02

97 5 0
                                    


After last night, hindi na maalis sa isip ko ang pangyayaring 'yon.

Naguluhan ako kung bakit sya umakto ng ganon. At hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ganon din ang pag akto ko sa harap nya. Bakit kailangan kinakabahan ako? Bakit kailangan akong mataranta sa harap ng lalaking 'yon.

I never felt this way before.

Ang dami ko namang nakakasalamuha na mga lalaki, wala naman akong nararamdaman na ganon. I met guys in school, sa classroom namin ang daming nangungulit sakin at wala naman akong nararamdaman na mga kung ano ano. Even though nung nasa volleyball pa 'ko ang daming nagagalingan sakin sa mga games at hinahayaan ko lang 'yon. Wala akong pinapansin at iniisip na ganito.

Huminga ako ng malalim para ikalma ang isipan ko. Simula pag gising ko ngayong umaga, ay hindi na 'ko nilubayan ng isip ko.

Mabuti nalang at sabado ngayon, dahil wala kaming pasok. Kung hindi siguradong late na 'ko dahil sa pagtulala ko dito.

Oo nakatulala lang ako habang inaalala ang nangyari kagabi sa birthday party ni Tyra.

Pag katapos ko kausapin si papa sa telepono kagabi ay bumalik na 'ko sa pwesto namin.

"Saan ka galing?" Antok na tanong ni Jonah sa akin pag-kaupo ko.

She really looks wasted.

Paano kami uuwe nito?

"Kinausap lang si Papa." I showed her my phone para magets nya.

I saw her brows furrowed.

"We?" She asked.

"Anong we?"

Rinig kong sabat ni Terrence sa tabi.

"Lasing na yan?" Tanong nya.

I smirked.

"Akala ko kasama mo yon!" Sigaw ni Jonah.

Napatingin naman ako sa tinuro nya.

My eyes winded when i saw Palvin staring at us.

"Pinagsasabi mo?" Kabadong tanong ko.

"Ha? E parehash kashi kayong nawala dito." Jonah mumbled.

I closed my eyes tightly. Napakaingay naman ng babaeng 'to. Alangan namang sabihin ko na pumunta rin kasi sya doon dahil kinuha yung guitar case at sinabi ko kay papa na friend ko sya ganon ba?

Buong gabi ay hindi ako makatingin sa gawi nila Terrence dahil katabi nya si Palvin. Hindi ko alam. Hindi lang ako mapakali. Kahit kinakausap na ako nila Lesha ay sa una lang ako nakatingin, titingin man ako ay saglit lang at iiwas agad. Ayoko talaga ng napapahiya.

Kalaunan ay tumigil na si Jonah ng inom kaya nakatulog na sya sa tabi. Si Lesha lang ang kausap ko buong gabi haggang sa nagkayayaan na ng uwe. Agad kong ginising si Jonah at buti naman hindi ako nito pinahirapan.

"Sigurado ka bang kaya mo mag-drive?" Tanong ko sa kanya ng nagpaalam na kami kila Tyra.

Konti nalang ang mga tao dahil karamihan sa mga ito ay nakauwe na.

"Oo nga, wag ka mag-alala." Mahinang sabi nya.

Alam kong medyo nahihilo pa sya pero may tiwala naman ako sa babaeng 'to. Sasabihin nya naman kapag hindi nya kaya.

"Pauwe na kayo?" I heard Terrence voice.

I smiled a bit and nodded. Nakita kong kasama nya din pala si Palvin na inaayos ang helmet na suot. Siguradong sabay sila uuwe.

"Kaya nya ba mag-drive?" Tanong ni Terrence.

"Kaya ko!" Jonah answered.

Maayos naman na syang tignan hindi katulad kanina. Kaya alam kong kaya nya na din.

The Rhythm Of Us (Telepaty Series #1)Where stories live. Discover now