Rampant 18

10 1 0
                                    


Naipasa ko na ang test paper ko, finals na namin sa subject na ito. Minor kaya sabi niya maaga raw siyang magbibigay ng exam para hindi na siya sasabay sa mga major subjects namin.

Hindi ko kaklase 'yung tatlong itlog dito kaya uuwi na ako nang mag-isa kaso nang matagpuan ko ang mga mata niya paliko sa sakayan ay binilisan ko ang lakad para hindi niya ako abutan.

"Ruth." Tawag niya pero hindi ko pinansin.

Mas binilisan ko pa, naramdaman ko ang pagpigil niya sa braso ko.

"Ayaw kitang kausap." Mabilis ko nang pag-amin para matapos na.

Nakita ko ang irita sa mukha niya kaya mas nainis ako, wala siyang karapatan na gumanyan!

Huminga siya nang malalim, inalis ko ang hawak niya sa akin.

"Are you uncomfortable parin for my sudden confession?" He asked. Naningkit ang mga mata ko at handa nang sumabog.

"Bobo. Alam mo bang matagal kong inantay na kausapin mo ako uli regarding sa pag-amin mo? Inisip ko pang baka prank lang 'yon o ano dahil wala kang kahit na anong paramdam matapos 'yon!" Hiningal ako sa galit o sa bilis kong mag salita ay hindi ko na alam.

"Akala ko pa busy kang shuta ko tapos makikita kita kasama si Adelyn? Bakit pinag-usapan niyo nanaman ba kung paano niyo ako lolokohin at pagtatawanan? Sasabihin mo na ba sa kanya na totoong uto-uto ako dahil naniwala ako sayo-"

"The fuck! Anong pinagsasabi mo?" Gulo niyang tanong, kunot noo at parang ako nanaman ang pinaka tangang nakita niya sa buong mundo!

Ah basta, hindi ako mahihiya. Naiinis parin ako sa kanya!

"Bakit ka namin lolokohin? Bakit ko gagawin sayo 'yon?" Mahinahon niyang tanong matapos ang ilang segundong titigan naming dalawa habang parehas na kunot ang noo.

"Kasi alam ko. Nangyari na 'to-" ako na mismo ang pumutol, muli niyang hinawakan ang braso ko pero winaksi ko iyon.

"Uuwi na ako." Ani ko at tumalikod na.

"Hatid kita." Aya niya at nagpunta sa harap ko.

"Ayoko." Tipid kong sagot at sumakay na sa jeep.

Swerte at agad na umalis ang jeep na sinakyan ko kahit na hindi pa puno. Hindi ko na siya nilingon pa.

Pinakiramdaman ko ang sarili, ayaw ko na sa kanya.

Ayaw kong magkaroon ng kahit na anong klaseng koneksyon sa isang taong may koneksyon sa babaeng 'yon.

Pag-uwi, nakita kong tambak ang mga ginagawa ni Ate kaya naman ako na ang nagluto ng kanin namin.

"Bibili na lang ako ng ulam sa may labas, hindi na ako makakapagluto." Aniya habang hawak si Rozayla at nagsusulat sa yellow pad niya.

"Ako na." Ani ko.

Matapos kong magluto, kumain at mag hugas ng pinagkainan pumasok na ako sa kwarto.

"Ate, patulugin mo na si Rozayla tapos ako na ang bahala sa kanya sa kwarto." Inform ko.

Nakisama naman si Rozayla dahil agad siyang nakatulog kaya nakapag review ako, wala na rin akong kailangan gawin matapos dahil tatabihan ko na lang siya sa pagtulog. Mukhang hindi na makakatulog si Ate sa dami ng ginagawa e.

"Tawagin mo ako kapag umiyak." Bilin pa niya na tinanguan ko na lang.

"Salamat, Ruth." Huli niyang saad tapos ay lumbas na.

Nakaidlip ako habang nag rereview kaya naman pag gising ay nakaramdam ng uhaw, lumabas ako ng kwarto pero natigil rin.

"Totoo nga, si Ruth ang nagluto ng lahat. Ang bait niya ngayon." Boses ni Ate Rosaine.

"Baka may kailangan." Si Kuya Rome.

Sinara ko ang pinto ng kwarto at nahiga sa kama. Aantayin ko na lang na pumasok si Kuya Rome sa kwarto niya bago ako lalabas para uminom ng tubig.

Pinagmasdan ko si Rozayla na payapang tulog sa gitnang bahagi ng kama at napapalibutan ng unan.

"Sarap maging baby. Kain at tulog." Nakangisi kong saad sabay halik sa noo niya.

Kinabukasan ay agad kong narinig ang boses nila Grayson, papunta na kasi kami sa building ng nga BA drawing kaya maingay.

Wala na kaming final examination sa subject na 'yon kaya masaya ang lahat, final project na lang na collaboration nga sa mga students from BA drawing.

First subject pa talaga ngayon! Umagang kay ganda.

Muli kong iniwasang mapadpad kung nasaan si Adelyn Isla kahit na kitang kita kong ilan sa mga classmates ko ang naroon sa banda nila dahil maganda ang lighting tuwing ganitong umaga.

Matiyaga akong kumuha ng litrato sa harap at sa bandang gilid ng classroom malayo sa kanya.

Marami na akong kuha kaya naman binaba ko na ang camera, medyo nakakapagod din. Sila Carter ay masayang nagtatawanan sa tabi ko. Akala mo mga tapos na e puro daldal lang ang ginawa dahil walang prof.

Hindi naman sila isusumbong ng mga BA drawing dahil kasundo nila ang mga 'to.

"Hoy gago." Tawag ni Mateo sa akin pero agad akong lumayo sa kanya dahil may hawak siyang washable paint. Alam ko na ang gusto niyang gawin dahil nakita kong inaalis ni Carter ang paint sa mukha niya sa may gilid.

"Tigilan mo ako, Mateo." Banta ko na sa kanya sabay layo.

"Ay!" Tili ng isang babae kaya napalingon ako sa likod.

Agad na nawalan ng emosyon ang mukha ko matapos kong makita na nahulog ang mga paint brush ni Adelyn dahil naatrasan ko.

Nasalo niya ang isang paint na nakabukas kaya bahagyang nalagyan ang dalawa niyang kamay.

"Ay sorry." Agad na saad ni Mateo at nilagay ako sa likod niya.

"Nilalagyan ko kasi siya ng ganito kaya siya umatras." Ani uli ni Mateo at pinakita ang paint na hawak niya at nag pulot ng mga brushes.

"Ayos ka lang?" Tanong ng isang babae kay Adelyn Isla kaya napatingin ako sa kanya. Tumalsik pala ng bahagya sa mukha niya 'yung paint.

"Nalagyan din ang likod ng palda mo." Imbes na sumagot sa babae, tinignan ako ni Adelyn at sinabi 'yon pero hindi ko siya pinansin.

Wala paring emosyon ang mukha ko, alam ko. Pansin ko rin ang titig ng ilan na parang nag aantay ng gagawin ko.

Lumayo ako sa pwesto nila at nagligpit ng gamit ko, wala namang sinabing time kung kailan kami pwedeng umalis sa building nila, qouta na rin ako sa mga kuha kong litrato kaya ayos na 'to.

Nakita ko ang paglapit ni Grayson sa akin, "Mauna na ako sa canteen."

Paalam ko sabay labas. Ramdam ko parin ang titig ng ilan pero wala akong pakealam dahil wala rin naman silang alam.

Pumasok ako sa canteen, bumili ako ng bottle water at halos maubos ko ang isang bote sa isang inuman lang.

Napaka santita talaga! Nakakainis!

Hobby talaga niyang mag mukhang mabait kahit na demonyo ang pag-uugali!

No wonder, nabilog niya rin ang ulo ni Acetine.














Kumusta? Be safe and healthy, God bless! -Croseng

The Rampant Rose (Rose Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon