Venezze's POV
Nandito kami ngayon ni Faye tsaka Bella sa bahay. Wala si Aljon. Wala tuloy nagpapatawa. May pasok daw. Weekend na weekend e -_-
"Tara shopping tayo girls. It's saturday naman e" Yaya samin ni Bella.
"Tinatamad ako" sagot ko
"First time tamarin ha?"
"Eh kasi naman si Migs. This past few days, parang laging ang lalim lagi ng iniisip. Nakakabother. Parang may gumugulo. Pakiramdam ko tuloy may iba na sya huhuhu" Sagot ko. Nakakapraning naman kasi talaga kainis.
"Ay? Malay mo busy lang. Iniisip yung school works. Engineering tinetake nya. Mahirap yun girl. Stop overthinking." Sabi ni Bella.
"Wag mo masyadong isipin yung mga ganun. Normal lang yun. Minsan talaga cold yung mga lalake. Moody din kaya yung mga yun. Minsan sweet tas minsan cold. Wag kang praning. Ganyan din si Diego minsan. Nagsosorry naman sya after." Sabi ni Faye.
Buti na lang talaga nandito tong dalawa. Nakakastress rin pala pag may boyfriend. Kaloka.
"Oh ayan. Kaya shopping na lang tayo. Wag ka ng tamarin. Tara na!" Sabi ni Bella.
"Okay sige na. Tara na. Bihis lang ako"
After kong magbihis, dumirecho agad kami sa SM Aura. Nagshopping lang kami. Di ko maiwasang di mag isip. Bakit ba kasi ganun si Migs ngayon? Yung alien na yun! Pag sya talaga may iba, papatapon ko sya sa ibang planeta. Kasama nung babae nya -_-
"Huy! Nandito ka para magshopping di para mamroblema. Don't worry. Kung may iba man yang boyfie mo, papabugbog ko sya may Diego hahaha" Sabi ni faye. Aba?
"Oo. Papabugbog ko din sya kay James myloves. Sasabihin ko yun!" Hirit naman si Bella.
"Boyfriend mo ba si Kuya ha?" Tanong ni faye Hahahaha bigla namang sumimangot si Bella.
"Eh di hindi! Magiging boyfriend ko din sya sooooon!" Pagmamaktol niya.
"Hoy hahaha tumigil na nga kayo. Oo na oo na. Di ko na iisipin. Pero pizza muna tayo! Gutom na koooo!" Sabi ko sa kanila. Lagi talaga nila ko napapatawa.
"Tara. Bayaran muna natin to." Sabi ni faye.
After naming bayaran yung mga binili namin, bumili kami ng pizza. All time favorite e.
"Ay girl, pupuntahan ka ba ni Migs dito ngayon?" Tanong ni Faye.
"Hindi nya naman alam na nagshopping tayo e. Di pa nga sya nagtetext e." Sagot ko.
"Eh bakit siya nandito?"
"Saan?" Tanong ko.
Tinuro naman ni Faye. Oo nga. Siya yun. Anong ginagawa nya dito? Alam nya ba?
"Pero may kasama sya be. Ayun oh! Babae" Sabi ni Bella.
Meron nga. Putspa! Sino yun?! So kaya di sya nagtetext dahil dun? Kaya cold sya dahil dun sa babae?! Nakakainit ng ulo yan ha!
Pupuntahan ko na sana kaso pinigilan ako nung dalawa."Anong gagawin mo? Wag ka gagawa ng scene dito be. Magmumukha kang loser." Sabi ni Bella.
"Oo nga. Magpakita ka na lang sa kanya. Pero don't you ever make a scene here. Magpakita ka para alam nyang nakita mong may kasama syang iba" Sabi ni Faye.
Tama sya. Pumunta ko malapit sa kanila. Sinadya ko na dumikit kay Miguel. Nashock sya nung nakita nya ko. Di ako nagsalita. Tumakbo na lang ako palabas ng mall. Bahala siya sa buhay nya!
Sobra kong nag aalala kung anong meron. Kung bakit ang cold nya tapos makikita ko sya, may kasamang iba?! Wow just wow.
Narinig kong tinatawag ako ni Bella tsaka Faye pero tumakbo lang ako. Hinahabol din ako ni Migs pero di ko pinansin. Narinig ko yung babae. Tinatawag si Migs.
Ugh nakakainis! Sumama sya dun sa babae nyang mukhang tuod. Bahala syaaaaa!!!
Nung naramdaman kong wala ng sumusunod sakin, tumigil na ko sa pagtakbo. kakapagod. Napansin ko na umiiyak na pala ko.
Hindi ito yung unang beses na magkatampuhan kami ni Migs pero first time to. Yung makita ko syang may kasamang ibang babae. Akala ko ba hindi nya hahayaan na may lumapit sa kanyang ibang babae?
Porket ba wala ko sa tabi nya?! Mukha na kong tanga dito. Nakaupo lang ako dito sa may bench. Pinagtitinginan ako pero wala akong pakialam. Naiiyak ako e!
Biglang dumating yung dalawa. Hinihingal.
"Nandito ka lang pala hooo! Nakakapagod ha? Pero uy be, Wag kang umiyak dito. Uwi na muna tayo" Sabi ni Bella.
"Eh kasi nakakainis eh! Ang cold nya nung mga nakaraang araw. Tapos makikita ko, may kasama syang ibang babae? Anong gusto nyang gawin ko? Magpafiesta kasi may iba na sya? Huhuhu" Di ko na napigilan. Kahit nasa public kami, wala kong pake. Grabe sya :(
"Malay mo naman, kaibigan nya lang yun. Let him explain. Pero sa ngayon, uwi muna tayo" sabi ni faye.
Umuwi kami samin. Dumirecho ako sa kwarto. Nakasunod lang sakin yung dalawa.
"Be. Mag eexplain naman sayo si Migs. Huwag ka ng umiyak. Malay mo nga diba? Sinamahan nya lang yung babae or what kasi kaibigan nya." Sabi ni Faye sakin
"Oo nga. Magpahinga ka na muna. Bukas naman siguro mageexplain sya" sabi ni Bella.
Biglang tumunog yung phone ko. Si Migs tumatawag. Bahala sya sa buhay nya.
"Oh ayan na oh? Tumatawag. Baka mag eexplain na." Sabi ni Bella.
Pinatay ko yung phone ko. Tsaka ko humiga.
"Ayoko muna sya kausapin. Bahala sya. Magpapahinga na lang muna ko. Pakisara na lang yung pinto." Sabi ko na lang sa kanila.
Biglang bumukas yung pinto. Si Aljon dumating.
"Anong nangyare Zammy? Bakit ka umiiyak?" Tanong nya sakin. Pero imbis na sumagot ako, niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Di ko na napigilang di umiyak.
"Nakita namin si Miguel. May kasamang iba kanina sa mall" sabi ni Faye.
"Oh? Baka naman kaibigan o kaklase nya lang? Pinagexplain mo ba?" Tanong sakin ni Aljon.
Umiling lang ako. Ayoko magsalita. Nakayakap lang ako kay Aljon.
"Hayaan mo. Kakausapin ko siya. Wag ka na umiyak Zammy. Alam kong di nya magagawang palitan ka. Mahal ka nun, ano ka ba? Basta ngayon, magpahinga ka na lang muna. Bukas, sigurado akong mag eexplain yun sayo. Wag ka na umiyak" Sabi ni aljon sakin habang hinahagod ako sa likod.
Pumikit lang ako habang nakayakap kay Aljon. Ang sarap kasi sa pakiramdam.
Bahala na bukas. Pag nag explain sya, bahala na, kung hindi bahala na pa din.
Di ko namalayan, nakatulog na lang ako sa kakaiyak.
---
Comment comment comment. Vote vote vote. Please mehehez

BINABASA MO ANG
Seventy times Seven Chances
JugendliteraturSa buhay, di mo maiiwasang di masaktan. Kung ngayon masaya ka, bukas makalawa, may mangyayareng ikakalungkot mo. Kaya nga sabi nila diba? "Huwag ka masyadong masaya. Baka mamaya, umiyak ka" At madalas pa nito, kung sino pa yung nakakapagpasaya say...