_______________________________________________________________________
Video: Paraluman by Adie (Offcicial Audio)Disclaimer: Do not steal the song or video, there's just a part in this Kabanata that will content this.
NOTE: Please, huwag muna iplay ang video, may sign sa Kabanata na this song will be played or be sang.
_______________________________________________________________________Nakatulog na pala ako sa kakagawa ko ng schoolworks ko, pagtingin ko sa orasan, 9:15 PM na pala ng gabi.
Monday ngayon kaya may work si Dad, 10 PM palang ang pasok niya at uuwi nang mga 7 AM, or also known as Night shift.
Bumaba ako para pumunta sa kusina, naabutan ko si Dad na nagpapack ng kanyang kakainin para hindi siya magugutom mamaya sa work niya. Tinulungan ko siya ngunit sabi niya huwag na raw dahil kaya naman daw niya.
Nakaayos na si Dad ng kanyang uniform at necktie at amoy na amoy ko pa ang perfume niya, nagpaalam na siya saakin dahil oras na raw. Tinanong ko pa nasaan si Mom, sabi naman niya natutulog na siya sa kanilang kwarto kaya hindi ko na siya inistorbo pa.
My dad kissed me on the forehead and caressed my hair softly as I hug him. Then I kissed him on the cheek.
"Mag-iingat po kayo roon, Dad, I love you!" sabi ko habang kayakap ko siya.
"Salamat Rein, I love you too, anak... yung pinto at gate, ilock mo ha." bilin niya pa saakin.
"Yes po, nasa labas naman po si Rage, nagbabantay." nginitian ko siya at binitawan niya na ako.
Naglakad na siya papunta sa kanyang sasakyan, since nasa labas na pala ito kanina pa.
Kumaway na ako nang nagpaalam sakanya habang umalis na siya papunta sa trabaho. Nilock ko na ang gate para sigurado.Pumasok na ako sa loob, kumuha ako ng bowl. Late na rin kasi kaya magcecereal nalang ako as dinner. Nilagyan ko muna ng cereal yung bowl katapos ng gatas na malamig, kumuha na rin ako ng kutsara at baso ng tubig, nilagay ko sa tray para hindi manga-tapon. Katapos, umakyat na ako pabalik sa kwarto ko.
Nanood lang ako ng K-Drama series sa Ipad ko habang kumakain ako ng cereal. Ang puputi at sing-papayat nang mga Koreana, naisip ko, kung tumira rin kaya ako sa Korea magiging ganyan rin ba ako kaputi at payat?
Pinatay ko na ang Ipad ko dahil tapos na ako kumain, bumaba ulit ako para hugasin ang pinagkainan ko. Pumunta na rin ako sa CR para maghilamos at magtoothbrush.
Kabalik ko sa itaas, pumasok na ulit ako sa kwarto ko. Narinig ko yung cellphone ko na tunog nang tunog, nakita ko na si Sky pala yun na chat ng chat saakin.
Sky messaged you:
Reinnnnnn
Audreyyyyyy
Gandaaaaaa
MalagoooooWhat? What's that word? "Malago?" Yun ba yung sa mga halaman? Like lumalago?
Nagreply naman ako dahil nakaapat na siyang chats saakin.
Audrey replied:
Ano yung "malago"?Sky replied:
"Malago" means ang pangit mo, bleh! HahahahaNangaasar pa ito huh!
Audrey replied:
Mahiya ka naman sa mukha mo, sinasabihan mong pangit ako, tumingin ka na ba sa salamin at nakita mong mas pangit ka? HahahahaSineen niya lang ako, aba himala! Hindi gumanti, yes ako panalo!
Wala pa mang isang minuto tumatawag naman siya ngayon! Video call pa huh! Kinuha ko muna yung airpods ko bago ko sinagot ang tawag, baka magingay pa ako kung nakaspeaker mode eh..
![](https://img.wattpad.com/cover/298323476-288-k360125.jpg)
BINABASA MO ANG
Promises
Teen FictionThere is a saying: "Promises are meant to be broken." Can we still believe on people who keep their promises? Audrey is a very simple and passionate girl. Ever since she was little, she dreamt of being a great doctor someday. She loves her family...