Miguel's POV
Nakakabored naman. Wala pa yung prof. Iingay ng mga classmates ko pa. Kilala ko naman sila. Kaso tinatamad akong makipagusap. Pero mukhang magsasalita na ko. May papalapit e.
"Hi Miguel" Sabi netong classmate ko. Sya si Cathlyn. Di ko alam full name. Di naman kami close. At wala kong balak.
Simula kasi nung nakilala ko si Venezze, sa kanya na umikot mundo ko. Kaya di ako masyadong nakikipag usap sa iba.
"Zup" Malamig kong sagot sa kanya.
"I'm Cathlyn Dimalanta. In case na di mo ko kilala. Ang tahimik mo kasi. Parang wala kang friends." Pagpapakilala nya.
Walang nagtatanong -_- Pero dahil babae sya at marunong akong rumespeto ng babae hahayaan ko na lang sya.
"Okay" sagot ko. Bakit ba kasi ang tagal ng prof namin? Gusto ko na puntahan si Venezze. Baka maaga na naman sila dinismiss.
"We can be friends Migs. Para naman di ka loner palagi" Sabi na naman nitong Cathlyn na to.
"I'm here to study not to find friends and don't call me that. We're not close" Sabi ko sa kanya. Di ba nya nahahalata na ayokong makipag usap? Biglang dumating na yung prof. Buti naman
"Goodmorning class. I'm sorry for being late."
Di ko na naintindihan yung iba pa nyang sinabi. First day na first day, tinatamad ako. Tiningnan ko yung phone ko kung nagtext si Alien. Kaso wala. Baka may prof na sila. Naalala ko tuloy kung pano kami nagkakilala.
- 3 yrs ago. 4th year high school kami -
"Bro, wala ka bang nililigawan? Para kasing di ko nakikita na may pinopormahan ka e" Sabi ni Aljon.
"Nililligawan? Wala. Pero may gusto kong babae kaso nakakatorpe. Ang ganda nya dude. Tapos ang bubbly nya." Masaya kong kwento.
"Sino ba yung babae na yun?"
"Di mo naman ata kilala. Wag na."
"Malay mo nga lang kilala ko diba?"
Bigla ko syang nakita. Ang ganda nya. Masayahin pa siya. Nakakahawa yung mga ngiti nya. Tinitigan ko lang sya nung mga panahong yun. Tapos napatingin sya sa direksyon ko. Nakita kong nagulat siya. Namula. Ang cute nya.
"Siya ba bro? Si Zammy ba?" Tanong sakin ni Aljon.
"Kilala mo siya?"
"Oo naman. Bestfriend ko yun e. Actually silang tatlo nung mga kasama nya, lahat sila bestfriend ko."
"Talaga? Cool nun ha?" React ko na lang. Kasi nakakainggit. Bestfriend turing sa kanya nung babaeng gusto ko
"Tara pakilala kita. Gusto ka din makilala nun."
Hinila nya na lang ako papunta kay Venezze tsaka sa mga kaibigan nya. Kinabahan ako bigla. Nung nalapitan namin sila, nanahimik bigla si Venezze. Namumula na di ko maintindihan? Teka? Bakit?
"Guys, Si Miguel. Kaibigan ko. Migs, Si Bella, Faye tsaka si Zammy"
"Hi Miguel. I'm Issabella Chandria Chua" Ang hyper naman nito ni Bella. Parang si Venezze pag nakikita ko pero bakit ngayon, ang tahimik nya? Ayaw nya bang nandito ako?
"I'm Faye Alexis Del Valle naman"
"Venezze. I'm Venezze Angelu Zamantha Ortega" Sabi nya. Bakit ganun? Nahihiya ba siya?
"Miguel Kyle Torres naman" Sabi ko.
Biglang nagbell kaya pumunta na kami sa kanya kanya naming room. Section A sila tatlo pati si Aljon. Section B lang ako. Varsity kami ni Aljon kaya kami nagkakilala. Nawala naman sa isip ko na classmate nya pala si Venezze.

BINABASA MO ANG
Seventy times Seven Chances
Teen FictionSa buhay, di mo maiiwasang di masaktan. Kung ngayon masaya ka, bukas makalawa, may mangyayareng ikakalungkot mo. Kaya nga sabi nila diba? "Huwag ka masyadong masaya. Baka mamaya, umiyak ka" At madalas pa nito, kung sino pa yung nakakapagpasaya say...