We had lunch at noon and I kind of like the boodle fight concept. Pinabalik kami sa pavilion matapos ang lahat ng groups na makita ang balls nila at naka-setup na ro'n ang pananghalian namin.
The food was mouth-watering as it was a mixture of cuisines from different regions. Halos lahat ay nakatapat sa pwesto kung nasaan ang gusto nilang kainin at hinatak naman ako ni Arin papunta ro'n sa seafood.
Pagka-announce ng staff ay agad na sumugod lahat ng tao sa nakahain. Buti nga at nakahiwalay ang table ng program staffs at may sarili silang boodle fight dahil baka lalong gumulo ang pagkain.
Pumunit ako ng dahon ng saging mula ro'n sa nakalatag at kumuha ako ng mga gusto kong kainin. Ang hirap nga lang dahil unahan talaga. Buti na lang at nakakalusot ako sa mga espasyo sa pagitan ng mga tao kaya pasimple akong nakakakuha.
Pumwesto ako sa gilid para maayos akong makakain at tumabi naman sa akin si Lessy kaya nginitian ko siya. Nag-usap kami tungkol sa show pati na rin sa una naming pagkikita. Looking at her now, she had matured a lot and it felt like it was just yesterday when we first met.
"Teammate mo pala si Ate Arin," she muttered.
Weird na marinig ang Ate sa pangalan ni Arin. Magka-edad kami pero hindi ako ina-ate ni Lessy dahil napagdesisyunan na namin dati na maging casual sa isa't isa kahit na two years younger siya sa akin.
"Yup. Close ba kayo?" tanong ko naman.
"Naku, hindi. Wala, gusto ko kasi ang works niya kaso nahihiya akong magpakilala."
Sakto namang naglalakad sa direksyon namin si Arin at kumaway siya sa akin. Hindi rin naman ako close sa kanya pero dahil nasa isang team kami ay mas makikilala ko siya. Comfortable din naman siyang kasama at siya ang madalas nag-o-open ng topic kaya hindi ganoon ka-awkward 'pag magkasama kaming dalawa.
"Huy, bakit nandito ka sa gilid, Elix?" tanong niya nang makarating siya sa pwesto namin.
"Ah. Ang daming tao ro'n, eh."
"Takot ka ba sa mga tao?" Nakita ko naman ang curiosity sa mukha niya kaya medyo napangiti ako.
"I'm not good with crowds," I admitted. "I tend to feel anxious and out of place."
Iniwan ko naman silang dalawa ro'n at nagdahilan na kukuha pa ako ng pagkain para makapag-usap sila lalo na't hinahangaan ni Lessy si Arin. Muntik naman akong mabunggo dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Buti na lang at braso namin ang unang nag-collide kaya napalayo agad kami sa isa't isa at hindi natapon ang hawak naming pagkain.
"Sorry po," agad kong sabi.
Hindi ko siya kilala pero medyo na-intimidate ako sa height niya. Siguro ay three to four inches ang tangkad niya sa akin at hindi siya nagsalita kaya kinabahan ako. Baka nainis siya.
"S-sorry po," I repeated.
"Okay lang," she replied and marched away.
Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos ng nangyari at pumunta na lang sa kabilang sulok. Napansin ko namang nandoon din si Yena at tahimik siyang kumakain. Nagkatinginan ulit kami at tumango sa isa't isa pero pagkatapos no'n ay umiwas ako ng tingin. I wondered if we would have a chance to talk but we both didn't like initiating a conversation so I guess no.
Nakita ko naman na nag-uusap-usap na ang ibang writers habang kumakain. Dahil wala akong masyadong ka-close dito kagaya ni Lessy ay nanatili ulit ako sa isang sulok. Na-miss ko tuloy ang phone ko.
Pagkatapos kumain ay pinayagan kaming lumibot o 'di kaya bumalik sa cabin kaya dumiretso ako sa cabin namin. Nag-stay doon ang tatlo at nahiga ako sa couch. I didn't get enough sleep and the activities had exhausted my energy so I immediately drifted to sleep.
BINABASA MO ANG
Challengers
AdventureAfter graduating, all Elix wanted to do was rest for a while, but an invitation changed the course of her summer vacation. She had been a writer on an online platform since college and accumulated quite a huge number of readers. She received an invi...