CHAPTER 24 - Ailee

688 37 4
                                    

Kasalukuyang nakatutok ang aking napaka-mapaminsalang pistol sa lalaking may number 44 na damit na si Patrick. Hindi ko inaasahan na maabutan siya dito ngayon. Ang tanging intensyon ko lamang ay kunin ang sanggol sa Ferris Wheel pero hindi ko akalain na makikita niya rin ito dito. Ano bang meron sa hayop na 'to at hanggang ngayon ay buhay pa rin siya? Ngayon ay dinadamay niya na rin ang kawawang sanggol sa kanyang kahibangan. Gusto ko nang ipitok ang baril pero muli kong naalala na sobrang lakas pala nito. Kung sakaling magkamali ako ay baka madamay ang walang kamuang-muang na baby. Pinilit kong gawin ang lahat upang hindi niya saktan ang sanggol. Sinubukan ko na ring magmaka-awa sa kanya upang itigil na niya ang lahat ng 'to.

"Kung sino ka man... Patrick. Pakiusap. Pare-pareho lang tayong mahihirap dito at alam kong gusto mong ipanalo ang larong 'to. Alam ko rin na may puso ka kaya pakiusap... Wag mong saktan ang sanggol!" Matapos kong magsalita ay bigla akong napalingon sa tabi ng control ng jetpack. Nakita ko ang Gasoline Gauge at mukhang malapit nang maubusan ng gaas ang gamit na 'to. Mukhang anumang oras ay tuluyan na akong babagsak. Mukhang may sira ata ang jetpack na gamit ko dahil ilang minuto pa lamang akong nasa ere ay paubos na agad ang gaas nito. Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa at pinakiusapan ko pa rin siya na bitawan ang sanggol.

"Pangako. Kapag binitawan ko ang sanggol. Hinding-hindi kita sasaktan! Please!" Pero matapos kong magsalita ay bigla siyang natawa. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay nasisiraan na siya ng ulo. "Bitawan? At bakit ko naman bibitawan ang baby na 'to? GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA MANALO! KAHIT NA PATAYIN KO KAYONG LAHAT AY HINDING HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA GAWIN 'YON DAHIL SAYANG NAMAN ANG FIVE HUNDRED MILLION KUNG HINDI ITO MAPUPUNTA SA AKEEEN! AT BAKIT NAMAN AKO MAGTITIWALA SA'YO? ALAM KONG PAPATAYIN MO RIN AKO KAPAG NAKUHA MO NA ANG SANGGOL! HINDI MO AKO MALOLOKO!"

Mukhang tama ang kanyang nasa isipan. Dahil sa oras na mabitawan niya ang sanggol ay hinding hindi na talaga ako magdadalawang isip na buhayin pa siya! Kanina pa 'ko gigil na gigil sa dahil sa mga kasamaang ginagawa niya. "OHH! BAKIT HINDI KA MAKAPAGSALITA? TOTOO KASI ANG MGA SINASABI KO? SA TINGIN MO BA MALILINLANG MO AKO? HINDING AKO AABOT DITO NGAYON KUNG HINDI AKO NAG-IISIP! WALA NANG PAG-ASA ANG BANSANG 'TO! LUMINGON KA NGA SA PALIGID MO! TUMINGIN KA! KUNG SAKALING MAGTAGUMPAY AKO AY MAGBABAGO NA ANG BUHAY KO! SAWANG SAWA NA AKONG MAGING PALABOY! SAWANG SAWA NA AKONG MAGUTOMMMMM!"

Sa tingin ko ay hindi siya nasisiraan ng ulo. Mukhang may pinanghuhugutan lamang ang mga sinasabi niya. "Pakiusap! Marami nang namatay ngayong gabi. Wag mo nang dagdagan paaaa!" Tugon ko.

"MAGPASALAMAT KA DAHIL BUHAY KA PA RIN HANGGANG NGAYON! DAPAT NGA AY NAMATAY KA NA RIN NANG SUMABOG ANG BUS. KAHIT PAPANO AY MUKHANG HINDI PA RIN AKO NAGTAGUMPAY NA PATAYIN KAYONG LAHAT DAHIL NAKALIGTAS KA RIN!"

"Ano? Ikaw? Ikaw ang sumira sa bus na sinasakyan namin?"

"OO! AKO! AT GAGAWIN KO ANG LAHAT UPANG UBUSIN KAYO!"

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Ang lalaki na 'to sa harapan ko ang pumatay sa napakaraming walang kamuang-muang na mga tao. Wala siyang awa. Hindi siya tao! Kundi ay isa siyang demonyo! Hindi na ako nakapagsalita pa hanggang sa bigla kong narinig ang tunog ng makina na nanggagaling sa jetpack. 'Brrr brrr brrr brrr'

Napakapit ako sa hawakan ng jetpack at si Patrick naman ay biglang napangiti! Sa sobrang pagkagulat at pagkataranta ko ay bigla kong nabitawan ang hawak-hawak ko na pistol! "Naku po!" Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa jetpack at nang paglingon ko sa ibaba ay bigla akong nagulat dahil kaagad na tumakbo si Patrick patungo sa Pistol. Hindi pa rin niya binibitawan ang sanggol at alam kong tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari!

"HAHAHAHAHAHAHA! TANGA KA! MAGPAALAM KA NA SA BABY MO! HAHAHAHAHA!" Hindi na 'ko nakatingin pa kay Patrick at naririnig ko pa rin ang mala demonyo niyang tawa. Unti-unti na akong lumalapag hanggang sa tuluyan nang namatay ang jetpack! Habang bumabagsak ako ay hindi ko namalayan na meron palang parachute ang jetpack na gamit ko. Bumabagal ang aking pagbagsak dahil dito at habang patuloy pa rin ako sa pagbaba ay bigla akong nakarinig ng napakalakas na putok ng baril at nang paglingon ko sa parachute ay butas na ito!

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon