Messenger
Coach Dalton
March 22, 2016 at 12:03 PMCoach:
hi Emery, tapos ka na ba makipag-usap kay Coach Sarah? Kumain ka na ng lunch, sabayan mo si Noah dito sa room niya.
ayaw kasi niyang kumain hanggat wala ka pa roon. Saka magtatampo iyon pag hindi mo sinamahan, ikaw pa naman daw mismo nagsabi sa pamilya niya na ikaw ang magbabantay at mag-aalaga sa kaniya
uwi ka na pagkatapos mo nyan ha
kawawa naman si Noah dito hays :(
Alleirbag Yreme:
coach, guilt tripping ba yan haha
Coach:
#traitor
Alleirbag Yreme:
grabe hahaha ikaw ba to coach? Naninibago ako sa typings mo kasi di na pogi typings hahaha
oh baka naman exclusive lang yung pogi typings now for Coach Sarah :)
Coach:
kailan pa nakakapogi ang maayos ang typings ha Emery?
Alleirbag Yreme:
hala sorry po hahaha omg nakakapanibago ka talaga Coach, lasing ka ba?
char
wait kakakain ko lang po sa baba pero babalik ako sa room ni Noah para hatiran sya ng pagkain
baka kasi magrereklamo na naman yun sa puro gulay na ulam
nakakahiya naman sa boss...y
Coach:
reklmador ka dyan
sinungaling ka talaga Emery, lahat talaga ng pagsisinungaling kaya mong sabihin para sa kapatid ni Noah
Alleirbag Yreme:
Noah? Ikaw ba to?
Coach:
oo!!! bakit!!
galit ako!!!
Alleirbag Yreme:
anong pagsisinungaling ang sinasabi mo?
Coach:
you!!
taking care of me!!
nagsinungaling ka!!
Alleirbag Yreme:
huh?
Coach:
sinasabi mo lang kay Kuya ko na aalagaan at babantayan mo ako pero hindi mo naman ginagawa
in short sinasabi mo lang yun para kunwari dagdag points kay Kuya Nolan
tsk
Alleirbag Yreme:
tanga ka ba
inalagaan kita, ako pa nga nagbantay sayo simula kaninang alas kwatro kahit minsan hinahawi mo palayo kamay ko pag hinahawakan ko ang noo at leeg mo
plus yung pagpapakain ko sayo, bulag ka ba?
o na-overdose ka na sa mga gamot na ininom mo? Sabihin mo lang, pasasakitin ko lalo ulo mo
Coach:
ang sabihin mo gusto mo lang akong alagaan pa, papa-overdose na ba ako?
jk
Alleirbag Yreme:
hindi talaga kita ma-gets
Coach:
I'm sorry.
Alleirbag Yreme:
I don't know what you're apologizing for.Magpahinga ka na dyan, aakyat nako pagkatapos ko magpatuyo ng buhok
and please eat. Wag kang OA, hindi ako kutsara mo para hindi ka makakakain pag wala ako
Coach:
ikaw nga kutsara ko
pasubo
#jokeonly
Alleirbag Yreme:
sakalin kita
#notajoke
Coach:
halika na dito :)
Alleirbag Yreme:
don't smile, you've been creeping me ou
Coach:
ikaw din naman ah, yung paghawak mo sa leeg ko kanina parang iba na yun hmm
Alleirbag Yreme:
seriously?
Coach:
oo nga, parang gusto mo akong sakalin talaga :(
Alleirbag Yreme:
:)
Coach:
:)
Alleirbag Yreme:
don't smile
Coach:
I can't stop it :)
pero anyways, thank you, Emery.
for taking care of me :)
Alleirbag Yreme:
ulitin mo, yung wala ng ganyang smiley face
Coach:
for taking care of me😠
Alleirbag Yreme:
🙄