Kabanata 6

6 0 0
                                    

Rai's POV

Katatapos lang ng klase namin at usap usapan sa buong classroom ang party na gaganapin mamaya sa bahay ng mga Salvacion.

I mean bigla na lamang sumikat muli ang mga Salvacion simula ng bumalik sila dito sa Cappa Sierra kaya di na nakapagtataka kung pati ang kaarawan ni tito Ben ay lumaganap na.

" So anu sabi ng parents mo? Nakapagpaalam ka naman diba?" Tanong sakin ni Inej. Nandito kami ngayon sa Sweet Cafe na malapit lang sa school namin. Dito raw kasi ang meeting place ng mga inimbitahan ni Zoya na hindi pa alam kung nasaan ang bahay nila para sabay sabay na lang na pumunta. Yung iba naman ay nauna na.

Napabuntong hininga ako. " Well I did and you know what muntik ng himatayin si mom at parang babatuhin pa ako ng stilleto" Nej looked at me na parang expected na na mangyayari iyon.

"Di na nakapagtataka, so hindi ka talaga pupunta? That's too bad" sabi niya.

Tiningnan ko naman siya at nginitian. "Sino ba ang nagsabing hindi ako pupunta?" Inej looked at me na parang tinubuan ako ng isa pang ulo.

"Are you out of your mind?! Alam mo naman na malalaman ito ng parents mo diba?! Ano na lamang ang gagawin mo if they knew? You'll get punished Rai!" Sunod sunod na sabi sakin ni Inej

I laughed. " Hinay hinay lang puede ba? Alam ko naman iyon kaya mag didisguise ako mamaya".

Inej looked at me ridiculously. "Uhuh disguise yeah sure....... Baliw ka na talaga Rai, sa tingin mo ba di ka nila makikilala ng dahil lang sa ganiyan?"

"Don't you worry my friend, pupunta ako mamaya sa isang sikat na makeup artist to help me in my disguise. Good thing she happens to be my friend kaya hindi na ako nahirapan pang maghanap ng mag mamakeup sakin." Sabi ko sa kanya.

" Kung anu man ang trip mo Rai, sige susuportahan kita. Just be careful okay?" Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain ng cupcake.

"Good andito na kayong lahat, oh Rai, dadalo ka rin ba?" Tanong ni Zoya.

Nagkatinginan kami ni Inej. " Sorry Zoya, maybe next time hindi ako pinayagan eh, sinamahan ko lang si Inej" sabi ko sa kaniya

" I was expecting na makakapunta ka rin sana but no worries, I understand.  Well guys halina kayo!" Sabi ni Zoya. Nagsitayuan naman ang iba kong mga kaklase para sumabay sa kaniya.

I hugged Inej. " See ya later, sigurado akong pati ikaw hindi mo na ako makikilala mamaya" sabi ko sa kaniya as I winked at her. Pinagmasdan ko lamang sila na umalis at tsaka pumunta na sa kaibigan ko.

"THANK you for doing this Tam, I owe you one" sabi ko kay Tamara na siyang mag mamakeup sakin. Andito ako ngayon sa studio niya.

Tamara Flores has always been the best pagdating sa makeup and prosthetics. She can alter a person's face with only the use of makeup at kung anu pa man ang gagamitin niya.

" Anu ka ba wala ito noh. I think its about time na rin na ma realize mo na wala kayong kinalaman sa kung anu man ang meron sa pagitan ng mga magulang ninyo. You weren't even born when it happened" tumawa naman ako at hinayaan na siyang gawin ang "magic" niya as she would like to call it.

The Magic of Art

I STEPPED OUT of her car at nasa tapat na ako ng bahay ng mga Salvacion and I have to admit yumaman na nga talaga sila dahil kitang kita naman sa modern styled 2 storey house nila. May pool pa sa gilid.

I looked at my friend. " Tam thank you ulit ha, grabe talaga ang magic na ginawa mo na kahit sarili ko hindi ko na makilala" sabi ko sa kaniya

" Sus wala yon, basta if you need anything just call okay?" Tumango naman ako at nagpaalam na as she drove away.

I took a deep breath at pumasok na sa bahay ng mga Salvacion.

Inejera's POV

Nasaan na kaya si Rai? Ang dami palang inimbitahan ng mga Salvacion na akala ko munting salo salo lang. Buti nga hindi pa ako na oout of place.

" Nej, I hope you're enjoying the party. Sayang nga lang kasi hindi nakapunta si Rai" sabi ni Zoya.

" Yeah too bad, pero sa tamang panahon siguro naman magbabago na ang lahat. We just have to be patient" Zoya smiled at me as she handed me a shot of tequila.

Tumawa ako at tinungga ang alak. "Last ko na ito ha, ayokong umuwi na lasing" sabi ko sa kaniya.

"Hahahahaha.....sure" sabi naman ni Zoya. "Bathroom lang ako ha" she nodded at me kaya pumunta nako ng cr para makapag ayos ng mukha.

Nang makapasok ako sa cr, may nakita akong babae na brown ang wavy nitong buhok, may cat-framed na glasses at tsaka bilugan ang blue nitong mga mata. Her pink lips were super plump, matangad rin ito at maputi na binagayan ng suot niyang maitim na off shoulder tight cocktail dress at black stilleto.

Damn! She's gorgeous!

Pumunta na ako sa mirror at inayos na ang magulo kong buhok at nag apply muli ng lipstick.

Pero parang hindi ako makaayos ng mukha ko ng matiwasay. Bakit kaya panay ang tingin niya sa akin?

"May I help you miss?" Tanong ko sa kaniya. She looked surprise kaya napatawa siya at umiling. " Sorry, I was just looking at your lipstick. Gucci, nice!" Sabi niya with a shockingly fluent british accent.

"Oh, yeah gucci". Mali pala hinala ko, akala ko pa naman may crush toh sakin. Tumawa nalang ako sa naisip ko.

Pero tangena ang gandang babae nito. Kaano ano kaya niya si Zoya o si Mr. Salvacion?. " Are you a friend of Zoya?". She looked at me amused. " Ah yes, Zoya, well you could say we're close in a certain way." She laughed.

"I'm Inejera Herrera, a friend of Zoya as well" inilahad ko sa kaniya ang kamay ko. She delicately placed her perfectly manicured hand in mine. " Yvaine Natasha Romanoff, a pleasure Ms. Inejera" sabi niya.

Damn! Even her name sounds sophisticated.

"I assume you're from England?" tumango naman siya. "Yes, we just got here a week ago" sabi naman niya.

"Well, it was nice chatting with you Nej but I have to go. Uncle might be looking for me." sabi niya at dali daling umalis ng cr.

She felt familiar though. Parang nakita ko na siya noon pero hindi ko alam kung saan.

Shrugging off these thoughts. I went outside the bathroom and saw Yvaine talking with Alek. Magkakilala yata sila.

On the other hand...... Where the heck is Rai?! Akala ko ba pupunta siya dito.

Tinext ko naman siya kung tutuloy pa ba o hindi na. I sighed.

Maybe she changed her mind not wanting to anger her parents even more. She has always been a good daughter so no wonder hindi na talaga siya sumipot.

Tiningnan ko ulit si Yvaine habang kausap pa rin si Alek. She's so intriguing.

Nang makaupo ako sa table namin ng mga kaklase ko, binigyan ako ni Zoya ng isang slice ng cake habang umiinom na lamang ako ng juice.

And during the whole night, me and Zoya bonded together until I received a text.

From: Rai
I was here.
***

The Girl Who Never Understood LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon