Nohemi's POV
Why are you crying again?
Again?
Ilang beses mo na ba ako nakitang umiyak para itanong sa akin 'yan?
Wala kang ideya..
Hindi mabibilang sa mga daliri ang mga araw at gabi ng pangungulila at pagdadalamhating nararanasan ko.
How ironic.
Nasisiguro kong wala namang luhang dumaloy mula sa mga mata ko, pero bakit itinatanong mo sa akin kung bakit ako umiiyak?
The way you look at my eyes, it seems like you have seen my soul.
Nakikita mo ba?
Kung gaano kasabik sa'yo ang puso ko?
Nakikita mo ba ang pagpipigil ko?
Ang pag-aalala at pakiki-usap?
Nakikita mo ba pati ang mga sugat na natamo ko?
Sana makita mo rin, ang pagdurusang nararanasan ko dahil sa pagmamahal ko sa'yo..
Mapanlinlang ang mga mata mo. Gusto kong maniwala na nakikita mo ang laman ng puso ko. Gusto kong maniwala na nag-aalala ka.
Mapanlinlang ang mga mata mo. Ipinapakita sa akin na ako ang nakikita mo. Pinaniniwala na naman ako na baka sakali ngayon, kahit konti, may pag-asa na ako sayo.
Mapanlinlang ang mga mata mo. Pinapaasa na naman ako.
Sinikap kong manatiling nakatingin sa mapang-akit niyang mga mata. Maliban sa gusto kong manatiling nakakatitig sa kanya, gusto ko ring sulitin ang pagkakataong ito na minsan lang mangyari - yung wala siyang ibang nakikita maliban sa akin.
Nasisiguro ko kasi, na sa sandaling umiwas ako, hindi ko alam kung kailan ulit darating ang pagkakataon na 'to.
Sigurado kang gusto mong malaman? Nagitla siya sa naging sagot ko. Wari bang hindi niya intensyong itanong sa akin 'yun at wala siyang ideya sa mga ikinilos niya. Lalo niyang ikinagulat nang agad kong hinawakan ang kanyang pulsuhan nang akmang aalisin niya ang kanyang kamay sa aking mukha. You shouldn't ask things you can't bear to hear the answers, Loki. You shouldn't look at my eyes like that. You shouldn't peek in my soul. Humakbang ako papalapit sa kanya habang hawak pa rin ang pulsuhan niya, sapat na distansya palapit sa mundo niya. Make sure there shouldn't be next time. Once it happen again, you'll regret it.
Ngunit sana pala, hindi ko na sinubukan. Mali na sumilip ako sa mundo niya. I shouldn't crossed that line. I should've stay on my lane. Mapanggayuma ang entrada ng mundo niya. Animo'y punong-puno ng mahika, ineengganyo't kinukumbinsing manatili ka.
Nakakatakot.
I was about to step back when suddenly, he grabbed my waist and pulled me closer to him. Nagugulat akong napahawak sa mga braso niya. Sobrang lapit naming dalawa, pakiramdam ko sa maling kilos ko ay mahahalikan ko siya. Langhap na langhap ko ang pabango niya at maging ang paghinga niya ay nararamdaman ko.
Damn you, Gin.
Why the hell are you doing this?
Paano ako magsisimula?
Kung sa isang hakbang ko palayo sa'yo, hinihila mo ako dalawang hakbang pabalik sa mundo mo?
What do you think you're doing, Mr. Astorga? - maingat kong tanong sa kanya, pigil ang paghinga at pilit nilalabanan ang panghihina.