31

6 3 0
                                    

Trust

Pinayagan na akong umalis ng hospital ni Papa. Hindi siya sumama saakin nung gabing umuwi ako dahil may operation siyang gagawin. Pero kahit ganoon, pinahatid niya ako kay Steffan. Sa sandaling pagkakakilala namin ay nabasa ko na agad ang ugali nito. Madali siyang pakisamahan, madaldal nga lang.

Ngunit ang pagiging madaldal niya ay minsan ko na ring napakinabangan. Kinuwrnto niya saakin na isang ganap na Doctor si Papa. 'Yon ang dahilan kung bakit niya iniwan si Mama sa Cieza. Para makapag-tapos at makamit ang pangarap niya. Dapat ba ay galit ako sakaniya? Ah-uh, masaya ako dahil kahit hindi niya nagampanan ang pagiging ama saakin, nakamit naman niya ang tagumpay na hinahangad.

"Dito ka nakatira?"

Bumuntong hininga ako bago tumango. "Oo, bakit? Ayoko sa malalaking bahay. Nakakalito," tugon ko.

Ngumiwi si Steffan. "Wala naman. Kung titira ka sa mansyon ni Tito Keanu, masasanay na rin."

Hindi ako sumagot at naunang bumaba sa kotse niya. Humabol pa ito saakin at sinubukan ako inalalayan pero sinaway ko siya.

Kumunot ang noo ko nang hanggang sa loob ng bahay ay sumunod siya. Hindi ba dapat ay umalis na siya? "Huwag mong sabihin saakin na hanggang dito sa pamamahay ko ay bubulabugin mo ako?"

Abala siya sa pagtitingin sa paligid bago ako sulyapan. "No." tipid na aniyaat tumungo sa pinto.

Umirap ako sa hangin. Malalim na ang gabi. May puso naman ako kahit papaano, durog nga lang. "Stay. Pero dito ka sa sala matutulog," nanunuyang sabi ko.

"Woah," kunyari siyang nagulat. "That's welcoming," sarkastikong aniya.

Ngumiwi lang ako at tinalikuran siya. Walang tao. She left. Mahina akong natawa. Alam kong mali ang pinagtabuyan ko siya. Pero hindi na yata makakaya pa ng utak at pagkatao ko ang harapin at ayusin siya. My Mom's a terrible woman. Hindi ko na uulitin pang ayusin ang ibang tao habang durog na durog ako.

Pumasok ako sa sarili kong kwarto at kumukuha ng isang unan at comforter para sa bwisita ko nang biglang may mag-text sa phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa at tinignan. Parang sinanasakal ang puso ko nang makita ang wallpaper doon. 'Yon ay ang litrato namin ni Lincoln nang gumraduate kami.

Kasama pa kaya ako sa mga plano niya? Sa mga pangarap niya? Isang mapangahas na patak ng luha ang tumulo sa mata ko. Marahas kong pinunasan 'yon at umiling. Hindi. I will not share my dreams and future with someone who cheated on me.

Nawala sa isip ko ang text message. Nang tignan ko iyon ay lalo lang nanikip ang dibdib ko.

'Are you up?' -Lincoln

We haven't talk for a week. Ang una niyang bisita saakin sa hospital ay siya rin ang huli kong kita sakaniya. Hindi ko na sana siya rereplyan nang bigla naman aiyang tumawag. Dahil sanay pa rin ako na palaging sinasagot ang tawag niya, awtomatiko ko na lang napindot ang berdeng button.

"Err, idiot," bulong ko sa sarili bago itutok iyon sa tainga ko. Kailangan kong ipakakita at iparamdamn skniya na kaya ko. Kaya kong kalimutan maski dulo ng daliri niya.

Narinig ko ang mga nagbabagsakan nagamit sa kabilang linya. May nabasag pa nga ata, tila ba natataranta. "B-Baby.."

Pagkarinig ko pa lang sa boses niya ay inilayo ko ang phone at marahas na akong humigop ng hangin. His damn voice.

Ilang beses akong lumunok. "What do you want?" kalmadong wika ko.

"You. I've always wanted you.."

"Stop bothering me Linc," napupunong sabi ko. "Stop doing this. Stop fooling yourself."

Pursuing the EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon