"STORY" 02

4 0 0
                                    

Binuka ko ang aking mga labi upang magsalita ngunit pinigilan ako ni mama na makapag salita.

"Oh! Andito ka na pala Shreya! Hindi mo sinabi na may guwapo ka palang boyfriend!" Masayang bati ni mama.

"Ikaw ate ah," kanchaw pa ng nakababata kong kapatid.

Ngumiti nalang ako ng pilit at naglakad papunta sa kinaroroonan nila.

"Oh s'ya iho maiwan ko mona kayo, nang kayo'y makapag-usap." Pagpapaalam ni mama, aangal pa sana ang nakababata kong kapatid ngunit pinalakihan s'ya ng mata ni mama na naging dahilan ng pagsama nito.

Ngayon kami nalang dalawa ang natira dito sa sala. Nanatiling tahimik ang kapaligiran ngunit hindi ang aking puso na ngayo'y kumakabog ng malakas.

"Sir," pagtawag ko sakanya.

Ngumiti naman s'ya saakin na nagpagaan ng aking kalooban.

"Bakit ka po nandito?" Tanong ko sakanya.

"Naalala mo ba ang naikwento kong istorya noong mga nakaraang Linggo?" Baling nito sa akin at d'on muli pumasok sa aking isipan ang matagal ng bumabagabag sa'kin.

Bahagya akong nagpatango at napakagat labi nalang dahil sa kabang nalikha saking kalooban at dahil narin  sa mga sumusunod na salitang kanyang bibitawan.

"Ako iyon at ikaw." Tugon n'ya.

Napatingin nalang ako ng nagtataka at naguguluhan sa kanyang mga salita. Ito ba ang dahilan kung gano'n nalamang nya ako titigan sa mga oras na iyon?

Huminga siya ng malalim at tingingnan ako deritso sa mata.

"I get it, you don't remember any single details." Seriyoso n'yang sambit.

Muli s'yang napabuntong hininga at binitiwan ang mga katagang, "gano'n pa man, hindi ko hahayaang ika'y mahiwalay pang muli saakin." Katagang nagpaiba sa takbo ng aking buhay.

Simula nang lubusan ko nang malaman ang tungkol sa mga dati naming buhay ay nasiyahan ako sapagkat natatabunan na ang espasyo sa aking puso na matagal nang kulang.

Nangyari ang lahat na para bang karera sa bilis. Gumising na lang ako na ikakasal na ako sa kanya. Masaya man ay hindi ko paring maiwasang isipin kung sino ang lalaking nabanggit n'ya sa kuwento na naging hadlang sa aming pagmamahalan dati.

At ngayon na tanging kaming dalawa ang natitira  magkasama ay hinakot ko ang buong lakas para masabi ang nagpapagabag sa aking kaloob-looban.

"Hmm...." Sambit n'ya habang pinapaulan ng halik ang aking likod.

Napangiti nalang ako sa kanyang reaksyon, ngayon ang unang gabi namin bilang mag-asawa.

"Woozi----"

"You should start calling me "Hubby" or... Honey" putol n'ya sa'kin at pinagpatuloy ang pagpapaulan sa akin ng halik.

"Haha, oo naman, honey." Sambit ko nang nagpatawa sa aming dalawa.

"Ang saya ko na hanggang sa huli ay naging tayo." Sabi n'ya kasabay ng pagharap ko sakanya.

"Ako rin." Sagot ko saka s'ya hinalikan.

Naging matamis at malumanay ang naging halikan namin hanggang sa humiwalay ang aming mga labi upang makalanghap ng hangin. Pinababa n'ya naman sa aking bandang leeg ang kanyang mga halik.

"Can I ask something?" Pagpapaalam ko.

"Go on." He answered still planting kisses over my collarbones.

"Matagal na itong bumabagabag sa aking isipan." Pagpapatuloy ko.

"Hmmm..." Taning tugon n'ya.

Huminga ako ng malalim bago nag salita. "W-who is that man?"

Naramdaman ko ang pagtigil n'ya pero kalaunan rin ay bumalik sa pagpapaulan ng halik. "Who do you mean?" Tanong n'ya.

"That man. That one whose obsessed with me."

Naramdaman ko nalang ang pagbilis ng takbo ng puso ko, hindi ko alam ngunit natatakot ako.

"Pinatay ko s'ya." Sambit niya na nagpatigil sa mabilis na pagtibok ng puso ko.

"A-ano?" Hinding makapaniwalang tanong ko.

"Pinatay ko s'ya upang wala nang hahadlang." Sagot n'ya at tiningnan ako ng sa mata.

Wala akong mabasa sa kanyang mga mata kundi ang halo-halong emosyon na hindi ko maipaliwanag.

Ngunit isa lang ang nasisiguro ko, at iyon ang....

"Haha." Bahagyang tawa n'ya matapos hawiin ang buhok na nagsisilbing pantakip sa kanyang noo at kilay. Tumingala siya at huminga ng malalim bago ako tinaponan ng tingin ulit.

Nakipagtitigan lang ako at hindi mawari ang dapat gawin nang makita ko sa kanyang mga mata ang mga sagot sa aking mga katanungan.

Parang hanging pumasok ang mga ala-ala ko noon na hindi ko sinasadyang makalimutan.

Naramdaman kong nag-init ang magkabilaang pantanaw ko at sa hindi ko matukoy na rason... Ako'y naglabas ng luha.

"Now you remember." Nakangisi n'yang tugon bago ako tinulak at marahas na hinalikan.

Napapikit nalang ako at hinayaan na lamang siyang gawin ang anomang ninanais n'yang gawin.

Because I was that woman.

And.....

He was that obsess admirer of mine.

"SEVENTEEN ONE SHOT"Where stories live. Discover now