The challenge was something I did not expect. It was such a simple game, but most of them seemed excited.
May ilan na pinili na lang manahimik para hindi makapagsalita ng English words, pero ang iba, feel na feel ang pagiging makata.
"Binibini," a guy from the white team said. "Nais kong magbanghay ng naaayong taktika ukol dito."
Natawa naman ang babaeng teammate niya dahil nakatungo at nakatindig ito. "Para kang tanga."
Wala pang isang oras ay ang dami nang deductions na naka-display sa screen. Meron na rin kaming isa dahil nagsabi si Roi ng "shit" noong muntik na siyang matapilok habang paakyat sa cabin. Sinamaan tuloy siya ng tingin ni Zion kanina.
Arin was having a hard time, too. Natatakot daw siya kasi baka bigla siyang makapagsabi ng English word lalo na at hindi siya tumitigil magsalita kapag excited. I, too, decided to shut up. My default language is Taglish kaya naman siguradong mami-minus-an kami kapag nagsimula akong magsalita, although tahimik naman ako madalas.
"Ang hirap naman nito!" sigaw ni Wannie mula sa labas ng cabin nila. Since wala pang ibang challenge na sinasabi ay naka-focus ang lahat sa Filipino time, which was harder because everyone was conscious of how and what they would speak.
I guess may advantage ang mga tahimik since sa isip lang naman kami madalas magsalita.
I decided to stay on the porch to watch the enjoyment and struggles of the other challengers. Tumabi naman sa akin si Zion at pinagpatuloy niya ang pagbabasa ng libro. My gaze shifted on the book. Hindi ba siya mahihirapang mag-adjust kung English book ang binabasa niya?
Come to think of it, siya ang madalas magsalita sa Ingles sa aming apat. Huh. This challenge must be a torture for him.
"Hoy, Zion h'wag ka magsasalita, ha!" ingit ni Roi. "Ikaw mahilig mag-eng—" Halos manlaki ang mga mata namin nang marinig iyon mula sa kanya pero agad namang natama ni Roi ang sarili niya. "—Ingles d'yan!"
"Muntik ka na!" sabay tawa naman ni Arin. "Muntik ka nang patayin sa tingin nina Zion at Elix!"
"Sabi ko nga tatahimik na rin ako!"
Bigla namang tumayo si Zion at kinuha ang tablet niya sa cabin kaya napatingin lang kami sa kanya. Akala namin ay magsusulat na siya ng story pero nagulat kami nang ipakita niya sa amin ang screen.
I have an idea, he typed.
Naaligaga naman si Roi at tumingin sa paligid. He thought we would be caught since Zion was talking to us—typing—in English.
"Ibang klase talaga utak mo, ano?" Arin commented.
Zion replied with a smug face. Nakakairita, nagyayabang na naman.
Technically, this isn't talking, so there won't be any deductions, he replied on the tablet. "Pwede rin nating subukang bawasan ang puntos ng iba."
Arin gave him a suspicious look. "Paano? At bakit parang masama 'yang binabalak mo?"
Sakto namang nasa porch din ng kabilang cabin ang green team. Suddenly, Zion called the attention of Brian, which surprised everyone in our respective teams.
"Kumusta?" tanong niya.
Brian, who seemed confused at the sudden greeting, nodded. "Okay naman—!"
Pare-pareho kaming napasinghap nang marinig iyon at agad na tinuro ni Lan si Zion.
"Hoy, napakaduga mo, Zion!" he complained.
BINABASA MO ANG
Challengers
AdventureAfter graduating, all Elix wanted to do was rest for a while, but an invitation changed the course of her summer vacation. She had been a writer on an online platform since college and accumulated quite a huge number of readers. She received an invi...