Messenger
Nolan Rafael Brooks
March 08, 2016 at 4:32 PMAlleirbag Yreme:
hi nolan
uwi ka na? sabay tayo since maaga natapos class namin hehe
Nolan Rafael:
Gab?
Alleirbag Yreme:
hala sorry hindi ko nasabi sayo na nagpalit ako ng pangalan sa fb
trendy kasi yung pinagbabaliktad yung name, sinubukan ko lang hahaha
Nolan Rafael:
oh, akala ko kung sino na
are you done with your training?
Alleirbag Yreme:
opo, kanina lang :))
Nolan Rafael:
that's good, magkasama ba kayo ni Noah?
Alleirbag Yreme:
uhh hindi ko na sya nahintay na magbihis, ang bagal kasi kumilos ng kapatid mo, tsaka kaya naman non mag-commute for sure, hindi mo na yun kailangang sunduin Nolan
narinig ko rin kanina na plano nilang magpunta sa billiaran maya-maya kaya baka di pa yun uuwi agad
Nolan Rafael:
si Noah talaga hindi ko na alam kung saan nya mas gusto, kung sa swimming ba o sa pagbi-billiard
Alleirbag Yreme:
baka sa pagbibilliard Nolan, maraming babae don
Nolan Rafael:
haha I can see Noah's not that fond of girls
but I can sense he is to you
Alleirbag Yreme:
huh?
Nolan Rafael:
kidding aside
pero pasensya ka na Gab hindi kita masasabayan sa pag-uwi, may biglang pinautos sakin si Tito at kailangan kong puntahan sya agad
what about next time? Let's eat too?
Alleirbag Yreme:
ahh ayos lang!
sige next time na lang, hihintayin ko yung next time :))
Nolan Rafael:
thanks, Gab
isama natin si Noah sa susunod
Alleirbag Yreme:
ayy
bakit naman?
Nolan Rafael:
ayaw mo ba?
Alleirbag Yreme:
syempre
syempre gusto ko hahaha sige sama natin pero fake news yung sinasabi mong hindi sya mahilig sa babae, eh ang dami dami ngang nanonood sa kaniya pag nagte-train kami, kulang nalang madala na nya lahat ng babae sa school doon
may pakindat-kindat pa ang kapatid mo Nolan! Pinapaasa nya ang mga babae tsk
hindi tulad sayo na hindi na lang pinapansin
pati ako hindi na rin
delivered
Nolan?
bat nag-off ka bigla hays sige na nga
ingat ka :))