Pang-sampung Kabanata

22 4 4
                                    

________________________________________________________________________

NOTE: This Kabanata is longer compared to the other Kabanatas...
Happy Reading Skies and Audreys! 💛

October 16
• Audrey's birthday.
_______________________________________________________________________

Gumising ako nang 11 AM, medyo late na dahil hindi ako makatulog kakaisip sa lalaking nakita ko 3 days ago sa hotel, kamukhang kamukha niya talaga si Sky. Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko ngunit isinantabi ko na lang dahil sa wakas... birthday ko na!

After kong nagmorning routine, kahit tanghali na... Bumaba ako sa hagdan, nakita ko si Daddy na nakaupo sa sala, watching news. Si Mommy naman na nagluluto ng tanghalian as usual, she's cooking Creamy Mushroom Beef... based from my smell senses! OMG! That's one of my favorite, duo sila ng BeefSteak!

Nakita na ako ni Daddy na bumaba kaya nilapitan niya na ako, he kissed my forehead and hugged me tight. Eto gusto ko madalas, hugs. Even simple hugs can make your feeling better.

"Happiest birthday, Rein..." bati niya sa akin ng malambing kaya nginitian ko siya..

"Thank you Daddy, I love you.." pagpapasalamat ko saka ko siya hinalikan sa pisngi..

"I love you more..." tumawa ako at nginitian siya. Nilapitan ko na ang mommy ko na nagluluto sa kusina.

Lumingon naman si Mommy sa akin, sumayaw sayaw siya at nagkanta ng happy birthday song. Natatawa nalang ako kasi napakaenergetic nang mommy ko, nakakahawa ang sayang nararamdaman niya.
Ngumiti rin naman siya saakin at natatawa na rin. Niyakap niya ako at hinalikan ko rin siya sa pisngi.

"Happy birthday, Anak!" bati niya saakin habang hinahaplos ang buhok ko..

"Maraming salamat, Mommy" pagthank you ko sa kaniya at tinignan siya. Lumapit rin sa amin si Daddy at niyakap kami...

"Dalaga na ang anak natin, hon.." sabi naman ni Mommy kaya natawa ako, ayan nanaman siya..

"Kaya nga hon, baby natin lumalaki na.." ginulo gulo naman ni Daddy ang buhok ko kaya mahina ko siyang hinampas sa kamay..

"Dad naman!" napatawa tuloy sila ni Mommy habang inaayos ko ang buhok ko.

"May nanliligaw na niyan ang dalaga natin.." sabi ni Mommy kaya napalingon ako sakanya.

"Oo nga pala, anak... Makakapunta ba si Sky, na manliligaw mo?" pang-aasar ni Daddy saakin, na ikinatawa ko naman.

"Dad, friend ko lang nga po si Sky.. nakakalungkot nga po hindi raw siya makakapunta eh... may out of town daw po sila ng family niya ngayon." malungkot kong sabi.

"Hayaan mo na, Anak... Smile ka na, birthday mo ngayon! Another year of celebration!" wika ni Mommy kaya napangiti na rin ako.

"Halika na't kumain na tayo, para makapaghanda ka na para sa birthday mo mamaya.." sabi ni Daddy.

Nagdasal muna kami bago kumain ng lunch. At after naming kumain, nagligpit na rin si Mommy, for today siya naman ang naghugas ng mga plato. I went upstairs para magpahinga muna, at maligo na, chinat ko na rin ang mga kaibigan ko. I told them na 5 pm magiistart ang birthday rito. They agreed naman, may mga bumati na rin sa akin na teachers, schoolmates, at classmates ko sa school.. Nagpost kasi ako ng Bookface story ng selfie ko kagabi saktong 12 ng madaling araw.

Nagtataka nga ako rito kay Sky dahil simula nang makita ko ang lalaking iyon sa hotel ang siya namang hindi pagpaparamdam ng kaibigan ko. Ichachat ko na sana siya kaya lang naisip ko na huwag nalang dahil baka makaistorbo ako sakaniya sa pagbobonding nila ng family niya somewhere.

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon