01

119 9 2
                                    

"Tsk, nakakatamad nga Jonah." I scratched my nape while glaring at Jonah.

"Hindi naman makapal eh! Saka ako naman maglalagay sayo at hindi ikaw."

Napahilamos ako sa mukha ko.

Kailangan ba kasi talagang maglagay ng make up na yon? Kahit manipis o makapal yan, make up pa rin yon. Hindi naman ako mahilig sa ganon eh. Pulbo lang ayos na sakin. Ang kaso itong isang 'to pinipilit na mag liptint din daw ako. Teka mukha niya ba 'to?

Mas gusto ko kasi yung walang ganong kulorete sa mukha. Maayos naman ang mukha ko eh, hindi ko na kailangan ng mga ganon. Hindi naman sa nag iinarte lang ako, pero ayoko lang talaga. Nagpapalagay lang ako ng mga ganon kapag may mga mahahalagang okasyon. Eh ano namang mahalaga ngayon?

Pupunta lang naman kami sa birthday nung kasamahan namin sa volleyball dati. Ayoko nga sana kaso nakakahiya naman dun kay Tyra dahil talagang sinadya ako sa bahay namin kahapon para lang makapunta ako. Hindi naman kami sobrang close nun, maganda lang talaga yung naging samahan namin noon sa volleyball game nung mga panahong naglalaro pa 'ko.

"Isa, babaliin ko 'yang kamay mo Jonah!" Reklamo ko.

Lalagyan nya na sana ako nung foundation na yon, kaya pinigilan ko agad sya. Wala naman akong problema doon eh. Basta ayoko lang.

"Bahala ka nga." Tatawa tawang aniya.

I sighed while watching her fixing her make up kit. Mabuti naman at tinantanan na 'ko.

Katatapos lang ng huling klase namin at dumiretso na kami dito sa bahay nila, para magbihis at makapunta na doon sa birthday ni Tyra. To be honest i'm really tired right now because of our acads a while ago. Ayoko lang talagang i ditch yung party ni Tyra, dahil nakakahiya talaga yun kasi aasahan nya daw ako.

Before we go to the party, i sent a message to Papa.

Me:
Pa, papunta na kami dun sa party. Uwe ako bago mag 10 siguro.

After i send it to him, tinabi ko na ang cellphone ko at sumakay na sa sasakyan ni Jonah. Hindi naman mahigpit si Papa sa akin. Sa totoo nga lang ay gusto nya pang gumagala ako minsan para daw naman may break din ako sa pag aaral.

Hindi sya nagrereply, siguro ay busy 'yon sa shop. He's handling our Vodka Store with my step mother. At wala naman akong reklamo doon dahil hindi naman masama ang ugali ni Tita Mercy. Mabuti nga yon eh dahil tinutulungan nya si Papa sa naiwang negosyo nila noon ni Mama. Isa pa, maayos din naman ang pakikitungo nya sa akin at pangalawa ay masaya naman si Papa doon kaya wala talagang problema.

Pagkarating namin sa bahay nila Tyra ay ipinark agad ni Jonah ang sasakyan nya. Well hindi naman talaga kanya yon dahil hiniram nya lang yun sa mama nya.

"Mukang maraming tao 'no?" I asked Jonah while looking outside the car.

Madami kasi akong nakitang mga sasakyan at mga tao sa loob ng malaking gate nila.

"Syempre si Tyra 'yan, eh." Jonah chuckled.

"Pati balita ko nandito din daw yung mga kabanda nya, kaya siguro madaming pumunta... magaling 'yung mga yun!" She giggled.

I shrugged. Kaya pala.

Nabalitaan ko rin kasing may banda nga si Tyra. Pero hindi naman ako interasado doon. Naririnig ko lang usap usapan minsan sa school. Dahil may kasikatan daw talaga ang mga yon. At mahusay talaga sa pagtugtog.

"Tara na..." Pagyaya sa akin ni Jonah. Nagpatangay nalang ako sa kanya.

Napangiti ako ng bahagya ng makita ko ang pagkapit nya sa braso ko.

The Rhythm Of Us (Telepaty Series #1)Where stories live. Discover now