34

4 3 0
                                    

Welcome Home

"Cieza Grill is my Boss' property, walang rental na kakailangan doon, Miss Acierno."

Tamad akong tumango sa lalaking kaharap ko ngayon. Hindi siya si Lincoln pero sabi nito ay siya ang pinadala niya.

Kaninang malaman ko na hindi siya ang narito para makipag-usap saakin, natawa na lang ako sa sarili ko dahil medyo umasa akong tutuparin niya ang sinabi niyang siya mismo ang pupunta. I don't know but this kind of situation, kahit na hindi naman masyadong big deal, is giving me trust issues.

I checked my schedules na inayos para saakin ni Amos. Venue ang una naming susuriin ngayon. "Sigurado ka bang maaalam ka tungkol sa Grill?"

Kahit hindi, I think I could do it myself. Nadagdagan lang naman ng isang palapag 'diba? I knew that Grill so well, too well... before.

Tumango si Zion. "Yes, ma'am. Ako kasi ang pumalit sa dating Manager doon. Mahigit walong taon na rin ako," kwento niya pa kahit hindi ko naman tinatanong.

"Pinalitan?" tanong ko. Kung mahigit walong taon pa lang siya, ibig sabihin ay 'yung Manager ko dati ang pinalitan niya. "Bakit?" curious na tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay halos ipagkatiwala na 'yon ni Mr. Rue.

Nagkibit siya ng balikat. "No clue, ma'am. Basta burado na lang siya bigla at ako ang ipinalit ni Sir Jared," aniya.

Jared? Buhay pa pala siya. Hindi na kasi nagparamdam, eh. At bakit si Jared at hindi ang magaling niyang pinsan?

Halos kalahating oras kami sa office ni Papa, wala pa naman kasi talaga akong sariling office pero niconsider ko na ring office ko 'tong kay Papa.

"Well, I'll check the-"

Naputol ang sasabihin ko nang may kumatok sa pintuan. Nangunot ang no ko. Imposibleng si Amos 'yan dahil alam niyang may kausap ako.

"Come in!" sigaw ko na lang kahit na napairap.

Pareho kaming natigilan ng kausap ko nang makita kung sino ang pumasok. Lincoln and his ragged look. Para bang nagmadali pa siyang pumarito.

"Sir," napatayo ang kausap ko.

"What are you doing here?" kunot noong tugon ko.

He licked his lower lip. "Meeting."

I laughed, sarcastically. "We're almost done, Lincoln. You don't have to be here," yumuko ako sa hawak kong papel.

"I'm sorry. I had to finish an emergency errand," aniya.

"Then you shouldn't told me that you'll be here. You shouldn't promised," tugon ko at natahimik.

What the hell am I saying?

Hindi ko na napansin ang pag-alis ng kanina'y kausap ko. Naupo si Lincoln sa harap ko. I looked at him. Parang may balisong na tumuturok sa puso ko. Why am I hurting? God! Demi! Do you still love him? Bakit sa simpleng hindi niya lang pagtupad ng pangako ay kung ano ano na ang nasasabi mo?

He looks unaffected, tho, as if I just murmured those words for no reason.

I calm myself. Not today, Demi. Especially now infront of him.

Lumunok ako. "I need to see Cieza Grill. Send me some pictures of it. Kailangan ay alam namin kung paano didesenyohan ang lugar," casual na sinabi ko. You're unaffected? Then I'll do my best to look like that too.

Malamlam.ang mga mata niyang tinignan ako. Pinilig niya ang kaniyang ulo. "Let's just go there," aniya. Hindi ito tunog nag-uutos. Tila ba inaaya niya ako sa kalmadong paraan.

"Pictures will do, Mr. Rue," pagmamatigas ko.

Hinding hindi na ako aapak pa sa lugar na 'yon. That place giving me goosebumps of our past, happy memories. And hell, why does happy memories hurts the most?

Pursuing the EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon