PROPRIETORIAL SERIES is a COLLABORATION of 4 authors. The Name, Characters, Businesses, Places, and Incidents are either the products of the Author's Imagination, or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person's, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PROPRIETORIAL SERIES BOOK LIST
PROPRIETORIAL SERIES 1: The Deceitful Truth by: NotJustASimpleGirlll
PROPRIETORIAL SERIES 2: The Regime Of Laws by: Binibiningcresent
PROPRIETORIAL SERIES 3: Tickling The Barrier by: _Yourgirlauthor
PROPRIETORIAL SERIES 4: The Lost Daughter Of Madrigal by: Meant4youuu
And now welcome to the 3rd installment!
Prologue
Ang liwanag ng araw na sumisilip sa aking bintana ang naging dahilan kung bakit ako ay napa bangon ng mabilis at agad nag ayos ng kama.
Matapos kung ayusin ay umulo muli ako rito at nanalangin bago lumabas sa aking silid. Inayos ko ang aking buhok habang maglalakad papunta sa kusina. Nakita ko sila mama at papa na nagkakape,habang ang mga kapatid ko na sina Alyssa at Asher ay nanonood ng Larva sa telebisyon habang kumakain ng pandesal.
"Napaka aga ninyong manood,napaka lapit niyo pa sa telebisyon baka masira ang inyong mga mata." Pagsisita ko sa kanilang dalawa.
"Hay naku,Ate... Ayan ka nanaman sa paninita mo,ilang beses mo na iyang sinabi saamin ngunit wala namang nangyayari. Huag kang mag-alala malakas ang mga mata namin at hindi basta basta nasisira dahil sa simpleng telebisyon." At talagang sinagot ako ng aking bunsong kapatid na si Alyssa.
"Konti nalamang ay matitiris ko na ang iyong tenga,Aly!" Mahinang sigaw ko sabay lapit sa kanya at nagkunwaring titirisin ko ang kanyang tenga kaya agad itong lumayo.
"Ma! Pa! Tignan niyo si ate,gusto daw niyang tirisin ang napaka ganda kung tenga!" pagsusumbong niya pero di man lang tumugon ang aming mga magulang,kaya naman linabas ko ang aking dila upang asarin siya.
"Ma! Pa! Sina ate at bunso ay nag-aasaran nanaman dito,nakaka inis! Sitahin niyo nga!" Sumbong naman ng batang si Asher.
Napaka seryoso ng batang ito. Sa aming magkakapatid ang batang ito ang di alam magbiro. Iba iba talaga ang ugali naming magkakapatid.. Ako mapang-asar na kapatid,si Asher yung seryoso at si Alyssa naman ang pilyo. Oh hindi ba,napaka gandang pag-uugali ang meron kami.
"Hay naku,kayong tatlo talaga! Napaka ingay ninyo!" Ngayun ay sumigaw naman si Mama galing sa kusina habang nakatingin saamin ng masama.
"Sila lang,Tahimik ako.." Sambit ng Batang lalaki sa aking harapan.
"Oh siya,halina kayo para sabay sabay na tayong kumain.. Madami pa kaming gagawing trabaho sa bukid." Sabi ni Papa kaya agad kaming nagtungo sa kusina at nagsi upo para kumain.
"Ashang,dahil ikaw ang pasimuno ng ingay kanina sa silid tanggapan,ikaw ang manguna sa pagdadasal ang ating pagkain ngayun." Sambit ni mama kaya agad nalang akong tumango.
Gusto kung mag protesta sa kanyang sinabi na ako daw ang pasimuno.. Ako ba talaga? Ang pagkakaalam ko ay nanita lang naman ako pero umepal kasi ang batang babae na may isang malaking red ribbon sa kanyang buhok!
Pagkatapos manalangin nagsimula na kaming kumain. Simple lang ang aming ulam,itlog na galing sa mga manok sa likod ng bahay namin at kamatis galing sa tanim namin sa barukan.
"Aly,Samahan mo mamaya ang ate Ashang mo papunta sa palengke. Yung mga naka basket na gulay sa may pintuan natin,i benta niyo lahat yun ha. Singkwenta bawat supot." Habilin ng aming nanay,agad tumango ang bunso kung kapatid.
BINABASA MO ANG
PROPRIETORIAL SERIES 3: Tickling The Barrier
RomantiekPROPRIETORIAL SERIES is a COLLABORATION of 4 authors. The Name, Characters, Businesses, Places, and Incidents are either the products of the Author's Imagination, or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person's, living or dead, or...