuto ako.

I gazed outside my balcony and while hugging my pillow, I made a decision that might changed everything.

"Sana tama itong gagawin ko" I sighed as I close my eyes and imagine a pair of of black eyes staring back at me.

I suddenly felt my heart beat fast.
***

The Girl Who Never Understood LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon