Chapter 4- Reason

33 1 0
                                    

Venezze's POV

Nagising ako sa sikat ng araw. Di pa rin pala ko nakakapagpalit ng damit. Bakit ganito yung pakiramdam ko? Ang bigat bigat. Binuksan ko yung phone ko. Sobrang daming text galing kay Migs.

"Alien, let me explain"
"It's not what you're thinking"
"Iloveyou. Let me explain"
"I'm sorry. Pakinggan mo naman ako please"

Paulit ulit lang yung mga text nya. Explain nya mukha nya. Pagtapos nya maging cold sakin tapos yung nangyare kahapon? Tss

*knock knock*

"Ate, gising ka na ba?" Tanong ni Patrick.

"Bakit? Oo. Pasok" Sagot ko. Pumasok naman sya.

"Kagabi pa pabalik balik si kuya Migs dito. Pero tulog ka na kaya di ka na namin ginigising nila mama. Bakit ate? May nangyare ba? Sabi kasi ni kuya Aljon, hayaan ka daw muna namin matulog. Wag daw iistorbohin" Sabi nya. Wala talagang inisip si Aljon, kundi yung nararamdaman ko, naming tatlo nyang bestfriend.

"Wala wala. Hayaan mo lang si Migs. Wag mo na isipin yun" Sabi ko. Ayoko muna sabhin. Nakakapagod mag explain.

"Sigurado ka ate? Namamaga yang mata mo oh? Basta pag may ginawa sya, sabihin mo agad, sasabihin ko kay papa, bubugbugin namin yun" sagot nya. Nakakatouch naman tong kapatid ko.

"Ayos lang ako. Wala to. Wag naman bugbog. Kawawa naman yun."

"Pag sinaktan ka ate, walang awa awa"

"Venezze! Let me explain! Kausapin mo naman ako oh?"

Biglang may sumigaw galing sa labas. And for sure, si Migs na yun.

"Oh ate, akala ko ba wala lang yun?"

"Hayaan mo siya"

"Venezze, Alien! Kausapin mo na ko please? Magpapaliwanag ako. Ipapaliwanag ko lahat. Please pakinggan mo naman ako" Sigaw nya na naman.

Biglang pumasok si mama.

"Anong problema nak? Bakit sumisigaw dun si Miguel? Nag away ba kayo?"

"Nakita ko kasi siya kahapon sa mall. May kasamang babae ma e" Sinabi ko na. Para di na sila mangulit.

"Baka kaibigan nya lang anak. Kausapin mo na. Kawawa naman sya dun oh?"

"Sige po. Mag hihilamos lang po ko"

Pagkatapos ko mag himalos, bumaba na ko para kausapin si migs. Siya lang yung tao dun. Mukhang wala syang tulog. Di pa din sya nagpapalit ng damit. Yun yung suot nya kahapon e.

"Dyan ka lang. Wag kang lalapit. Sige. Sabihin mo lahat" Cold kong sabi. Naiinis pa din ako sa kanya -_-

"Sorry. Sorry sa nangyare. Kahapon, yung kasama kong nakita mo, Si Cathlyn. Classmate ko. Partner ko siya sa activites na gagawin sa school sa buong sem. Bumibili kami ng gamit kaya kami magkasama kahapon. Wala lang yun Alien promise. Huwag ka na magalit" Sabi nya. Maniniwala ba ko?

"Talaga lang ha? Kaya pala ang cold mo nung mga nakaraang araw. Kasi busy ka sa partner mo. Hindi mo nga ko nagawang itext para sabihin yun."

"Biglaan lang yung pagpunta namin dun. Sabi nya kasi kelangan na namin ng materials. Tsaka yung di ako masyadong nagpaparamdam, sinubukan ko lang kung kaya kong mawala ka sakin. Sinubukan ko lang kung anong gagawin ko pag nawala ka sakin. Di ko pala kaya. Nung nakita kita kahapon, gusto kitang yakapin. Ang tanga ko lang kasi alam ko namang di ka mawawala tapos nag iisip pa ko ng ganung bagay. Sorry na alien. Forgive me please?"

May pagka-abnormal din tong alien na to. Sinubukan nya kung kaya nya na wala ako sa buhay nya? Ay monggi to. Tiningnan ko lang sya. Di ako nagsalita.

"Please alien ko, patawarin mo na ko :( di ko na uulitin promise."

Bigla syang lumuhod. Nasa may gate lang ako. Nasa gitna sya ng daan. Tapos nagsisulputan yung mga kaibigan ko. Si Faye, si Bella tsaka si Aljon. May banner silang hawak. "I'm really really really sorry Alien. I miss you, I love you" yung nakalagay.

Binigay ni Faye yung flowers tsaka chocolates kay Migs.

"Oo nga be. Forgive him na. Kagabi pa kami kinukulit nyan. Tulungan daw namin siya. Don't worry, nakausap namin yung Cathlyn and totoo yung sinasabi ni Migs. Partners lang sila." Sabi ni Faye sakin.

"Oo nga. Tingnan mo oh? Ang aga aga, nagpatulong para gumawa nitong banner na to. Wala pa kong maayos na tulog friend kaya patawarin mo na." Sabi ni Bella.

"Sabi ko naman sayo mag eexplain siya e. Di ka nyan ipagpapalit Zam. Mahal ka nyan" Sabi ni Aljon.

"Yung totoo? Sinong bestfriend nyo ha?!" Sabi ko na lang sa kanila.

"Sorry na kasi alien. Patawarin mo na ko."
Lumapit sakin si Migs. Binigay nya yung flowers tsaka chocolates.

"Patawarin mo na anak. Nagsasabi naman ata siya ng totoo. Tsaka alam ko namang mahal mo yang si Miguel" Sabi ni mama.

Nasa likod ko pala sila mama. Di ko man lang napansin. Mahal ko naman talaga si Migs kaya di ko rin siya matitiis.

"Oo na, oo na. Bakit kasi kailangan mo gawin yun? Mahal kita kaya di ako mawawala sayo. Abnormal ka talaga" Yun na lang nasabi ko sa kanya.

Niyakap niya ko. Namiss ko to. Namiss ko yung yakap nya.

"Di ko na uulitin. Promise. I'm sorry Alien. Namiss kita. Mahal na mahal kita. Di ko pala talaga kayang wala ka."

"Mahal na mahal din kita. Kaya huwag mong iisipin na mawawala ako okay?"

Pagtapos kong sabihin yun, humiwalay siya sa pagkakayakap. Nilapit niya yung mukha nya. Hahalikan niya na sana ko.

"Ehem."

Bigla kong napayuko ng "umubo" si mama. Natawa na lang kami ni Migs. Ano ba yaaaaan! Kiss na yun e hahahaha

"Tama na yan. Kumain na ba kayo? Pumasok na muna kayo. Dito na kayo magbreakfast." Sabi ni mama

"Yon! Tita, di pa kami kumakain!" Sabi nung tatlo sabay takbo papasok sa bahay.

Naiwan kami sa labas ni Migs. Nakangiti siya. Mukhang alam ko yung ngiting yan.

"Tara pasok na tayo" Sabi ko sa kanya

"Teka lang alien. Di ba pwedeng ... yung ano ... ituloy yung ..."

"Alin?" Inosenteng kong tanong. Nakakatawa yung mukha nya hahaha

"Ito oh"

Hinila niya ko papalapit sa kanya. Hinalikan niya ko. Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal niya talaga ko. Sana ganito na lang kami. Masaya. Bumitaw na ko. Nakangiti kaming dalawa sa isa't isa. Ang sarap sa feeling. Niyakap niya ko.

"Iloveyou Alien. Mahal na mahal kita" Bulong niya sakin.

---

VOTE. COMMENT. HIHIHIHI

@xangelubiancax -twitter
@angeluxbianca- IG

Seventy times Seven ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon