"S-Sir, dito na lang po. Stop muna," I said and he hit the brake. Bumaba naman agad ako at tiningnan ang phone at card para i-check kung nasa tamang lugar ako. "Pwede po bang tulungan n'yo akong maghanap?" tanong sa kanya.
"Hindi po pwede," he responded.
"Oh," I muttered, a bit disappointed. "Okay po."
Hmm, so I'd search this place alone? Umaga pa lang pero napapagod na agad ako. Ang intense ng simula ng reality program na 'to. Well, literally hindi pala ako mag-isang maghahanap dahil kasama ko si Kuyang Cameraman na patuloy pa rin akong fini-film kahit naiilang pa rin ako.
I wandered around the place and saw a coffee shop and bookstore on the right side. Malaki ang chance na nandito ang isa sa teammates ko. Well, may clue naman na ako kung sino pero tatlong tao ang pinagpipilian ko ngayon. Sino kaya sa kanila?
I went to the bookstore first. Pagkapasok ko ay namangha ako dahil may mga tao na agad kahit 7 AM pa lang. The store had a vintage feel in it: old books lining the first bookshelves, ripped pages displayed on the walls, and almost every shelf and table were made from old woods.
Teka, 24 hours bang open ang bookstore na 'to? I scanned the place, hoping that I could see one of my teammates around since we were from a reading site, and I thought that it would make sense if she'd be here. Pero nahiya ako bigla dahil pinagtitinginan ako ng mga tao. Paano ba naman, may nakasunod sa aking camera. Napayuko na lang ako sa hiya. Please stop looking at me.
Nilibot ko ang buong bookstore para matapos na 'to pero mukhang wala siya rito kaya lumipat agad ako sa may coffee shop. Pagkapasok ko pa lang ay may kakaiba na akong naramdaman.
"Ah," sabay turo ko sa may gilid.
Tumakbo agad ako papunta ro'n dahil may nakita rin akong cameraman na nakatayo. Pagdating ko ay napatigil ako dahil sa babaeng nakatingin sa akin.
Her long, wavy, dirty blonde hair complemented her small and cute face. She was wearing a white dress and white sneakers that stood out in this coffee shop.
"Oh my God. A-Arin?" bulong ko sa sarili ko at hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Arin's eyes twinkled with excitement as she approached my direction.
"Whoa! Elix, right? Elix!"
Bigla naman niya akong niyakap kaya napayakap na rin ako. Whoa. Grabe. Hindi ko akalaing makikita ko siya sa personal. Arin was one of the famous writers on that site. She had written several hit teen fiction novels and I had read some of them.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon dahil hindi ko talaga ine-expect na makita siya. I mean, pareho kaming galing sa site na 'yon at friends naman kami sa fb pero hindi kami close. Pero teka, paano niya nalaman na ako si Elix? Hindi naman ako nagpo-post ng picture ko sa public accounts ko.
"Uhm, paano mo nalaman na ako si Elix?" mahina kong tanong at ngumiti naman siya.
"Ano ka ba, I'm one of your earliest readers. 'Di ba nagpo-post ka dati ng picture mo?"
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Right. I remembered posting my photo before but that was several years ago. Hindi ko naman akalaing may nakakaalala pa no'n dahil wala pa yatang isangdaan ang readers ko noon.
"Anyway, ano na bang gagawin?" tanong niya at doon ko naman na-realize na may dalawa pa pala kaming teammates na hahanapin.
Dali-dali ko siyang dinala papunta ro'n sa kotse at agad kaming sumakay. 'Yong cameraman niya naman ay sa ibang kotse sumakay. Pagdating namin sa kotse ay pinaandar agad 'yon ni Kuya Driver at sinabi ko sa kanya ang susunod na lugar na kailangan naming puntahan. Then, Arin showed me the card she received.
BINABASA MO ANG
Challengers
AdventureAfter graduating, all Elix wanted to do was rest for a while, but an invitation changed the course of her summer vacation. She had been a writer on an online platform since college and accumulated quite a huge number of readers. She received an invi...