04

87 7 0
                                    


Katatapos ko lang kumain ng umagahan kasabay si Papa dahil maaga umalis si Tita Mercy para tignan ang shop dahil hindi nga sila nakapagbukas kahapon.

Medyo bumuti na ang pakiramdam ni Papa ngayong umaga kaya iniwan na muna siya saglit ni Tita. Pero ganon pa man ay pinainom ko pa rin siya ng gamot para mas gumaan ang pakiramdam niya.

Maaga akong gumising para makapaghanda ng almusal namin at para hindi din ako ma-late dahil mahirap na. Ayoko na ulit mangyari ang kahapon na parusa sakin ng Prof namin.

Papasok na ulit si Jonah ngayon. Naka-receive ulit ako ng message sa kanya kagabi na maaga saw siyang papasok dahil may kukwento daw siya about sa stylist nila kahapon na pogi kaso medyo may pagkapaminta daw.

Ang babaeng 'yon talaga ang daming napapansin.

"Mag-iingat ka," Bilin sa akin ni Papa ng nagpaalam na 'ko para pumasok.

Nag-commute lang ulit ako dahil umaga naman. Pumara ako ng jeep at pumasok na. Ganon lang naman ang routine ko tuwing umaga.

Maaga pa 'kong nakapasok at may almost 20 minutes pa bago ang unang klase namin. Hindi na ako nagtaka ng maabutan si Jonah sa upuan niya pagkapasok ko ng room namin.

Agad naman siyang tumakbo patungo sa gawi ko at mahigpit akong niyakap. Muntikan pa kaming mabuwal sa pwesto namin dahil sa kalikutan niya.

"I missed you!" Malakas na sabi niya.

"Nagbabagong-buhay ka na talaga," Pang-aasar ko sa kanya.

"Hoy hindi mo manlang ba 'ko na na-miss?" Sabi niya habang sinusundan ang lakad ko papunta sa upuan ko.

"Hindi," Tipid kong sagot.

Gusto kong matawa sa itsura niya ng sinabi ko 'yon. Napaka-isip bata.

"Ikaw nga lang ang sana isip ko habang nagsusukat kami ng mga gowns,"

I looked at her disgustingly, alam niya namang hindi ako mahilig sa ganon. Bakit niya pa 'ko maiisip.

Siya naman ang natawa sa naging reaksyon ko.

"Eh kasi naman, naiisip ko ang magiging itsura mo kung halimbawa na magsusuot ka ng gown." She said chuckling.

"Hindi ako magsusuot 'non, never."

Hindi naman talaga nagsusuot ng mga ganong damit. Ayoko lang, hindi ako kumportable. Kaya nung mag debut ako last year ay pinilit ko nalang sila Papa na 'wag ng mag handa ng malaking okasyon dahil ganon ang gusto nila para sa akin. May sapat naman daw na pera para doon pero hindi pa din ako pumayag kahit anong pamimilit nila, kesyo isang beses lang naman daw. Magsasayang lang sila ng pera, pwede namang maghanda nalang kahit kaunti 'wag na yung ganon.

Wala rin namang magiging bisita dahil si Jonah lang naman ang kaibigan ko. At hindi naman kami close ng mga kamag-anak namin. Para saan pa? Eh 'di kami lang din ang nandun.

Pagkarating ng Prof namin ay agad din na nagsimula ang klase. Nakita kong tinignan pa nito ang pwesto ko, sinisigurado siguro kung nakapasok ako ng hindi late. Napairap nalang ako sa loob loob ko. Balak niya na naman ba 'kong pahirapan?

Yung gawain niya, sa'kin niya pa pinagawa.

Kinwento ko 'yon kay Jonah ng magkaroon kami ng saglit na break.

"Oh talaga? Edi hapon ka na talaga nakauwe?" Tawa niya.

"Obviously, halos dilim na nga ng makalabas ako sa department."

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon pati ang mga nasabi ko kay Palvin. Hindi ko alam, pero parang na g-guilty ata 'ko.

Hindi dapat.

The Rhythm Of Us (Telepaty Series #1)Where stories live. Discover now