29

4 3 0
                                    

Abandoned

Magdamag akong umiiyak. Hindi ako natulog nang gabing 'yon. Kinaumagahan ay tsaka lang ako nakaramdam ng pagod. Nabinat pa ako at mulin nilagnat. Hindi ako lumabas ng kwarto ko. Siguradong umalis na sabi Mama.

Dahil itinulog ko ang pagod at sakit. Mahigit maghapon akong tulog. Nagising na lang ako dahil hindi tumigil sa pagriring ang phone ko. Nakapikit na sinagot ko 'yon.

"Hello?" sabi ko. Napadaing ako dahil parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.

"Dems? Ayos ka lang ba? Are you home?" tanong ni Jared sa kabilang linya.

Bakit naman kaya tumatawag ang isang 'to. "Oo nasa bahay ako. Bakit?"

"Kaninang alas-sais pa ako dito sa labas. Hindi mo ako pinagbubuksan."

Bigla akong napatayo nang maalalamg Sabado ngayon. Napadaing ulit ako dahil sa pagtayo ko. "Ugh. Sorry, magbibihis lang ako saglit."

"Sure?" nag-aalinlangang aniya bago ko siya babaan.

Ano naman kaya itong paandar ni Lincoln. Nagsuot lang ako ng hoodie at jeans. Nilalamig talaga ako. Lumabas na ako ng bahay. Nadatnan ko si Jared sa tapat ng pinto.

Nahilo ako. "Gaano katagal kang nag-hintay?" tanong ko. Barado pa ang ilong ko.

"Thirty minutes lang," inalalayan niya ako. "Sigirado ka bang kaya mong maglakad?"

Tumango ako. "Oo."

Sumakay na kami sa kotse. Nakatulog nga ata ako sa biyahe namin. Nang magmukat ako ay nasa bahay na kami ni Lincoln. Bumaba na ako ng kotse.

"Demi. Wait up," narinig kong ni Jared. Nang sulyapan ko siya ay natingin siya sa phone niya habang salubong ang kilay.

Bahagya akong naubo. "Tara na. Maginaw dito sa labas," anyaya ko.

Nnag hindi siya gumalaw ay nagpatiuna na ako. Ano bang problema ng lalaking ito? Dahil may spare key nga ako sa bahay ni Linc, ako na mismo ang nagbukas niyon. Dim lights lang ang nakasindi sa buong bahay.

"Linc?" tawag ko. Walang sumagot.

Bumuntong hininga ako at umakyat sa hagdan. Narinig ko pa ang pagtawag ninJared sa pangalan ko at ang mga papalapit niyang yapak.

Nasa pintuan na ako ng kwarto ni Lincoln nang maabutan ako ni Jared. Habol niya ang hininga niya, halatang tumakbo pa. "Teka lang.." aniya at hinawakan ako sa braso.

"Bakit ba?" takhang tanong ko.

Umiking iking siya at marahan akong hinila. "Umalis na tayo."

"Ha? Bakit?" kunot noong sabi ko. "Paano si Linc?" kumatok ako sa pintuan na ikinalaki ng mga mata niya.

"Shit. Tara na, Demi! Wala siya diyan!" pilit niya ako hinila pababa ng hagdan.

Nagmatigas ako, sakto namang narinignkong bumukas ang pintuan. "'Di ba? Nandito naman si Lincoln ah-" natigilan ako nang si Heart pala ang nagbukas ng pinto. "Anong ginagawa mo dito?"

Nakangiti siya. Para bang napakasaya niya. Pinagmasdan ko siya. Bakit.. Bakit tanging kumot lang ang nakatapis s-sakaniya?

"Oh! Hi Dems!" masayang aniya. Naoaka saya.

Umigting ang nga panga ako. "N-Nasaan si Lincoln?" No. Mali ang iniisp ko.

Kumagat siya ng labi. "He's taking a bath, eh. Hintayin mo na lang," akmang isasara na niya ang pintuan.

"What the fuck are you doing? Bakit ganiyan ang itsura mo?" inis na sabi ko at kumaalas sa pagkakahawak ni Jared.

Painosente akong tinignan ni Heart. "Huh?"

Pursuing the EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon