||CHAPTER 1||

309 31 5
                                    

                     || CHAPTER 1||
MissCleazz
¬°||Faye's POV||°¬

Kasalukuyang nandito ako sa public library, medyo nagdidilim na yung kalangitan, nandito ako kasi may gusto akong basahin na libro. Free time ko kaya dito ako pumunta, hindi na kasi ako siyadong nakakalabas dahil ang daming trabaho sa Guild, 'bakit ba kasi ako nag apply bilang weaponologist sa guild. Ang dami ko na ngang ginagawa!.. Ay sha! Ako din naman yung may gusto, sino ba yung sisisihin ko kundi sarili ko.'

Habang naglalakad ako sa mga shelves na punong puno ng mga libro may nakita akong itim na libro na napakadumi, Ibang iba naman yung mga librong nakapaligid dun, napaka linis na kala mo'y bago eh nagamit naman na yun ng madaming tao. Kinuha ko yun at binili, mukhang interesting naman yun, Unfaded yung pangalan. its the only one that's different.

Nakalabas na ako ng public library tatawid na lang ako para maka punta sa mahal ko '(Kotse ko yung tinutukoy ko, sino ba namang tao deserve ako, wala noh!)', malapit na sana akong makatawid nang biglang may bumanga sa akin, pagreresulta nang pagtalsik ng katawan ko. May naramdaman akong mainit na likido na tumutulo sa ulo ko, 'anong nangyari?' 'may kotse bang bumanga saakin?' 'Kung ganon bakit wala akong maramdamang sakit o kahit kirot lamang sa aking katawan..' Kaya ko pa namang idilat ang mga mata ko kaya ginawa ko yun, may nakita akong isang humanoid na anino, lumabo yung mga mata ko pero alam ko hindi yun kotse o ano 'Ito ba yung bumanga saakin?, malabong ito yung bumanga saakin kasing laki ko lang yung anino.'

"W-who are yo-u?", utal kong sabi.

Wala naman siyang sinabi gumalaw lang ito patungo saakin at nilapag ang kaniyang aninong?.. kamay?.. Ewan hindi ko alam kung anong nilalang to. Bigla na lang nag dilim yung paligid nawalan din ako ng pangrinig, hindi ko alam kung bakit pero conscious parin yung diwa ko, bigla ko nalang naramdaman na parang may humigop saakin, kasabay ng pagbalik ng pangrinig ko. May naririnig akong babae na tumitili/sumsigaw, pero mahina lang iyon, sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ako makagalaw, naparalyze ata ako, pero.. bakit ang sikip?!. Bigla ako nakakita ng maliwanag na parang tunnel, namatay na ba ako? Ito ba yung papasok sa heaven? Haha.. Impossible. Alam ko sa sarili ko na halos ako yung pinaka masamang taong nabuhay.

'Shet.. Hindi ko pa nabasa yung librong binili ko, sayang yung pera ko, huhuhu..'

Palapit ako nang palapit sa maliwanag na tunnel,
At lalong lumalakas yung tili ng babae. Nang nakalabas na yung ulo ko kasabay yung katawan ko sa tunnel ay bigla akong nasilaw sa liwanag, hindi ko alam pero may mga higanteng tao ang nakapaligid saakin. Bigla napukaw yung attention ko nang biglang pabulong na nagsalita yung babaeng nasa mid 50's.

"Bakit hindi umiiyak ang batang ito.." sabi na may pagaalala.

"Alora! Brea! Linisan nyo na si miss!." sambit nito at ibinigay ako sa dalawang babae.

I don't know why but im feeling tired. Inaantok na ang mga mata ko at tuluyang nakatulog.

°{~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~}°

Pagkagising ko ay nasa malaking maaliwalas na kwarto ako, mukhang mamahalin ang mga bagay na nandidito dahil halos lahat ng bagay ay ginto. Modern na may pag ka medieval yung kwarto.

'Pero teka.. Nasaan ako?!' sinubukan kong tumayo at magsalita pero hindi ko kaya, parang ang bigat ng katawan ko.

Medyo malabo din ang paningin ko kaya agad ako nag panic, dahil kahit anong pikit at dilat ng mata ko ay malabo parin ito. 'Anong nangyari sakin?! Naging baby ba ako? Siguro oo.. But this is impossible!..'

Biglang may naramdaman akong presensyang palapit sa pinto, hindi lang isa o dalawa kundi apat, Nang biglang bumukas yung pinto ay iisa lang yung pumasok at yung tatlo ay nanatili sa labas. Hindi ko syado makita yung mukha nung pumasok, pero alam ko lalaki ito at may kagwapuhan ang mukha, palapit ng palapit yung lalaki at medyo nasisilayan ko na ang mukha nito. Mukhang nasa mid 20's palang ang lalaking ito. 

Nang tuluyang nakalapit ito saakin, ay nilagay niya ang index finger niya sa aking noo at may kung anong nangyari dahil medyo kumirot yung mata ko. Pagkatapos ay bigla na lang luminaw ang aking mga mata.

'huh?, what happened?!' hindi ako naniniwala doon pero parang magic na nga.

Yung lalaki ay may brown na buhok at black na mata, gwapo at matangkad, mas gwapo pa sa mga taong nasa Earth.

Nakatitig lang ito saakin na parang nagaalinlangan kung papatayin ba ako o hindi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatitig lang ito saakin na parang nagaalinlangan kung papatayin ba ako o hindi. He have sorrow and hatred in his eyes, at the same time, concern.

Bigla na lang nagsalita yung lalaki.

"Your name is Devlyn Eloise Estrella" sambit nito.

'huh?' - Faye/Devlyn

Pagkatapos ay umalis na yung lalaki. Unting-unti rin nawawala ang kaniyang presensya.

Pagkatapos umalis ng lalaking iyon ay pumasok ang tatlong babae mukang bata pa, nasa 18-23 ata ang mga ito.

"Pasensya na po miss Devyln, iyon po ang inyong ama"sambit ng isang babaeng pinakamatanda ata sa kanila. 'Pero teka... Ama?!, So naging sanggol nga ako?!'."Kami po ang inyong personal maid's. Ako po ang pinakamatanda, my name is Alora, ang nasa kaliwa ay si Brea." pagkatapos mag salita ni Alora ay yumuko si Brea. "Ang nasa kanan ay si Akira" yumuko rin ito pagkatapos magsalita ni Alora.





                  ||To be Continued ||



{~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~}



¬°¦ A/N ¦°¬

Hello reader's, pasensyahan nyo na si Author Kung may incorrect grammars kayung nakita.

Alam ko may hint na kayo kung anong nangyari kay Faye/Devlyn, hehehe.. Exciting noh?

Sana magustuhan nyo! Also thank you in advance for voting. Love you guys! <3

UNFADEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon