CHAPTER 10 - Mylene

1.3K 56 27
                                    

"Natatakot na ako. Umalis na tayo dito." Bigla kong naalala ang mga anak ko matapos magsalita ang batang lalaki na may number 18 na damit. Bigla namang napalingon ang babaeng tumutok ng kutsilyo sakin kanina na may suot ng number 4 na damit sa batang iyon at agad na nagsalita. "Shh. Wag kang maingay. Aalis tayo dito pero hindi pa sa ngayon." Lumingon naman ang batang babaeng may suot na number 14 na damit sa kanya at parang natatakot din. "Kung hindi ngayon, kailan? Saka paano may mga pumapatay sa labas dib..." Biglang nataranta si number 4 at muling nagsalita. "Wag ka ring maingay! Baka may makarinig sa atin. Gagawa tayo ng paraan. Hinding hindi ko kayo papabayaan. Pangako yan."

Nakikita ko sa mga pagmumukha ng mga batang paslit na parang sila talaga ay takot na takot. Biglang lumingon si number 4 sa akin at tinanong ako ng pabulong. "Ikaw 19, anong pangalan mo?" Mabilis ko siyang sinagot pero katulad niya ay pabulong din akong nagsalita. "Mylene... Mylene Sanders ang pangalan ko. Ikaw?", "Ako si Arianne. Teka," napahinto siya ng ilang segundo at muling nagsalita. "Paano ka napunta rito. Saka sana ay hindi ka mamamatay tao katulad ng iba." Napangiti naman ako at saka nagsalita. "Hindi ko kayo sasaktan at mas lalong hindi ko kayo papatayin, may mga anak rin ako at ayong nakakakita ng mga batang nasasaktan." Huminga muna ako ng isang saglit saka muling nagsalita. "Papunta sana ako sa Jollibee kaso hinabol ako ng lalaking may hawak na shutgun. Guto ma gutom na ako at..."

"Eto po." Bigla akong napahinto sa pagsasalita matapos ilabas ng batang may number 30 na damit ang isang chocolate biscuit. Agad ko itong kinuha at mabilis ko itong binuksan. Kinain ko ito na parang maraming umaagaw sa akin.binilisan ko ang pag nguya dahil kanina pa ako gutom na gutom. "Salamat anak. Anong pangalan mo?" Napangiti siya at parang nabawasan ang kanyang kaba. "Ako po si Kristian pero Kris nalang ang itawag niyo sa'kin." Bigla niyang itinuro ang kanyang katabi na may damit na number 29 na sobra niya talagang kamukha. "Siya naman po si Justin... Kakambal ko siya." Nginitian ko si Justin at ginantihan niya rin ako ng isang ngiti na parang nahihiya. "Yung may number 14 na damit ay si Shiela Mae, yung number 17 ay si Melby, at ang number 18 naman ay si Kenneth." Pare-pareho nila akong nginitian at nginitian ko rin sila para kahit papano ay mabawasan ang kanilang takot. "Saan mo naman pala nakuha 'tong biscuit?" Itinanong ko dahil sa gusto kong malaman kung paano nila ito nakuha. "Ahh... Yan po ba? Nakita ko lang po yan kanina na nakakalat sa sahig ng department store bago ako makuha ni ate Arianne."

Nabawasan ang tanong sa isip ko at saka ko muling kinausap si Arianne. "Paano tayo makaka alis dito?" Oo... Tama ang mga narinig niyo. Gusto ko na ring sumama sa kanila upang tumakas. Kahit gaano kalaki ang premyo ay wala akong pakielam basta makasama ko lang ang mga anak ko. Miss na miss ko na sila at alam kong natatakot na sila dahil wala ako sa kanilang mga tabi. Kailangan naming umisip ng paraan para maka alis sa impyernong lugar na 'to. "May mga electric fence sa buong lugar at mukhang mahihirapan tayo umalis dito." Mabilis na sinabi ni Arianne sa akin at kitang kita ko sa mga mata niya na parang nahhirapan din siya maka isip ng paraan upang makatakas na dito.

Habang tumatagal ay mas nararamdaman kong umiinit na dito sa loob ng napakaliit na dressing room. Pinagpapawisan ng ang mga bata at napapansin ko rin na isa-isa na silang natutulog. "Kailangan nating maka-isip ng paraan Mylene. Ayoko nang larong 'to at mas lalong ayoko pang mamatay..." Kanina ko pa napapansin na pa rin binibitawan ni Arianne ang kutsilyong itinutok niya sa akin kanina. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito at saka muling nagsalita "Pero ayoko ring mamatay nang hindi lumalaban sa kanila. Dapat... Maka-isip agad tayo ng paraan para sa mga batang 'to. Ang kapakanan nila ang iniisip ko."

Habang mas lalong tumatagal ang pananatili ko sa loob ng dressing room. Ang init na nararamdaman ko ay parang nawawala na dahil ume-epekto na ang aircondition ng buong department store.

Ang mga bata namn sa tabi ko ay tuluyan nang nakatulog pero si Arianne ay gising na gising pa rin. "Matulog ka muna." Payo ko sa kanya, "Hindi pwede, yung mga bat..." napahinto sa pagsasalita si Arianne dahil BIGLA KAMING NAKARINIG NG NAPAKALAKAS NA PUTOK NG BARIL! At mukhang dito lang rin galing ang putok ng baril sa loob ng Department store. Sa sobrang lakas nito ay biglang nagising ang lahat ng mga bata at nakikita ko sa mga itsura nila na iiyak na sila. May dalawang sanggol na may suot ng number 12 at 13 na damit ang agad na umiyak. "Shh... patahimikin mo sila Mylene bago pa may mga makarinig sa atin!"

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon