47

3 3 0
                                    

Burned

Umuwi na si Kessie dahil may emergency raw. Medyo nag-enjoy naman ako at nawala sa isip ko na pupunta nga pala dito si Lincoln para sunduin ako.

May mga ibinigay na mahahalagang papel si Amos saakin at kailangan kong basahin paisa-isa ang mga ito. Mayroon rin akong kailangan pirmahan kaya naman nang may kumatok sa office ko at napahawak ako sa sentido at doon ko lang narealized na halos ilang oras na pala akong nakatutok sa mga papeles.

"Demi..may mga bagong clients ulit. Dalawang wedding, dalawang reunion party at isang debut.." Sabi ni Amos nang pumasok siya sa office ko.

Tumango lang ako at nag-check ng mga emails sa laptop ko. Kinusot ko ang mga mata at hindi namalayang nakaidlip na pala ako. Nagulat pa ako nang magising ako ay wala na ang mga nakakalat na papeles sa harapan ko at wala na rin ang laptop ko.

Nang ipalibot ko ang tingin ay dumapo ang mga mata ko kay Lincoln na kasalukuyang nakaharap sa laptop ko at nakaupo sa sofa. Hinawakan niya ang tungki ng kaniyang ilong bago mapansin ang titig ko.

"Gising ka na.." Medyo pagod at gulat na aniya. May hawak siyang papel at panulat sa isang kamay habang ang isa naman ay nag-i-scroll sa laptop ko.

Kanina pa ba siya dito? At ano naman ang ginagawa niya sa laptop ko? Pasimple kong pinunasan ang labi ko at tumayo para lumapit sakaniya.

Muli siyang nag-angat ng tingin saakin. "I'm almost done.."

Naupo ako sa tabi niya at hindi pinansin ang pagiging malapit ng katawan namin. Inaantok pa rin ako at hindi ko maiwasang sumandal sa matigas niyang balikat para tignan ang ginagawa niya habang half-open ang mga mata ko. Medyo napaiktad siya sa ginawa ko pero umayos pa rin siya sa pagkakaupo dahilan upang maging kumportable ako.

He's reading some emails at pagkatapos ay nagtetake note ng kung ano sa papel na hawak niya.

"You don't have to do that. That's my job," kumento ko naman at medyo pumikit.

Naramdaman ko ang bahagyang pagtawa niya. "No worries. Isinusulat ko lang naman ang mga important details na ibinigay ng mga client niyo. Besides, gusto kitang tulungan. You're sleeping peacefully pag-dating ko...I want you to take some rest."

"Well, you're here...so I could finally take some rest.."

Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari dahil muli akong nakatulog. Nang magising naman ako ay halos mamula ang pisngi ko at dahandahang alisin ang pagkaka-yakap ko sa tiyan ni Lincoln! Medyo nakaakbay siya saakin upang maalalayan ang ulo ko. Ganoon pa rin naman ang pwesto namin ngunit ang pinagka-iba lang ay wala na ang laptop at nakapatong na iyon sa coffee table.

Hindi ko alam kung tulog ba siya pero napagtagumpayan ko namang tanggalin ang braso ko sa tiyan niya. Dahan dahan akong tumayo habang medyo nakapikit dahil takot na magising siya kung sakali mang nakatulog rin siya.

"Bakit mo tinggal?"

Napasinghap ako at muling napaupo nang marinig ang paos na boses ni Lincoln. Namula ang buong mukha ko dahil sa mismong pagitan pa ng mga hita niya ako napaupo! May mga insektong nagpi-fiesta sa tiyan ko nang dumapo ang braso niya sa buong beywang ko.

Hindi ko alam kung tatayo ba ako o kung makakatayo pa ba ako. Bakit ba kasi kailanagn pa niyang ibalibot ang braso niya sa beywang ko?

"Demi..." bulong ni Lincoln mula sa likuran. "You're making this let's-take-it-slow deal for me... Bakit ganiyan ka?" Naramdaman ko ang pagsandal ng noo niya sa likod ko at halos manayo ang mga balahibo ko.

Napalunok ako. "H-Ha? I...can you.. please," malalim akong napabuntong hininga dahil kinakapos na ako sa hangin!

Saglit munang humigpit ang kapit niya saakin dahilan upang mas magdikit ang katawan namin.

Pursuing the EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon