Sa wakas ay nabago ko na rin ang oras sa timer ng timebomb. At sa loob na lamang ng dalawampung minuto ay sasabog na ang Fuel Tank at maging ang buong mall ay madadamay na rin. Tuluyan na akong lumabas ng basement at naglalakad na ako patungo sa labas ng mall. Wala na akong pakielam sa kanilang lahat dahil mamamatay na rin naman sila. "Hahahahaha!" Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa loob lamang ng dalawampung minuto ay ako na ang tatanghaling panalo. Napakatalino ko talaga. Naloko ko sila at sa oras na mamatay na silang lahat ay mas makakahinga na rin ako ng maluwag.
At ang akala naman sakin ni Ailee ay hindi ko alam na sinusundan niya ako. Alam kong papasok din siya sa basement upang makita ang lugar na pinuntahan ko at sa oras na muli siyang lumabas.
Papatayin ko na siya.
BINABASA MO ANG
Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)
Ciencia FicciónIt's the year 2047. The Philippines is in the midst of massive cruelty! Over population, poverty, high crime rate and human rights violation destroyed the society. The revolution is being planned all throughout the country but the President is about...