03

87 6 0
                                    

"Ano sa palagay mo? Sila kaya?" 

Napabuntong hininga nalang ako sa tanong ni Jonah habang nagmamaneho siya para ihatid ako sa amin.

Pagkalabas niya kanina sa convenience store ay nagyaya na rin akong umuwe.

Kinwento ko naman sa kanya na nagkita kami nila Lesha sa labas at kasama si Palvin. Sayang nga daw at hindi niya naabutan. Gusto niya pa naman daw makita si Palvin dahil ang pogi daw nito, kaya naikwento ko din ang pagkapit ni Lesha sa braso nito. Kaya tinatanong niya ngayon kung sila daw ba kaya?

"Maraming rumors sa kanila kaya dati, hindi mo ba alam?" Tanong niya ulet.

"Wala akong alam Jonah."

"Sabagay ngayon mo lang naman sila nameet, kadalasan kasi nating nakikita si Tyra lang diba?"

Tumango nalang ako dahil wala akong gana makipag-kuwentuhan sa kanya ngayon. Gusto magpahinga at matulog.

Medyo madilim na rin ng mahatid ako ni Jonah, kaya pagkarating ko ay nandun na sila Papa at naghahain na para sa hapunan namin.

"Kamusta ang lakad n'yo?" Tanong ni Tita Mercy.

"Ayos naman 'ta." Tipid akong sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.

After we ate dinner ay nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na ako para matulog.

"Ayos ka lang ba Rice?" Pahabol na tanong ni Papa bago ako umakyat sa kwarto ko.

"Ha ayos naman po, bakit?"

"Wala sige napansin ko lang parang tahimik ka, good night."

Tumango na lang ako at umakyat na sa kwarto ko para maglinis ng katawan.

Habang nakahiga ako ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa labas ng convenience store. Hindi ko alam bakit pinagkakaisip ko 'yon kahit hindi naman dapat.

Tuwing magkikita ba kami ay tatawagin niya akong "friend"?

Nahihiya ako kapag naiisip 'yon. Alam ko namang mali talaga at hindi naman niya na 'yon kailangang paulit-ulitin sa harap ko.

Buti hindi na tinanong ni Lesha kung bakit ganon ang sinabi ni Palvin. First of all hindi naman kami close, at nakita naman nilang hindi kami nag usap nun kagabi sa birthday ni Tyra. Kaya buti hindi nalang niya tinanong.

Siguro wala lang sa kanya 'yon. Pero sakin kasi meron. Ayoko ng ganon ang pag akto sa akin. Parang nahihiya ako. Hindi ako kumportable.

Ewan.

Siguro pagod lang din talaga ako, kaya naiisip ko 'yon. 'Di bale sa susunod na magkikita kami non, hindi na ako magpapa-apekto kung aasarin niya man ako.

Teka bakit parang gusto kong magkita ulet kami.

Ano bang nangyayari sakin?

Pagod nga lang siguro 'to.

Yes tama, maybe i'm just tired today.

Napailing nalang ako sa sarili ko at pinilit ang sarili kong makatulog dahil magsisimba kami bukas ng maaga nila Papa.

Hindi kami every Sunday nagsisimba. Basta kapag free sila at mukhang tanghali naman na sila magbubukas bukas ng shop kaya makakapagsimba kami.

Katulad nga ng sinabi ko ay nagsimba kami kinabukasan at kumain lang sa labas ng mga tanghali na. Ganon lang minsan ang aming gawi nila Papa kapag libre ang oras nila.

Pumunta na rin sila sa shop ng bandang mga alas tres ng hapon. At ako ay naiwan muli sa bahay, gusto ko sanang tulungan sila doon dahil wala din naman akong gagawin sa bahay. Isa pa ay natapos ko na din naman ang mga kailangan kong tapusin kagaya ng mga school works ko kahapon.

The Rhythm Of Us (Telepaty Series #1)Where stories live. Discover now